Lucas (POV) Hindi ko sinasadya na mapalakas ang pag sara ko ng pintuan. Dahil nagulat ako sa naging usapan ni Monalisa at ng kapatid ko na si Leon. Konsensya, nakokonsensya ako dahil parang sinamantala namin ang sakit ng babae na hindi naman niya ginusto. Napasuklay ako ng aking buhok gamit ang dalawa ko na kamay dahil na frustration. Pinapatrabaho ko na sa iba ang pagkuha ng blue book sa opisina ng matanda kaso medyo malawak at maraming aklat kaya medyo natagalan pa ang mga nandoon dahil wala pa akong balita hanggang sa ngayon. Nakita ko ang aking cellphone na umiilaw sa ibabaw ng table kaya dinampot ko at sinagot ang tawag ng aking ama. “Pa?.” “Nasaan si Leon?, kasama mo ba ngayon?.” “Yes papa, bakit po?.” “Pumunta kayong dalawa dito sa bahay mamayang gabi, may mahalaga tayong p

