“Bakit bumalik ka pa dito?.”
Nagulat ako sa sinabi ni mommy habang hiniklas ng matandang babae ang aking braso. Umiiyak ito na hinaplos ang aking pisngi at hinalikan ako sa mukha. Naiiyak na tinitigan ko ang aking ina-inahan. Maganda pa rin ito at sopistikada ang itsura, puno ng alahas ang katawan, may magarang damit at naka full makeup ang mukha. Naupo ang matanda sa gilid ng kama at sinubsob ang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang mainit na likido na mula sa mga mata nito na umaagos sa aking balikat.
“Dapat hindi ka na bumalik anak. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?. Huhuhuhu.”
Malakas na iyak ng aking ina habang nanatili na nakayakap sa akin. Ramdam ko ang pagkasabik nito sa aking presensya pero hindi maitatago ang pag-aalala nito sa akin.
“Itatakas kita dito mom.”
Bulong ko sa matandang babae na mabilis na umiling at kumalas sa pagkakayakap sa aking katawan.
“Mas lumawak ang teritoryo ng ama mo na demonyo. May inaniban na din siyang grupo na naglalabas pasok ng mga mamahalin na uri ng baril. Mas nakakatakot na siya ngayon anak.”
Ramdam ko talaga ang takot ni mommy habang nagsasalita. Pero napangiti ito bigla habang nakatitig sa akin.
“Napakaganda mo anak. Lumaki ka na magandang babae. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina.”
Nangunot ang aking noo sa sinabi nito. Bigla itong tumayo at iniwas ang tingin. Napakunot ang aking noo na tinitigan lang ang bawat kilos babae. Kinukotkot ng isa niyang kamay ang kanyang kuko habang kinakagat ang kanyang labi.
“Mom!”
Sigaw ko na nagpaharap dito, ngumiti ng pilit ang matanda at naglakad muli papalapit sa aking pwesto at niyakap ako.
“Baba na tayo anak, kumain ka na.”
Tumango ako at sabay kami na bumaba ni mom. Pagdating sa kusina ay nandoon na pala ang aking ama. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin.
“Eheeeeeem. Hi daddy.”
Pagbati ko sa aking ama sabay lapit dito at hinalikan ang kanyang pisngi. Nakatitig lang ito sa akin na para bang namumula ang mata nito, pero ano ang nakikita ko?. Lungkot?. Luha?. Eh hindi naman marunong makaramdam ng emosyon ang demonyo ah?!. Naupo na ako sa gilid ni dad sa kaliwang bahagi ng mesa. Nag hain sa plato ko si mom ng mga pagkain na pinasalamatan ko habang nakangiti. Tanging tunog ng plato at kalansing ng kutsara at tinidor ang maririnig sa hapag-kainan. Wala ni isa sa amin na nagtatangkang magsalita. Hanggang natapos ang pagkain at naunang tumayo si daddy, kaagad naman sumunod si mommy habang ako ay nakaupo pa at kumakain ng grapes. Ang awkward ng naganap kanina. Gusto ko saksakin si daddy sa lalamunan. Nagpasya na akong tumayo at ilagay ang table napkin sa upuan. Naglakad ako patungo sa hardin at naupo, nagsindi ng isang sigarilyo at kaagad itong hinithit.
“Ayaw ko na nakikipagrelasyon ka kahit na kaninong lalaki. Kung ayaw mo na maaga nilang makita si San Pedro ay matuto kang sumunod. Marami ka ng utang sa akin, nagpakasasa na ang kung sino-sino sa'yo na dapat ako ang nauna!”
Now I get! Ang emosyon pala na nababasa ko kanina ay selos at galit dahil hindi siya ang nauna. Nakakatawa at hindi ko maintindihan kung na ano bang hinahabol niya sa akin ‘e napakarami naman niyang puta na kinakana at pwedeng kanain ano mang oras niyang naisin.
“Bakit ako?.”
Walang emosyon na tanong ko habang nakaharap sa aking ama-amahan. Natatakot man ay pilit ko pinapatatag ang aking tuhod para hindi bumigay. Nakita ko ang pag ngisi nito sabay tingin sa paligid. Hinaplos ng likod ng kanyang kamay ang aking lantad na braso sabay bulong sa aking tenga.
“Dahil ikaw si Monalisa.”
Napailing na lang ako sa walang kwenta na sagot ng matanda. Dinilaan pa nito ang aking tenga bago maglakad palayo sa akin. Nandidiri na pinahid ko ng laylayan ng aking damit ang laway nito na naiwan sa aking balat. Nang makita ko na nakalayo na ang matanda ay nangangatog ang tuhod ko na humakbang patungo sa mga upuan. Nababaon ang isip ko na magsiyasat kung sino ba ang aking ina. Sino ba ang aking mga magulang?. Nanginginig ang aking mga kamay na nag sindi muli ng isa pang stick ng sigarilyo. Mabilis ko itong hinithit hanggang sa napangiwi ako dahil ramdam na ng mukha ko ang init. Sagad na pala sa filter ang apoy, hinagis ko lang kung saan at ipinikit ang aking mga mata.
“Panginoon, matagal pa ba ang anghel na pinadala mo para sa akin?.”
Nakapikit na sambit ko habang ramdam ko ang pagtulo ng masaganang luha sa aking mga mata. Wala akong kongkreto na plano bago ako bumalik dito dahil sa labis na pag-aalala sa aking ina, alam ko na ang bahay na ito ay isang malaking arena na kahit anong oras ay may aatake na leon sa akin. Sa ganitong sitwasyon tanging ama sa langit lang ang mahihingan ko ng tulong.
“Mainit na anak, pumasok ka na kaya sa loob?. Sayang ang kutis mo baka mangitim.”
Napalingon ako sa nagsalita, ang yaya ko pala.
“Takot akong mamatay anak at takot din ako na may mangyaring masama sa pamilya ko. Pero anak, alamin mo kung sino ka bang talaga.”
“Ano po ang ibig mong sabihin yaya?”
Hindi na muling nagsalita ang matanda at tinapik na lang ako sa balikat. Hanggang sa nakatanaw lang ako dito na papalayo. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa frustration. Tang*na ano to, pinoy henyo?. Para akong nasa who want’s to be a millionaire na kailangan hulaan ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Ang masakit lang ‘e walang call a friend dahil wala naman akong kaibigan. Ilang oras din akong nanatili na nakaupo dahil kahit mainit naman ay hindi masakit sa balat. Mahangin at namiss ko ang ganitong panahon.
“Anak, aalis ako. Bukas ang balik ko dito ng gabi.”
Sabi ni mom habang tumabi ng upo sa akin. Hindi ko ito nilingon o kinibo.
“Alam mo anak, mahal na mahal kita sa maniwala ka man o hindi. Sana kapag may pagkakataon pa ay tumakas ka na.”
Lumingon na ako kay mom at tinitigan ito ng matalim.
“Paano ka?. Panoorin na lang ba kita na babuyin ng kapatid ni daddy?.”
Kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni mommy. Naging malikot din ang mga mata nito.
“Kung tatakas ako, kasama ka. Kung mamatay ka, sasama ako.”
Sabi ko sa aking ina sabay tinalikuran ito at naglakad na ako palayo. Hindi ako bingi, alam ko narinig ko ang usapan ng mga kasambahay. Ngayon kailangan ko mag-isip ng plano kung paano susunugin ang bahay na to.