Aoife “Aoife, darling please wake up.” Ginising ako ng isang malambing at pamilyar na boses. Gusto kong siguraduhin kung sino ‘yon kaya nagkunwari akong tulog. “Come on, open your eyes now I know you're awake,” natatawa niyang sabi. Kumpirmado, siya nga. Bakit ba siya nandito? Napagalaw ako ng bahagya dahil sa kiliting dala ng banayad na paghaplos ng daliri niya sa mukha ko. Narinig ko ulit siyang tumawa pero hindi na gaya ng kaninang may halong lambing. “Ayaw mong gumising ah,” para bang nanghahamon ang tono niya. Agad akong napadilat nang naramdaman kong iniangat niya ako mula sa hinihigaan. “Anong ginagawa mo?!” singhal ko sa kanya. “Now you're awake,” sarkastiko niyang sabi. “Your friend here wants to greet you a good morning.” Lumingon ako sa sinasabi niyang kaibigan at

