Aoife Natatanga na nga yata ako. Hindi ko na magawang makapalag sa mga sinasabi niya sa akin dahil kalimitan akong napapatunayang mali. Hindi ko na nga rin yata magawang makapag-isip nang maayos. Hinahayaan ko na lang kung anong gusto niyang gawin o sabihin. Madalas kasi ay tama naman ito. Siguro ay mawawala rin ang ganitong lagay ko 'pag natapos na ang pagiging alipin ko sa kanya. Unang araw pa lang ito, mayroon pa akong dalawampu't siyam na araw na kailangang tiisin. Nanatili akong tahimik sa buong biyahe namin kahit pa sumusubok siyang magsimula ng usapan. Ayaw ko na kasing dagdagan pa ang mga pagkapahiya at pagkakamali ko. Hindi na rin kasi biro ang bilang kung ilang beses na niya akong nasupalpal. Isa pa ay naaasiwa ako sa posisyon namin. Nakadikit ang likod ko sa dibdib niya p

