Aoife Walang gustong bumitaw sa titigan naming dalawa. Kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang bumulagta na kaming dalawa rito. Kulang na lang ay ang bisibol na nagsisiliparang mga patalim para simbolohin ang talim ng titigan namin. "Lady Luscianna, luto na po ang ipinahanda ninyong pagkain para kay prinsipe Ethan," balita ng isang serbedora na siyang pumutol sa titigan namin. "It' Luscianna. Why do you always mispronounce my name?" pagwawasto niya sa serbedora. Gano'n din naman 'yon eh, pinaarte niya lang. "Luscianna," paggaya ko ng maarte niyang pagbanggit sa pangalan niya. "Alalahanin mo ang sinabi ko. Sasakit ang tiyan ni Ethan kapag -" "Don't tell me what to do, fairy. One more thing, stop pronouncing my name. Nagtutunog mabantot ito kapag galing sa bunganga mo. Probably

