Aoife Matapos kong sabihin na ayaw kong magabihan, buti na lang at hindi naman na nagpumilit pang sumama ang babaeng 'yon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naiirita ako sa kanya. Lalo pang nadagdagan ang inis ko sa walang kwentang suhestiyon ni Ethan na bubuhatin daw ako para itakbo papunta sa tuluyan ng mga mandirigma nila. Wala ba siyang sentido de kumon para maisip na hindi pwede dahil nakabestida ako? Nagulat ako ng isinama niya ako sa pagte-teleport niya pero lalo akong nabigla sa hitsura ng pinagmamalaki niyang tuluyan. Nagkalat ang ilang dahon sa harap, halatadong hindi nawawalisan. Maging ang pintura ay kumukupas na at tila kinakala-kalawang din. Kung titignan ng buo ay parang tirahan ng mga barumbado, mga nag-aadik. Talaga bang balak niyang patuluyin dito ang mga mandir

