Pagdating ko sa bahay ay nakita ko kaagad si Dory na nakaupo sa may hardin. Pagkakita nito sa akin na bumaba ay kaagad ako nitong sinalubong. “Madam, ang mga babae nilipat lang ng hide-out. Narinig ko pa na sabi ng isa on-call daw sila at gabi lang pwede sa underground. Mukhang ang plano sa kanila ay maging babae ng mga kasosyo ng daddy mo. Mabuti na lang madam kinuha mo ako, kung hindi baka hindi lang isa ang mag paka-sasa sa akin.” Tumango lang ako sa sinabi ng babae at nilingon ko ang sasakyan. Kinuha ko ang dalawang paper bag na para sa akin at tinira ko ang iba. “Kunin mo lahat ng paper bags sa sasakyan, sa'yo lahat yan. Ayaw ko na makita kang nakasuot ng ganyang damit na mukhang cosplayer na porn star.” “Ito kasi madam ang gusto ni Senator.” Sagot ng babae na sinamaan ko ng

