Hindi ako makatingin ng maayos kay Damon pagkatapos niyang gamutin ang mga napaso ko. Nakabenda na ngayon ang mga paa at kamay ko. Medyo naibsan na rin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa ointment na inilagay niya. “Just stay here. Ako nang magluluto,” aniya nang masiguradong maayos na ang pagkakalagay ng benda sa paa ko. “Hindi na,” iling ko. “Ako na. Ayos lang naman at… kaya ko.” Bumaba ang tingin ni Damon sa mga kamay at paa ko. “Kaya mo bang magluto habang naka benda ang mga kamay mo? At kaya mo bang maglakad, huh?” “Kaya naman…” sinubukan kong tumayo. Pero napaupo ako kaagad nang maramdaman ang kaonting pagkirot ng paa ko. “Tss,” napailing si Damon. “Just stay here. Tatawagin na lang kita kapag luto na ang hapunan.” Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong sagutin siya dahil tin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


