Aoife
Puro na lang kabwisitan ang dala ng magkapatid na iyon.
Ang isa'y manyak at ang isa'y baliw.
Medyo masakit pa rin ang likod ko sa lakas ng pagkahampas ko sa pader pero isinawalang bahala ko na lang ito. Kailangan kong maghanda para mamaya.
Nakaramdam ako ng ginhawa nang makapasok ako sa kwarto. Sa wakas, katahimikan.
Hinayaan ko muna ang saril kong humiga sa kama. Hindi pa nakakalahati ang araw ay pakiramdam ko, pagod na ako.
“She isn’t in the second highest position because she's our sister. It's more than that. More like intensity of strength and superiority of power.” Naalala kong sabi ng hari kanina.
Alam kong malakas siya pero hindi ibig sabihin no'n na mahina ako.
“Back out from that duel, darling. I'm afraid you might get hurt.” Sa mga mata niya'y nakita ko ang pag-aalala pero ang dating sa akin no'n ay insulto.
Sa buong pananatili ko rito sa lugar nila, marami akong natanggap na pang-aalipusta.
Sa lugar na ito, lagi nilang ipinapamukha sa akin na higit sila kaysa ibang nilalang. Para bang bawat kilos nila ay sumisigaw ng kayabangan na sa palagay nila'y wala nang makapapantay pa sa kanila.
Nabuhay sa loob ko ang kagustuhang isampal sa kanila ang kahambugan nila.
Bumangon ako at marahas na pinunasan ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak. Ngayon pa lamang ako nakaramdam ng ganitong klase ng galit.
Nang makita ko ang repleksiyon sa salamin ay ngumisi ako. “Sa lugar na ito, walang awaan. Walang konsensiyahan. Walang pagmamahal...”
Ako ang magpapabagsak sa mga bampirang ito mula sa alapaap ng kanilang imahinasiyon. “Sa pagbagsak ninyo, sisiguraduhin kong hindi na kayo makakabangon pang muli.”
Ngayon ninyo subukan ang prinsesa ng mga diwata.
Tumayo ako at agad na lumabas sa silid. Wala akong ibang baong plano o stratehiya. Isa lamang ang alam kong magpapanalo sa akin – tiwala sa sarili.
“Saan ginaganap ang royal duel?” tanong ko sa nadaanang kawal.
Tinignan niya ako ng pataas at pababa na para bang hinuhusgahan ako. Pinanatili ko ang kawalan ng ekspresiyon habang nakahalukipkip. “Talagang matapang ka, gusto mo yatang ma – “
“Direksiyon ang hinihingi ko, hindi opinyon mo.” Pagpuputol ko sa sinasabi niyang walang kwenta.
Inirapan niya ako at saka itinuro ang direksiyon. “Ingatan mo ‘yang mga mata mo. Baka matanggal ka sa trabaho, halata na eh.” Kita ko ang paglagulantang sa kanyang mukha.
“Parang awa mo na prinsesa, ‘wag mong sasabihin.” Bigla siyang lumuhod sa harap ko.
“Hindi ako tanga. Hindi kita papayuhang ingatan ‘yang mga mata mo kung ilalaglag din naman kitang bad – “ bigla niyang tinakpan ang bibig ko para pigilan abg sasabihin.
“Baka po may makarinig sa inyo.” Nabasag ang puso ko sa takot na nakikita ko sa mga mata niya.
Inalis ko ang mga kamay niya sa bibig ko saka ko siya kwinelyuhan. “Lahat ng nilalang na nabubuhay ay may karapatang mamuhay sa paraan na gusto niya. Lugi ka kung padadala ka sa takot.”
Padabog ko siyang binitawan. Ginaya ko muna ang paraan ng pagtingin niya sa akin kanina bago ko siya tinalikuran. “Sana maintindihan mo na hindi lahat ay kasing tapang mo.”
“Alam ko, maaaring mas matapang ka pa kaysa sa akin kung gugustuhin mo pero kung mananatili ka sa kaduwgan, bahala ka.” Tuluyan ko na nga siyang iniwan doon.
Bakit ba hinahayaan ninyong bilugin kayo ng mga pinuno niyong walang kwenta kung magpatupad ng batas?
Lalo pang nadagdagan ang listahan ko ng mga dahilan kung bakit dapat kagalitan ang mga bampira.
Naramdaman kong nagliliyab ang apoy ng determinasiyon sa loob ko.
Mukhang pinaghandaan nila ang magaganap dahil pagpasok ko pa lang sa palace arena ay nakakabinging hiyawan na ang sumalubong sa akin.
“Katapusan mo na!”
“Takbo na habang may pagkakataon pa!”
“Sayang ka, ang ganda mo pa naman.”
Nararamdaman kong umiinit ang sulok ng aking nga mata ngunit agad ko itong pinigilan. Hindi ako iiyak, hindi ako magpapakita ng kahinaan.
Inilibot ko ang aking mata sa paligid at nakita kong puno ng mga bampira ang bleachers ng arena. Sa gitnang bahagi sa itaas ng mga upuan ay naroroon ang lugar ng hari.
“Good luck.” Nabasa ko ang hatid ng pagbukas-sara ng labi niya nang magtama ang paningin namin. Sa gilid niya ay nandoon ang prinsesang nakapamewang na mukhang nabuburyo na.
Bakit parang kulang sila ngayon? Whatever, mas maganda na nga ‘yon para walang panggulo.
“Ladies and gentlemen, welcome to this interesting royal duel.” Binalot ng masigabong palakpakan at hiyawan ang buong lugar. “Today, we will witness a royal battle between princesses. Who will gain victory and who will be food to these large starving dogs here?”
Inilabas sa isang sulok ng arena ang isang malaking aso na may limang ulo. Napakalaki ng pangil nila at naglalaway na sa gutom. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras.
“Who’s your bet? Shout it!” Maligalig na sigaw ng tagapagsalita.
Bellona!
Bellona!
Bellona!
Sabay-sabay na sigaw ng mga bampira. Talagang wala akong kakampi sa lugar na ito.
“Okay! The vampire bet I think is clearer that crystal waters. I wonder why no one shouted for miss fairy over here.”
Itinataas-baba niya ang kanyang mga kilay na nakatingin sa akin.
“Wala namang binatbat yan eh!” malakas na sigaw ng nasa bleacher na siyang bumuhay ng tawanan sa buong arena.
Ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganito katinding galit. Nararamdaman kong may mainit sa loob ko na gusto nang kumawala. Maghintay kayong lahat, ipapahiya ko kayo!
“Well, well, well, I couldn’t agree more! Enough with the intro, let's get straight to the rules. First, the magkalaban are only allowed to use their powers and abilities in the battle. The use of weapons such as swords and guns are prohibited. The loser gets a chance to satisfy Bruce's hunger and the winner gets the prize from – “
“I actually want a bet.” Hindi ko napansin na nakababa na pala si Bellona na ngayo'y hawak-hawak ang ang mikropono ng tagapagsalita.
“If you win, I will let you and your fairies to be our ally this coming world war.” Parang ingay ng bubuyog ang bulungan ng mga nasa paligid. “Getting chewed on whilst being lifeless is a no thrill action. I want you to suffer long. If I win, you'll be my personal servant until you die.”
Asa ka,bampira.
Walang alinlangan akong lumapit sa kinaroroonan niya at inagaw ang mikropono. “Mukhang lugi ako kung ‘yan lang ang mapapanalunan ko. Isa pa, kawawa naman si Bruce na umaasang may makakain siya ngayon. Here's my conditi – “
“And who do you think you are to add stupid co – “
“Neither the both of us have the right to give our bets. It should be the king's decision but here you are, asking for a bet. Then you have all the guts to ask me that stupid question.” Nagsinghapan ang mga bampira sa bleachers.
“You talk too much. Tell me your condition and let's start the fight.” Umirapsiya sa hangin.
“Sana sinunod mo yung payo ko kanina na kumain ka kasi kung nanalo ako, ikaw ang lalantakan ni Bruce.” Pagkatapos kong sabihin ay hinarap ko ang tagapagsalita. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na nagpupuyos na siya sa galit.
“Can I get the microphone now?” malamyang tanong sa akin ng tagapagsalita. Iniunat ko ang braso para iabot ang mikropono ngunit bago pa man niya makuha ay binitawan ko na ito. Napatakip sa tainga ang lahat dahil sa ingay na gawa ng mikropono.
“We got some attitude there,” insulto ng tagapagsalita nang mapulot ang mikropono. “Let’s end our waiting here because I am officially starting the duel!” muling dumagundong nang malalakas na sigawan.
Ibinuka ko ang mga pakpak at nagsimulang lumipad. Nasa magkabilang dulo kami ng arena, naghihintayan kung kanino manggagaling ang unang atake. Mukhang nainip siya sa paghihintay kaya agad siyang nagteleport sa gitna ng arena.
“I’m getting bored already. Bakit ayaw mong gumalaw, prinsesa? Sinasabi ko na nga't puro ka ya – “
Hindi ko na siya pinatapos dahil pinaulanan ko na siya ng matutulis na bato habang lumilibot sa itaas niya. Hindi na ako nagulat nang matagumpay niya itong naiwasan lahat.
“Is that all you got?” Nakapamewang pa siya. Nabigla ako nang nasa harap ko na siyang nakaamba ng suntok. Yumuko ako para iwasan at marahas na hinila ang paa niya para ihambalos sa ibaba ngunit bigla siyang nawala. Mabilis kong inilibot ang mga mata sa paligid.
“Aray!” ‘di ko naiwasang mapadaing sa lakas nang pagkasipa niya sa likod ko. Bago pa man ako bumagsak sa lupa ay pumitik ako upang maglagay ng kumpol ng sampaguita para saluhin ako.
Nakita kong pabagsak din sa akin ang prinsesa na nakaamba ang kamao kaya dali-dali akong gumulong at pinalitan ng malagkit na putik ang kumpol ng nga bulaklak. Nahawa ako sa tawanan ng madla nang umahon ang prinsesa sa putikan.
Nababatid akong bigla itong aatake kaya nagpaangat ako ng malaking pader sa gitna namin. Naririnig ko ang sunod-sunod na naglalakasang suntok sa kabilang parte ng pader.
“Kailangan mo ba ng tulong, prinsesa? Mukhang nanghihina ka na.” Hintayin mo ang tulong ko, bampira.
Lumuhod at idinikit ang magkabilang kamao sa lupa upang magpatubo ng matatabang baging. Kinontrol ko ito para puluputan ang mga paa ng prinsesa. Gamit ang mga baging, itinaas ko siya saka malakas na inihampas sa pader upang wasakin ito.
“Aaah!” namilipit sa sakit ang prinsesa. “Tarantado ka talaga Aoife!”
“Walang ano man.” Nakangiti kong sabi.
Muli siyang tumayo at sumugod. Sa pagkakataong ito ay gusto kong lumaban na hindi ginagamit ang kapangyahiran ko. Lakas sa lakas, laman sa laman.
Mabilis kong nasasangga at naiiwasan lahat ng mga ibinibigay niyang suntok.
Mabilis at malakas.
‘Yan ang naobserbahan ko sa pakikipaglaban niya.
Bumaba ako para patirin siya ngunit agad siyang tumalon para maiwasan ito.
Mabilis din siya kung mag-isip.
Umikot ako papunta sa likod niya para sikuhin siya pero agad siyang nagteleport sa gilid ko. Sinubukan ko pang umiwas ngunit nahagip pa rin ako ng matutulis niyang mga kuko. Dahil manipis ang suot ko ay madali itong tumagos sa aking balat.
Magaling siyang maghanap ng oportunidad para puruhan ang kalaban.
Tinignan ko ang sugat at nakita kong kumalat na ang dugo sa tagiliran ko. Akala ko'y daplis lang pero mahaba pala ito at malalim.
“s**t!” napasigaw ako nang hindi ko nasangga ang sipa niya na tumama sa mismong sugat ko. Namimilipit akong bumagsak sa lupa.
“Sabi na, babagsak ka din eh!”
“Sa una ka lang pala magaling!”
“Loser!”
Naririnig ko ang sigawan ng mga nanonood. Nanlalabo na ang paningin ko, nanghihina ako.
Hindi, hindi ako pwedeng matalo.
“Ano na, Aoife? Nasaan na ang tapang mo?” Insulto ni Bellona sa akin habang naglalakad papalapit.
Sige, lumapit ka.
“Buti na lang pala at naisip ko ito. Kung hindi ay nagkaroon pa kami ng pabigat sa digmaan.” Iniluhod niya ang isang tuhod para mas lumapit pa sa akin.
Perfect.
“Kung ang lider nga, hindi kayang ma –“ binato ko ng buhagin ang mga mata niya kaya napaupo siya. Sinamantala ko ang pagkakataong puluputan ang nuong katawan niya ng makakapal na baging at lagyan ng naglalakihang venus flytrap sa magkabilang gilid.
“WTF?! Is this even legal?!” nahihimigan ko ang pagkataranta sa boses niya.
Isang maling galaw mo lang bampira, hindi si Bruce ang kakain sa'yo.
Kahit nanghihina, pinilit kong tumayo at lumapit sa kanya.
“Oo na, malakas ka na.” Nanghihina kong sabi. “Pero may bagay na mas matimbang kaysa sa lakas.”
“Common sense.” Tipid kong sabi. Napansin ko ang pagpupumiglas niya kaya pinaatake ko ang isang venus flytrap na muntikan nang nakagat ang kanyang tainga. Napangisi ako nang nakitang namuo ang takot sa kanyang mga mata.
“Huwag kang magalaw, prinsesa. Baka ka mawalan ng tainga.” Wala akong marinig na kahit na anong ingay mula sa mga nanonood kaya ipinagpatuloy ko ang gustong sabihin.
“Madali mo na sana akong napatay kanina kung hindi ka puro daldal at kung nag-iisip ka ng tama.” Lumapit ako sa kinaroroonan niya para hawakan ang isa sa mga halamang alaga.
“Noong nagtayo ako ng pader sa gitna natin, hindi mo na kailangan pang gibain ‘yon dahil kaya mo namang magteleport papunta sa kinaroroonan ko. Doon, mas madali mo na sana akong naiumpog, napata – “
“Didn't I tell you that I want you as – “
“Palusot!” naramdaman ko ang biglaang pagsakit ng sugat ko sa lakas ng pagsigaw. “Sa tindi ng sugat na natamo ko, alam kong gusto mo talaga akong patayin. Kung hindi ako nakaiwas doon ay tiyak na mas malala ang aabutin ko. Alam kong alam mo na mahina ang katawan naming mga diwata dahil hindi kasi gaya ninyo na kayang magpahilom ng sugat agad-agad.”
Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya sa mga sinabi ko. Mukhang may natamaan ako.
“Kanina pa lamang nagsasalita ka ng pusta mo ay alam ko na ang panlilinlang na ginagawa mo.” Mas lalo niyang nilakasan ang pagpupumiglas kaya pinalapit ko ang dalawang alaga sa magkabilang tainga niya.
“Damn it! Nandadaya ka! Don't you see she's cheating?”
“This is all legal, princess. Ayaw mo lang aminin na hindi naging epektibo ang plano mo.” Nginisian ko siya saka inagaw ang mikropono sa tagapagsalita.
“Sinabi mo kaninang ayaw mong ipakain ako kay Bruce dahil ang gusto mo ay gawin akong alipin hanggang sa mamatay ako. Sinabi mo ito para makampante akong hindi mo ako papatayin. Ginawa mo ito pa –“
“Aaaargh!” nagawa niyang pigtasin ang mga matatabang baging na nakapulupot sa kanya kaya agad kong pinaatake ang dalawang naglalakihang venus flytrap pero nagulat ako nang biglang may humati sa kanila.
“That's enough!” ang sigaw ng hari ay nagmistulang kulog sa buong arena. Nakita kong may hawak siyang espada.
“But the fight isn’t over yet, your highness. Wala pang nama –“
“I said enough, Bellona!” namumula ang mga mata ng hari sa galit. “I am very disappointed in you.”
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong arena. Para bang isang malaking kasalanan ang paggawa ng kahit anong tunog. Lalo lang akong nahihilo at nanghihina. Muli kong sinilip ang sugat at nakita kong masiyado nang maraming dugo ang nawala sa akin.
Wala bang manggagamot dito?
“Why are yoy always like that? Since when we were little, you always make me feel like I'm dumb and useless.”
“The past has no connection with what happened today, Bellona. Nothing will happen if you'll lock yourself up in your past,” kalmadong sabi ng hari.
Gusto ko pa sanang masaksihan ang pag aaway ng magkapatid pero halos hindi ko na sila makita sa labo ng paningin ko. Nararamdaman kong hindi na ako kaya pang buhatin ng mga binti ko.
Naramdaman kong naiangat ako mula sa lupa.
Ngayon pang dadating ang mga walang kwentang manggagamot kung kailan bumagsak na ako?
Sinisikap kong manatiling gising ang diwa ko kahit pa nakapikit pero ilang sandali pa lamang ay nagpatianod na rin sa kawalan ng malay.