Aoife "Wait for me here," utos niya. Sa isang iglap ay naroon na siya sa entablado, sa tabi ni Luscianna. Hindi ko mawari kung anong klaseng pakiramdam ang nararamdaman ko. Para ang natataeng naiihi. Ewan! Sa harap ay inanunsiyo niyang magsisimula na ang oryentasyon maya-maya at inutusang magusap-usap na muna ang mga mandirigma para magkakila-kilala na. Ilang sandali pa ay magkaharap na sila. Sa anggulo ko ay medyo nakatalikod si Ethan,dahilan para hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Subalit sa lapad ng ngiti ni Luscianna ay nagkakaroon ako ng kaunting ideya sa uri ng pag-uusap mayroon sila. Napairap na lang ako sa kalandian ng babaeng 'to. "Thank you, Ethan!" Napanganga ako nang makitang nakabalot na siya sa bisig ni Ethan. Umirap lang ang ginawa ko pero mukhang ang dami kon

