Habang ako'y nagluluto ay humiga mo na ako sa sofa para makapag pahinga. Mga ilang minuto lang ay natapos na ang oras at naluto na ang aking pagkain. Kumain na nga ako at nais ko na ring magpahinga ng maaga at kailangan ko pang puntahan si Mario sa kaniyang bahay o trabaho para kumbinsehin itong pumayag na mag sign ng contract sa amin.
" hytss, sarap naman ng pagkain na to sana makapag luto naman ako sa susunod nananawa na ako sa puro bili laang ng mga pagkain sa palengke. "
Natapos na akong kumain naghugas na nga muna ako at naghugas ng katawan sabay dumeretso na ako sa aking kwarto para magpahinga.
cringggggg cringggggg cringggggg
" hmm, ano ba yan napakaingay naman nito. "
Habang ako ay nakapikit kinakapa ko ang alarm clock sa aking higaan, at hanggang sa nakapa ko ito at pinatay. Bumangon na nga ako para tignan ang orasan ko at nakita ko ang oras ay 9:30 am na.
" ahhhhhhhhh, late na ako kainis "
Nagmadali na nga ako para mag asikaso at dahil late na ako ay naghugas na lang ako ng katawan bago nagpalit.
Naglalakad na nga ako papuntang kanto para maghintay ng paparating na bus papuntang office namin.
Maya-maya nga lang ay dumating na ang bus at sumakay na ako kasabay ng iba pang worker and mga students na papasok din sa paaralan. Mga ilang minuto din ang lumipas ay nakarating na ako sa aking pupuntahan. Bumababa na nga ako sa bus at pumasok na ako at sumakay sa elevator.
Pagkadating ko papasok pa lamang ako ng bigla akong sinalubong ng kaworkmate ko at kinausap niya ako.
" woii, athena lagot ka kay boss, bakit late ka? ano napapayag mo na ba si Mario? "
" ah-hh h-hindi pa nga eh "
" naku ka, sige na halika na pumasok ka na dumeretso ka kaagad sa office ni sir kakausapin ka raw. "
" sige "
Pumasok na nga ako sa loob, nilagay ko na muna sa table ko ang aking bag at dumeretso na ako sa office ng aming boss.
" good morning boss, i'm sorry late po ako. "
" late ka nanaman miss athena, nasan na yung pinapagawa ko sayo huh ? pumayag na ba si mr Mario? "
" ah-hh eh-h hindi pa nga po boss "
" ilang araw na athena hindi mo parin siya napapayag huh!
" i'm sorry boss ang hirap niya po kaseng kumbinsehin "
" dapat magawan mo ng paraan yan miss athena kung hindi mo magagawa yan ililipat ko na lang sa iba yang trabahong yan at pagkatapos maaari ka ng umalis dito sa company ko naiintindihan mo ba!? "
" b-boss wag po kailangan ko ng trabaho pangako gagawin ko lahat mapapayag lang wag niyo lang po ako paalisin dito. "
Nang marinig ko ang sinabi ni boss bigla akong nanghina dahil doon na lamang ako umaasa upang kumita ng pera. At dahil sa takot kung mapaalis sa company ay kinuha ko ang aking bag at umalis upang kausapin muli si mr Mario.
" hello mr Mario, nasaan po kayo ngayon? Maaari ba kitang makausap? "
" pasensya na miss athena pero kahit anong gawin mo hindi ako magsisign ng contract, diba sinabi ko sayo na ayaw ko ng sumulat tigilan mo na ako! "
Hindi pa ulit ako nakakasagot sa kanyang sinabi ay bigla na lamang niya ako binababaan ng cellphone.
" hyts, nakakainis talaga ano ba dapat kung gawin para mapapayag ka kailangan ko ng trabaho ayaw kung mapaalis sa company "
Habang ako'y nakaupo sa isang bangko na nakasandal sa puno, na nababakas sa aking mukha ang lungkot. Sana talaga matapos na ang aking problema na ito.
Nakayuko akong nakataklob sa mukha ko ang aking mga kamay ng biglang may narinig akong nagsalita sa aking tabi.
" gusto mo bang matapos na ang iyong problema? "
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nagulat ako sa kanyang itsura at pananamit. Siya at naka black lahat ang suot at poging lalaki na matipuno.
" s-sino ka? "
" hindi mo na kailangang malaman pa sagutin mo lang ang aking katanungan ".
" at bakit ko naman sasagutin huh, hindi nga kita kilala e tsk. "
Tumayo na nga ako sa aking kinauupuan at naglakad na ako papalayo sa kanya.
" ayaw mo bang matapos ang problema mo? hindi ba't matatanggal ka ng mapaalis sa kumpanya na tintrabahuhan mo kapag hindi mo nakumbensi ang lalaking iyong kausap kanina sa cellphone? ".
" p-paano mo nalaman? sino ka ba talaga huh? "
" tinatanong pa ba yan, ano papayag ka ba o hindi? kapag nawalan ka ng trabaho ano ng maibibigay mo sa iyong inang naghihirap sa sakit ngayon? papaano na lang kung hindi mo na talaga mapilit ang lalaking yun, sa tingin mo ba makakapagbigay ka ba pampagamot ng iyong ina? hindi diba kaya kung ako sayo pumayag ka na sa aking alok. "
" bakit naman ako papayag huh, hindi nga kita kilala atsaka anong maibibigay mong kapalit kung papayag ako sa iyong gusto? "
" simple lang, pumayag ka lang na sirain natin ang mundo nais kung pagharian ang mundong ito na puno ng kadiliman. "
Nang marinig ko ang kaniyang sinabi ay bigla akong napatawa.
" ano pagharian? pinagsasabi mo huh nababaliw ka na ba huh hahahahhahahahahahhahahahahahahhaha "
Patuloy parin ako sa pag tawa ng biglang nagkaroon ng isang ingay nagtatakbuhan ang mga tao dahil sa nagkaroon ng mga bulalakaw na nagbabagsakan sa mga lupa.
" a-ano yan, b-bat may bumabagsak na bulalakaw ".
Makikita sa aking mukha ang bakas ng pagkagulat at takot sa aking harapan.
" tama naaaaaaa, so mayroon k-kang kapangyarihan!"
Naiiyak ko ng sambit sa kanya dahil nakikita kung maraming namamatay na kitang kita ng dalawang mata ko.
" ano bang kailangan mo saken huh? bakit ko ginagawa to? itigil mo na please parang awa mo na!
Humahagulgol na ako sa mga nakikitang kung maraming namamatay sa harapan ko, lumapit ako sa kanya upang magmakaawa na itigil niya na. Maya-maya nga lang ay habang ako'y nakaluhod at nakayuko sa kaniyang harapan na nagmamakaawa biglang tumahimik ang kapaligiran. Unti-unti akong tumingin sa aking paligid at nakita kung tahimik ito at bumalik sa normal ang lahat wala na ang taong nagtatakbuhan at naglalaglagang bulalakaw galing sa taas.
" ah-hh bakit biglang naging normal bakit nawala yung mga naglalaglagang bulalakaw bakit parang naging ayos ang lahat ?"
Biglang naging tanong ko sa kanya habang ako'y nakatingin sa paligid.
Umupo naman siya at hinawakan niya ang aking kamay.
" sabi ko naman sayo kung papayag ka sa aking alok ay hindi ka na maghihirap. "