Chapter 5: Vampire Castle experience

2244 Words
Aoife “Ethan, please accompany our new friend to her room.” Nako po, ayan nanaman ang nakakalokong ngiti ng pilyong prinsipe. Oo, alam kong plinano kong dito na magpalipas ng gabi pero paano ako mapapalagay kung pakiramdam ko'y nasa peligro ako kapag nasa paligid ‘yang prinsipeng ‘yan? Uminit ang ulo ko nang mas inisip pa ng hari ang pagpapahinga ng mga kawal niya kaysa sa kapakanan ng bisita. “The king is right darling, I'm also worried about your safety. You’re safer with me.” Singit ng prinsipeng manyak habang papalapit sa akin. Natuwa pa ako nang sumingit ang prinsesang maldita kaso nawala rin nang hindi ito pinahintulutan ng hari. Gustong-gusto ko nang manapak nang hawakan ako sa bewang ng prinsipe. Humanda ka paglabas natin. Nung una ay sinubukan pa niya akong bilugin pero napuno ako sa sumunod na ginawa niya. Tumba ka ngayon, manyak! “Papaanong naging pambabastos yun? Don't you notice that I was the only who treats you gently in this place?” Natahimik ako, napagtanto ko kasing tama siya. Kahit pa punong-puno siya ng kalokohan ay hindi niya ako ininsulto o sinaktan man. Mapalad nalang ako dahil hindi niya ako binawian. Malakas ako pero natitiyak kong mas malakas siya sa'kin. Idagdag mo pa na nandito ako sa teritoryo nila. Baka nga sumobra ako ngayon... “This is your room. Now, get in and sleep.” Hindi ko alam kung pakulo lang ba niya ulit ito o totoong nasaktan siya kaya mahinang pagpapasalamat lang ang ginawa ko. Bahagya akong nagulat nung nilingon niya akong nakangisi. Mukhang naisahan niya ako ngayon ah! “Good night, darling.” Syempre kumindat na naman ang loko. Pagpasok ko sa kwartong inihanda sa'kin ay agad akong sinalubong ng kombinasyon ng itim, kayumanggi at puti. Hindi naman nakapagtataka dahil gaya ng mga nakatira, napakapormal din tignan ng kanilang tinutuluyan. Dahan-dahan akong umupo sa pagkalaki-laking kama. Maraming mga bagay na dapat pagtuonan ng pansin bukod sa disenyo ng kwarto. Pumayag ang hari, ano kayang magiging kapalit? Ang mga nilalang na kagaya niya ay hindi basta-basta pumapayag sa kahit na ano kung walang makukuhang kapalit. Paano kung patibong lang talaga ang pagpayag niya? Hindi ako sigurado kung masisilayan ko pa ang mundo bukas. Sa tabas ng pananalita ko kanina ay natitiyak kong galit sila sa’kin. Kahit marami pang tanong sa isip ko'y tila inaakit ako ng kamang malambot. Pinagbigyan ko ang sariling humiga. Napagtanto kong mula nang nawala si inay ay wala pa akong maayos na pahinga. Bahala na bukas... Matataas na puno, ilog na sobrang linaw, berdeng damo. Nasaan ako? “Aoife, aking Aoife!” Kilala ko ang boses na iyon. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng tinig. “Ina, nasaan ka?” Sigaw ko nang mainip na sa kakahanap ngunit wala akong natanggap na sagot. Natataranta na ako sa kakahanap. Napakalma ako ng may init na naramdaman mula sa mga bisig na yumapos sa akin mula sa likuran. Halos mapunit ang akong labi sa laki ng ngiti. “Sawakas ay natagpuan rin kita. Sana ay ‘wag mo na akong bitiwan pa.” “You want me to hug you tighter?” Teka, pamilyar ang boses na ‘yon ah! Napalitan ng kaba ang kaninang abot langit na tuwa. Unti-unti akong lumingon... “Good morning, darling!” “Waaaaaah!” Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nasuntok ko nanaman siya. Manyak na ‘to! Nakahiga ba naman sa tabi kong pagkahigpit-higpit pa ng yakap sa akin. “s**t! I was trying to be sweet but all I received was a punch in the face.” Susumbatan ko pa sana siya nang naalala ko ang napanaginipan. Sigurado akong boses ni ina yun... “Tutunganga ka na lang ba diyan? Aren’t you gonna say sorry?” Nakapamewang pa ang prinsipeng nakatayo na sa gilid ng kama. Wala akong ganang makipagbangayan ngayon, para bang naubos lahat ng enerhiya ko kahit pa kagigising ko lang kaya nanatili akong nakaupo sa kama. “Nasaan ang banyo ninyo?” Kailangan ko nang mag-ayos para sa muling pagharap sa hari. Napanganga ang prinsipe na para bang hindi inasahan ang sinabi ko. “You just punched me in the face, then you’re asking me where the bathroom is?” “Ganun na nga, sasagutin mo ba ako?” Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng walang reaksyon kong mukha ay nakangisi siya. “Yes darling, tayo na.” Ngayon alam ko na kung bakit siya nakangisi. Sinuklian ko ng pag-irap ang pang aasar niya. Nagtaka ako nang bigla siyang pumalakpak at wala pang isang segundo ay mayroon nang tagasilbi na may dalang mga damit. “The bathroom is just a few steps away from your bed,darling.” Itinuro niya ang pinto ng banyo. Ngayon ko lang napansin ito dahil medyo madilim nang pumasok ako dito kagabi. “Kung hindi ka komportable sa banyong yan, you can always use mine.” Dagdag niya na may kasamang kindat. Kailan kaya mapapagod ang mata nitong kakakindat? “Kaya ko na sarili ko, makakalabas ka na.” Walang emosyon kong sabi. “I can help yo-“ “Labas!” Hindi pa man siya natatapos sa sasabihin ay sinigawan ko na siya. Pinanlisikan ko siya ng mata para malaman niyang naiinis na ako. Ngumisi pa ang loko saka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Fine Lady Sungit, just call me when you need me.” Umalis na nga siya sa kwarto. Sa wakas, katahimikan! Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay tinignan ko ang sariling repleksyon sa salamin. Pinili ko ang fitted racerback jumpsuit na sa tingin ko'y ito na ang pinakamatino sa lahat. Karamihan kasi, kaunting galaw lang lalabas na kaluluwa ko. *krug krug krug* Wala pa pala akong kinain magmula kahapon, galit na tuloy ang tiyan ko. Lumabas ako ng kwarto para sana pumunta sa bayan at tumingin ng pwedeng kainan. Hindi pa ako nakakalayo sa pinto ay may biglang humablot sa akin at marahas akong inihampas sa pader. “Masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili, diwata.” Nanggagalaiti niyang sabi habang lalong hinihigpitan ang pagkahawak sa aking mga braso. “Bakit prinsesa? Nanliliit ka ba sa kataasan ko?” Ginantihan ko siyang ng nakakalokong ngiti kahit pa masakit ang likod ko sa lakas ng pagkakahampas. “Bellona! What in the world are you doing?!” Si Ethan na tumatakbo papalapit. Binitawan naman ako ng prinsesa at hinarap ang kanyang kapatid. “What do you mean brother? I'm just playing with our new ‘friend'. Binigyan niya ng nakakalokong ngiti si Ethan. “We’re playing pin the fairy on the wall.” Saka siya pahisteryang tumawa. Pin the fairy, huh? Masyado niyang dinamdam ang pagtawa kaya hindi niya napansing nakalapit na ako sa kanya. Sinakal ko ang leeg niya saka siya inihampas sa pader. “What about we play pin the tail on the donkey?” Pinanatili kong walang emosyon ang aking mukha kahit pa nangagalaiti na ako sa babaeng ‘to. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.. Tama, magulat ka... Matakot ka... “s**t, that’s enough!” Si Ethan na pumagitna sa aming dalawa saka ako binuhat na parang bagong kasal. Tinanaw ko sa likod si Bellona na nananatiling nakanganga, tila hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa ko iyon. ‘Wag mo akong mataray-tarayan, bampira. “Wrap you arms around me, darling.” Teka, buhat niya ako ng parant bagong kasal! Agad akong nagpumiglas para makababa pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin. “Bitiwan mo ako, bampira!” Lalo ko pang nilakasan ang pagpupumiglas at sa wakas ay nabitawan niya ako. “You make me feel so hot when you speak in english.” Mahalay ang kanyang ngiti, manyak talaga. Inambahan ko siya ng suntok at gaya ng inaasahan ko'y iiwasan niya ito kaya gamit ang isa pang kamao ay pinuntirya ko ang tiyan niya. Hindi mo parin ako maiisahan, prinsipe manyak. “Dammit!” Sigaw niya habang namimilipit sa sakit. “Nagtataka ako kung bakit ikaw ang itinalagang tagapagsanay ng hukbo ng mandirigma. Mga suntok ko palang ay namimilipit ka na, paano pa kaya ang mga nilalang na mas malakas pa kaysa sa akin?” Pang-aasar ko sa kanya. Tumayo siya at ngumiti na parang walang nangyari. “Alam mo prinsesa, nagpapaubaya lang ako... Baka kasi umiyak ka.” Nang-aasar niyang sabi. Nagpapaubaya? Ang sabihin mo, lampa ka. Sasabihin ko na sana nang tinawag na kami ng mga kawal upang ipagpaalam na hinahanap na kami ng hari. Papalapit pa lang kami sa kusina ay tila inililipad na ako ng samu't saring amoy galing sa mga pagkain. Amoy palang, katakam-takam na *krug krug krug* Nako, gutom na talaga ako. Hinayaan ko ang sariling amuyin ang bago ng mga pagkain. “What are you doing?” Napatigil ako sa paglanghap nang nagsalita ang prinsipe. Nakikita ko sa gilid ng aking nga mata na nagpipigil siya ng tawa. “Gutom na ako, hindi ako kumain kagabi.” Napakamot siya ng ulo nang mapagtanto ang pagiging iresponsable. “Sorry darling, marami lang kasing nangyari kagabi kaya nawala sa isip ko.” Tanging pag-irap na lang ang isinukli ko sa kanya. Nang makarating kami sa hapag ay nandoon na ang hari, agad kaming nagbigay galang. Nag usog ng upuan su Ethan para sa akin pero sa kabilang upuan ako umupo. I can do it on my own. “Aren’t you familiar with table etiquette, princess? It looks like your mother didn’t educate you well on that.”Nanunuyang sabi ng hari. “Ang ibig niyo po bang sabihin ay gender stereotype? Where the man should serve the woman just like a kid who knows nothing but to eat?” Nagbigay ako ng ngiti para hindi nila sabihing nambabastos ako. “What are you talking about? He just pulled a chair for you to sit-“ “I personally perceive that pulling a chair for someone who is able to do it is an insult. It's just like you're questioning their strength and ability to do something. My mother introduced me to a place where gender equality is emphasized. Whatever your gender may be, as long as you can, go for it.” Halos hingalin ako sa haba ng sinabi ko. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Walang ibang ganap kung hindi ang pagtititigan. “That's an odd perception, rare. I like it.” Batid kong kabaligtaran ang nais sabihin ng hari dahil walang interes ang tono nito habang nagsasalita. “Why don't we start to eat because I know we're all starving, right Aoife?” Pagbabasag ni Ethan sa katahimikan kaya naputol na rin ang aming pagtititigan. Tahimik kaming kumain. Seryoso din ako sa pagkain dahil gutom na gutom na talaga ako at masasarap ang inihanda nilang pagkain. “Sabi ng prinsesa, nagutom daw siya dahil hindi natin siya pinakain kagabi.” Muntik na akong nabulunan sa sinabi ng prinsipe. Leche ka talaga! Napatingin ako sa direksiyon ng hari na natigilan rin. “Is that true, princess?” Nagugulat ka sa kapabayaan mo? Gusto ko sanang sabihin kaso baka hindi na ako makauwi kaya tumango nalang ako. “I’m sorry, I forgot to tell the maids to serve you. I was too busy last night.” Sa huling sinabi ay tumingin siya sa katabi ko. Pakiramdam ko'y may namumuong tensiyon sa pagtititugan ng dalawa. Hambog talaga ‘to, pati ba naman hari niya ay pinanlilisikan niya ng mata. “Ayos lang po, mahal na hari. Hindi naman po talaga ako gutom kagabi.” Sabi ko at mas pinagtuonan ng pansin ang pagkain. Bahala kayong magtitigan diyan, basta magpapakabusog ako. “Eat a lot, princess. That might be your last meal.” Nakangising sabi ni Bellona sa'kin. “Sorry I'm late, your highness.” Baling niya sa hari sabay yuko. Kailan kaya mawawalan ng istorbo sa palasiyong ito? “I wasn’t pleased with how you greeted Aoife but I would be if you'll apologize to her.” Kalmadong sabi ng hari. “But that wasn't a greeting, your highness. I'm actually concerned.” Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. “If this is her last meal, she should make the most of the moment.” “What in the world are you talking about Bellona?” Nahihimigan na ang galit sa tono ng hari. “I’m challenging her to a duel.” Napatayo ang hari sa kinauupuan. “Why wo-“ “I’m sorry to cut you there, your highness but as your right hand I think I have the right to test the credibility of this woman to see if she's worth it.” “That's actually a great idea.” Sabat ni Ethan. “Well, as the leader of the vampire warriors, I need to see how she fights and the things she could do.” Panandaliang katahimikan ang namayagpag sa hapag ngunit agad ring binasag ng hari. “What can you say about this, princess?” Kalmado ngunit nanghahamong tanong ng hari sa akin. Hinarap ko si Bellona ng may malawak na ngiti sa mukha. “Sit down and eat. I'll list beef kebab as your last meal.” Nawala ang yabang sa mukha ng prinsesa at agad na namula ang mga mata. “Kalma, kumain ka muna. Magagamit mo yan mamaya.” Yumuko na ako para ituloy ang pagkain kahit pa nawalan na ako ng gana. “Mayabang ka, tignan natin kung hanggang saan aabot yan.” Sabi niya at padabog na iniwan ang hapag. Maghanda ka, bampira...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD