Aoife Pagkalabas ko sa kanyang silid ay may dala-dala akong bigat ng kalooban dahil sa sinabi niya. Pilit ko pa ring binubura sa isip ang malulungkoy niyang mga mata habang mabilis na naglalakad papunta sa punong pinagtataguan. Mag-isa ako ngayon dahil kailangan naming maghiwalay ni Nadetta para mabantayan silang magkapatid. Nang makaakyat na sa puno ay hindi ko maiwasang mapatulala habang kinukilit ako ng imahe ng malukungkot na mga mata ni Ethan Siguro ay malupit ang mga magulang niya. Lalo tuloy akong nalungkot sa naisip. Ano ba 'yan! Pati problema ng iba ay prinoproblema ko pa "s**t! Bellona, what's your problem?" Napabalik ako sa huwisyo nang mabulabog ang pagkatulala ko ng malakas na boses ni Ethan. Buti at napigilan ko ang pagtawa nang makita ang hitsura niya habang pi

