Aoife Pigil hininga kong tinapos na pahiran ang kanyang katawan at ngayon naman ay ang kanyang likod. Ang tikas ng katawan niya ay talagang nakakapang-akit ng sinomang titingin dito. Mahirap man aminin ngunit maging ako'y gano'n din ang nararamdaman. Ang tigas ng katawan ng isang 'to. Bakit kapag sinusuntok ko siya ay madali ko siyang napapatumba? Siguro ay dahil hindi niya ito inaasahan mula sa isang diwatang babae. "A-alisin mo 'yong.... I-ibaba m-mo..." Ang hirap namang sabihin! "Can I just do it on my own?" Hindi ko alam ang sagot dahil hindi ko na ito naitanong sa manggagamot. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil hindi ko naisip na pwede pala ang gano'n. Pinahirapan ko lang ang sarili kong mag-asikaso ng bampirang ulol. Muntik ko nang hindi napigilan ang sarili ko sa inis

