“Leon, gising na kumain ka muna.” Sabi ko sa lalaki habang inuuga ko ang kanyang balikat. Si Lucas naman ay inihahanda ang mga pagkain na binili niya. Naupo si Leon at kumuha ng pagkain. Kinuha niya ang mga kamatis sa burger namin ni Lucas at lahat nilagay sa kanya. Tapos kumuha pa ng french fries at sinawsaw sa coke float. Inagaw pa sa akin ang wings na part ng fried chicken dahil ang iba na manok ay legs na at breast na ang natira na parts. “Ano ba yan Leon?! Lahat na lang inagaw mo kay Monalisa. Para kang si Violet.” Sabi ni Lucas sa kapatid na hindi naman umimik at patuloy lang na kumakain. “Hindi ka naman kumakain ng kamatis ‘e bakit ka nagagalit?. Si baby love ayaw din ng kamatis sa burger kaya inaano ko ba kayo?.” Napapailing na lang ako sa dalawa na nagtatalo pa. Habang ma

