Chapter 2

1104 Words
Ang balak na paglapit ni Sam sa kanyang mga inaakalang kaibigan ay hindi natuloy nang marinig niya ang kanilang pinag-uusapan. Tama si Elise. Hindi siya dapat nakipagkaibigan sa mga katulad nila. At ang tanging tunay niyang kaibigan ay ang matalik na kaibigan niyang si Elise. Ilang beses siyang pinaalalahanan ni Elise na huwag makipagkaibigan at magtiwala sa tatlong babaeng iyon ngunit hindi siya nakinig sa kanya. Katuwiran niya ay wala naman silang ginagawang masama sa kanya kaya bakit niya hindi nanaisin na makipagkaibigan sa kanila gayong nakikipagkaibigan ang mga ito sa kanya. Ngunit ngayon na nalaman na niya aang tunay nilang kulay ay hindinng-hindi na siya magpapaloko pa sa kanila. Kahit nahihilo ay pinilit ni Sam na makalakad ng maayos palabas ng resto bar. Ngunit sa kanyang paghakbang ay muntijan na siyang matumba. Mabuti na lamang nahawakan siya ng taong kasalubong niya. "Are you okay?" narinig niyang tanong sa kanya ng lalaking tumulong sa kanya. Tumango lamang si Sam at hindi na siya nag-abala pang tingnan ang mukha ng lalaking kumausap sa kanya. Ang tanging nasa isip na lamang niya ay ang makalabas ng bar at makatawag ng taxi para makauwi na siya sa bahay nila bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sobrang kalasingan. Malapit na si Sam sa pintuan palabas ng bar nang biglangay pumigil sa balikat niya. "Saan ka pupunta, Gorgeous? Ni hindi pa nga tayo nakakapaglaro ay aalis ka na?" kausap sa kanya ng isang lalaking hindi mapagkakatiwalaan ang hitsura. "Get away from me! Leave me alone!" pinilit ni Sam na maging matapang ang kanyang boses. Sa tingin niya ay ito ang lalaking inutusan ng mga "kaibigan" niya para gawan siya ng masama. "Sandali lang, Ganda. Bayad ka na, eh. Sayang naman ang ibinayad ng mga kaibigan mo para paligayahin kita kung hindi natin itutuloy," nakangising sabi kay Sam ng lalaki. Bago pa makatutol ay mabilis na hinila si Sam ng lalaki papunta sa banyo. Hindi siya makapalag dahil mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso habang hinihila siya. At isa pa, nahihilo siya kaya kapag binitiwan siya ng lalaki ay tiyak na matutumba siya sa sahig. Pagdating sa area na malapit sa banyo kung saan may madilim na bahagi ay agad na isinandal ng lalaki sa dingding si Sam at pilit na hinahalikan sa mga labi. Kahit nanghihina ay nagawa pa rin ni Sam na iiwas ang kanyang mga labi kaya sa kanyang pisngi tumama ang nakakadiring labi ng lalaki. Tila hayok sa laman na pinaghahalikan siya sa pisngi pababa sa kanyang leeg. "B-Bitiwan mo ako! Hayop ka!" galit na sigaw niya. "Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ni Sam. Ngunit nilunod lamang ng malakas na tugtog ng bar ang kanyang boses. "Kahit sumigaw ka pa ay walang makakarinig sa'yo. Kaya kung ako sa'yo ay huwag ka nang kumilos at hayaan mo na akong tikman ang katawan mo," tila demonyo sa pagkakangingi ang mukha na sabi ng lalaki kay Sam. "Hindi siya naririnig ng ibang mga tao ngunit narinig ko siya," biglang sabat ng isang boses ng lalaki hindi kalayuan sa kinaroroonan nila. Napahinto sa ginagawang paghalik sa leeg ni Sam ang lalaki at galit na hinarap amg taong nagsalita. "Sino ang pakialamero—" Biglang napahinto ito sa pagsasalita at namutla ang mukha nang makita ang taong nagsalita kanina. "B-Boss, Tyller," nauutal na sambit nito sa pangalan ng lalaki. "Ako nga, Delfin. Long time no see," sagot ng lalaking tinawag na Boss Tyller. Tyller. Iyon ang tumatak sa isip ni Sam na pangalan ng lalaking tagapagligtas niya bago siya biglang hinimatay. Sa tingin niya ay hindi masamang tao si Tyller kaya maaari na siyang bumigay sa kanyang kahinaan. Hinimatay siya dahil sa pinaghalong takot at kalasingan. Nang mapansin naman ni Tyller na biglang hinimatay ang babaeng nais pagsamantalahann i Delfin ay agad niya itong dinaluhan at sinalo ang katawan bago pa man ito bumagsak sa maduming sahig. "B-Boss, magpapaliwanag ako kung bakit ko n-nagawang nakawin ang p-pera mo," nauutal na wika ni Delfin sa sobrang takot. Sinenyasan niya si Caleb na siya na ang bahala kay Delfin. Agad namang nakaintindi si Caleb at mabilis na nilapitan si Delfin pagkatapos ay binigyan ng malakas na suntok sa sikmura. Napaluhod sa sahig si Delfin dahil sa sobrang sakit. "Bitbitin niyo ang taong iyan at dalhin sa loob ng aking sasakyan," mariing utos ni Tyller sa kanyang mga tauhan. Agad namang sumunod ang mga tauhan ni Tyller sa ipinag-uutos niya sa kanila. Binitbi nila palabas ng bar si Delfin matapos itong patulugin ng isang malakas na sipa ni Caleb. Mukha lamang itong nakatulog dahil sa kalasingan. Pagkaalis ng mga tauhan ni Tyller ay tinitigan naman niya ang mukha ng babaeng walang malay na hawak niya. Sa tingin niya ay menor de edad pa lamang ito ngunit malakas na ang loob na magtungo sa ganitong klaseng lugar. Paano kaya ito nakapasok sa bar gayong mahigpit naman ng rules dito na bawal pumasok ang mga minor? Natatandaan ni Tyller na ito rin ang babaeng muntik nang matumba kanina habang naglalakad. At kung hindi lamang siya naging maagap sa pagsalo sa kanya ay tiyak na sa sahig ito pupulutin. Pagkatapos humugot ng malalim na buntong-hjminga ay binuhat ni Tyller ang babae at inilabas sa bar. Dinala niya ito sa loob ng kanyang kotse at iniupo sa upuan na katabi ng driver's seat. Sa likuran naman ng kotse niya ay naroon sina Caleb, Montes at Ador habang hawak ang tulog pa ring si Delfin. "Boss, ano ang gagawin natin kay Delfin? I-salvage na agad natin?" tila hindi makapaghintay na tanong ni Montes kay Tyller. "No. Gusto kong malaman kung saan niya dinala ang oerang ninakaw niya sa akin. At kapag naibalik niya ang pera ay hahayaan ko siyang mabuhay. Ngunit kung hindi na ay bakit ko pa siya bubuhayin?" sagot ni Tyller kay Montes. "Paano kung lokohin ka lamang ng lalaking ito, Boss? Paano kung magsinungaling siya sa atin?" nag-aalalang wika ni Ador. Bahagyang natawa si Tyller. "Sa sobrang takot niya sa akin ay hindi niya magagawang makapagsinungaling. Dahil alam niya na kapag nalaman ko na nagsisinungaling siya ay puputulan ko siya ng dila." Ganyan kalupit si Tyller. Ang mga taong kumakalaban sa kanya ay dalawa lamang ang kinahahantungan. Una ay sa ospital at nagiging inutil at ang at ang pangalawa ay deretso na sa ilalim ng lupa. "Paano ang babae na iyan, Boss? Ano ang gagawin mo sa kanya?" tanong naman ni Caleb kay Tyller. Biglang napatingin si Tyller sa walang malay na babaeng nakasandal sa upuan ng kotse. Ano nga ba ang gagawin niya sa babaeng ito? At sa unang pagkakataon ay hindi malaman ni Tyller kung ano ang kanyang gagawin sa isang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD