Chapter 18

2311 Words

“Saan ka n-nakakuha ng pera, Celine? Bakit ililipat na natin ang Nanay mo sa pribadong ospital?” tanong ni Tatay nang sabihin ko sa kanya na ilalabas na namin si Nanay ngayong araw at ililipat sa mas magandang pasilidad. “Tay…” hinarap ko siya at tipid na nginitian. “Ako na pong bahala d’yan. Huwag niyo na pong isipin ang tungkol dito. Ang importante… maipapagamot na po natin si Nanay.” “Nangutang ka ba, anak? Baka mabaon ka n’yan…” patuloy pa rin ni Tatay. Dama ko ang lungkot sa kanyang tono. “O-opo… may inutangan ako,” dahilan ko na lang para hindi na siya magtanong pa ulit. “Pero huwag niyo na pong isipin ang tungkol dito.” Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo… na binenta ko ang katawan ko sa isang lalaki para maipagamot si Nanay at magkaroon ng pera. Kailangan kong mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD