Kabanata 21 “Anong ginagawa mo rito, Lacey?” seryosong tanong sa kanya ni Trevor. Lihim naman na napatawa si Freya dahil sa pagkakatanong ng lalaki sa kanyang fiancée na para bang ayaw niya itong papuntahin dito mismo sa opisina. Tinignan niya ang babae na hindi maipinta ang mukha. She’s wearing a red tube dress that has a small lit at the right side of dress. Bukod doon ay ginawa niya rin blonde ang mahaba at kulot niyang buhok. “Anong nakakatawa, Mrs. Velasco?” mataray na tanong sa kanya ni Lacey. Mabilis naman na umiling ang babae sa kanya at saka nagsalita. “Nothing, Lacey. May naalala lang akong nakakatawa,” sagot niya sa babae na tila ba nang-aasar pa. Bumuntong-hininga ang lalaki dahilan para mapatingin siya sa gawi nito at sinimulan tanggalin ang suot nitong suit bago ibigay

