CHAPTER 2

1070 Words
Zilean POV. Dali-dali akong bumangon at inayos ang sarili ko. Second week pa lang ng pasok ko, pero sandamakmak na gawain agad binigay. Nakapagbayad na din agad ako ng tuition fee ko, salamat sa perang nadekwat ko kay tanda. Napatingin naman ako sa cellphone ko habang nagkaklase, nag-vibrate kase bigla. Nakita ko si Haze na nag text sa akin. From: Haze pokpok Message: Pupunta ka bang party ko? Madaming sugar daddy dito, perahan mo lahat HAHAHA Ang isa sa nakakatuwa kay Haze ay suportado siya sa kagagahan ko. Well, suportado din naman ako sa kapokpokan niya lol. To: Haze pokpok Message: Sige, punta ako. Reto mo agad ako sa mga sugar daddy diyan para tiba-tiba ako XD sent! Ibinalik ko na sa bag ko ang cellphone ko at nagpatuloy na sa pakikinig. Even though I was being such as this, I am always on the list of deans. Hindi ko pinapabayaan ang grades ko, becoming an architect has always been my passion. Natapos na ang klase at nagpunta na ako sa Coffee shop para sa one hour break time namin. Hinintay ko pa sila Haze, Izza at Dazie. Magkakaiba kami ng pinasukan na university at magkakaiba din kaming course na kinuha. Naunang dumating si izza dahil mas malapit siya sa Coffee shop na tambayan namin. "Hi, Good morning." Humalik siya sa pisnge ko at naupo sa tabi ko. Sumunod naman na dumating si Haze at Dazie, yumakap sila sa akin at naupo na din sa tabi ko pati sa tabi ni Izza. "Umorder na kayo?" Tanong ni Haze, umiling naman kami ni Izza sa tanong niya. "Edi sino mag oorder?" Takang tanong naman ni Dazie. "Edi kayo, sino pa ba?" ayoko nga gumastos hmp, sila nagyaya edi sila magbayad. "Ambagan nalang, kuripot niyo" "Wow ah, so kami pa kuripot? Ikaw nga nagpapa-ambag diyan" Sagot ni Dazie kay Haze. "Huwag na kayo magtalo diyan, ako na magbabayad." nilabas naman ni Izza ang card niya at binigay kay Haze para ito na ang umorder. Agad naman nagsitakbuhan ang kambal sa harap at umorder. Alam naman na nila kung anong gusto namin ni Izza kaya hindi na sila nagtanong pa. "Musta school?" Tanong ni Izza. "Maayos naman, etong si Dazie tanungin niyo kung maayos ba pfft" humagikgik ng tawa si Haze habang masama namang nakatingin sa kaniya si Dazie. Nagtaka naman kami sa inasta ni Dazie kay Haze kaya napabaling ang attention namin ni Izza kay Dazie. "Why the f**k are you looking at me? I've not really done anything." Wala pa nga kaming tinatanong napakadefensive na kaagad. "Anong wala? You j--mmm" tinakpan bigla ni Dazie ang bibig ni Haze para hindi namin marinig ang sasabihin ni Haze, kaya mas lalo kaming nagtaka ni Izza. "Ano bang nangyari? Sasabihin mo o hahampasin kita ng plato?" Iritang tanong ko kay Dazie na ikinairita niya din. Luh, ako naiirita tapos maiirita din siya? Lah epal. "AKO NA MAGKEKWENTO!" nagtaas pa ng kamay si Haze na akala mo nag re-recite at ngiting-ngiti pa siya, yung ngiting kita gilagid punyemas. Wala naman ng nagawa si Dazie kung hindi isiksik ang sarili niya sa upuan at nakasimangot na nakatingin sa kambal niya. "Ganto kase yon HAHAHA kase ano si ano HAHAHAHA" may pahampas hampas pa siya habang hawak ang tiyan niya dahil sa kakatawa. "Si ano kase HAHAHAA" "Sino?" Inip na tanong ni Izza habang kinakain ang red velvet cake niya. "Ano, si ano HAHAHAH" anak ng tipaklong, binaba ko na ang tinidor na gamit ko at tumingin ng masama kay Haze. Kanina pa siya ano ng ano tapos wala namang sasabihin letse. "Kanina ka pa tawa ng tawa, hindi mo na natapos yang pesteng ikekwento mo" "Eto na, sarreh.. So yun nga HAHAHA si twin sistah HAHAHA" putragis na babaeng toh! Tawa lang ata alam gawin nito piste. "So eto nga, kanina kase I went to her university para sabay na kami pumunta dito. Tapos I saw the tall and good-looking man watching her na naglalakad papunta sa akin, kaso bago makarating si Dazie sa akin, the good-looking man drags her hand tapos she suntok the guy agad sa mukha HAHAHA so bigla nalang tumakbo si sistah kaya tumakbo na din ako HAHAHA" katawa yon? Wala naman palang nakakatawa tapos kung makatawa tong isa akala mo bibitayin na kinabukasan. "Akala ko naman magjojoke ka kaya ka tawa ng tawa, tapos yan lang pala sasabihin mo loka-loka" "Duh! It's funny kaya. Sinuntok niya yung guy bigla" Eh kung ako sumuntok dito? Tapos tatawa din ako. "Eh ano naman? Malay mo nagulat lang si Dazie kaya nasapak niya yung lalaki" napataas naman ang kilay ko ng biglang umismid si Dazie sakin at parang may sinasabi. "Hoy Dazie, tigil-tigilan mo kakaganyan mo kung ayaw mong ipalamon ko yang baso mo sayo" inirapan niya lang ako kaya hindi ko na siya pinansin at inubos na lang ang cheesecake ko. "Time na, I have to go" sakto namang pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na si Izza kaya sumunod na din ako dahil baka ma-late ako sa next subject. Dumaan muna ako sa National Book Store para bumili ng gamit ko bago ako bumalik sa school, kaya paglabas ko ay highway na kaagad. Medyo malayo ang pedestrian na tatawidan pero mas magandang sure, para kapag nasagasaan may bayad mwehehe. Nasa bandang gitna na ako ng pedestrian ng biglang may mabilis na sasakyan akong nakita na papunta sa akin, hindi ko na namalayan kung anong ginawa ko dahil mas pinangunahan ako ng kaba at takot. Nabitawan ko ang binili ko at napaupo sa kalsada habang hawak ang ulo ko. Kanina pa ako dito sa gitna pero bakit parang wala naman akong naramdaman? Patay na ba ako? Hindi pwede! Hindi pa ako handa sa init ng impyerno huhu. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at puro.. puti! Punyeta patay na talaga ako? Final na yon? Hindi pa nga ako nakakagraduate eh depungal. Inilibot ko ang tingin ko at may nakita akong tesla na kotse sa may gilid ko. Anak ng tipaklong! May tesla sa impyerno? Big time ah. Harutin ko nga may-ari nito, baka sakaling makahingi mwehehe. "Excuse me, miss?" Napaangat naman ang tingin ko sa lalaking nagsalita at.. Punyemas! Ang gwapo ng demonyo dito ah infairness. "Natamaan ka ba?" Winawaygay niya pa ang mga kamay niya sa mukha ko, napatango-tango naman ako sa sinabi niya. "Saan?" tinignan niya pa ang kabuuan ko para icheck kung may galos ba ako o wala. "Sayo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD