Aoife "Aoife! Hija!" maligayang tumakbo si Ministro Brunto papunta sa amin kahit pa paugod-ugod na siya. Nakangiti ako habang iniuunat ang magkabilang braso upang bigyan siya ng isang mainit na yakap. Buti na lang pala at nakatayo na kami ni Nadetta. Kung hindi ay baka hindi na makatayong muli ang matanda dahil sa mahina na ang kanyang tuhod. Nang yakapin ko siya ay naramdaman ko ang mga buto niya. Naalala kong ang laki nga pala ng ipinayat niya noong huli kaming nagkita. Mukhang kailangan niyang bumawi sa kain at tulog ngayong bumabalik na sa normal ang lahat. "Labis akong nangulila sa iyo, Aoife," emosiyonal niyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako sa sinapit niya dahil sa kapabayaan ko. Nangayayat siya nang husto dahil iniasa ko sa kanila ni Nadetta ang pamamahala sa buong

