Aoife "Debi!" sigaw nila sa kanyang pangalan samantalang ako ay iniwanan ng boses ko dahil sa gulat. Bakit? Bakit niya gagawing bigyan pa ako ng sumpa kung kanina ay pinatawad ko na siya at mukhang maayos naman kami? Hindi. Ayaw kong isipin na may masama pa rin siyang balak sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita kong sinseridad sa mga mata niya kanina. Nararamdaman kong mayroon siyang dahilan para gawin 'yon. "Ang sumpang ito..." sambit ni ina kaya napatingala ako sa kanya. Itinapat niya ang palad sa puso ni Debi na tila ineenspeksiyon ang lagay nito. Makailang beses siyang huminga nang malalim upang siyasatin nang husto ang lagay ng aking kaibigan. Nang ibaba ko naman ang tingin sa kanya ay lalong nahabag ang pudo ko. Hinang-hina si Debi habang nakahiga siya sa kandunga

