Aoife Ilang araw na ang nakalipas mula ng gabing 'yon. Wala na rin kaming ibang interaksiyon maliban na lang kung may itatanong siya. "May lubid ba kayo?" tanong niya habang inaangat-angat ang mga gamit sa munting silid kung saan itinatago ang nga gamit pang-ensayo. Walang sali-salita ay kinuha ko ang lubid sa ibabang parte ng estanteng kahoy at iniabot sa kanya. Minsan naman ay kinakausap niya ako tungkol sa importanteng mga bagay. "Princess, I would like to ask your permission to extend training hours," pakiusap niya sa nakakapanibagong pormal na tono. "Ang punong tagapagsanay ang dapat mong kausapin patungkol sa bagay na 'yan," kaswal kong sagot. Umaass akong pantayan niya rin ito. "He already said yes." Nabigo ako nang marinig ang mas pinapormal niyang tono. "Hangga't kaya

