Aoife Sa loob ng ilang araw, naging abala kami sa magkabilaang pista at pag-aayos ng mga silid. Mayroon kasing mga silid at gusali na talagang nasira ng pagsalanta ng mga bampira noon kaya tulong-tulong kaming lahat upang mabilis itong maayos. Dahil sa labis na saya ay nagkaroon kami ng maraming piging na lalong nagpatatag ng aming pagsasama. Nagkaroon din kami ng mga kwentuhan patungkol sa karanasan namin noong madilim pa ang sitwasiyon. Sa kabilang banda, kahit paulit-ulit kong kinukumpirma ay hindi pa rin makapaniwala si Nadetta na may lahi akong bampira. Idinugtong ko pa nga ito sa pambihira kong lakas at maging ang pag-init ng mga mata ko na siyang kakayahan ng mga bampira ngunit hirap pa rin daw siyang maiproseso ang lahat. Abala kami ngayon sa pagpipintura ng bulwagan. Naayos

