FIRST KISS

1691 Words
Malungkot akong tumingin sa kisame nang maalala ko ang mga nangyari sa akin. Pero labis akong nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa akin at nagmagandang loob. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil nakakaramdam na ako ng antok. Ngunit biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko agad ang nagwawalang phone ko at nakita kong si boss Zach ito. "Boss!" bulalas ko agad dito." "Kamusta, Agent Lovely? Siguro naman ay tapos ka na sa bakasyong ibinigay ko sa 'yo? Baka naman gusto mo nang humawak ng kaso?" tanong sa akin ni boss Zach. "Sa totoo lang boss ay kulang pa ang binigay mong bakasyon sa akin. Mahigit dalawang linggo lang 'yun, 'di ba? Pero mabait naman akong Agent. Sige babalik na ako. Para humawak ng kasong ibibigay mo sa akin." Sabay tawa ko ng malakas. "Good! Iyan ang gusto ko sa 'yo, eh. Agent Lovely Moles. Sige hihintayin kita bukas," pagayag ni boss Zach "Okay, boss." Nawala na ito sa kabilang linya. Humiga akong muli sa kama. Malaki ang utang na loob ko kay boss Zach. Kung hindi dahil sa kanya ay wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Sa edad kong 23 years old ay marami ko ng kasong nahawakan at masasabi kung mayaman na ako. Pero nalulungkot pa rin ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap ang mga magulang ko. Pero sabi nga huwag mawalan ng pag-asa. Sana nga ay makikita ko rin sila inay at itay. Hindi naman ako magagalit sa kanila kung dinala nila ako sa ampunan. Alam kong meron silang dahilan. Sanan dumating ang araw na mayakap ko rin sila. Gagawa ako ng paraan para mahanap ko kayo alam kong buhay pa kayo dahil gusto ko man lang, makita ang mukha ninyo. Alas-otso ng umaga. Lumabas ako ng bahay upang pumunta sa bahay ni boss Zach. Mag taxi na lamang ako dahil tinatamad akong mag driver ng kotse. May tumigil naman taxi sa aking harapan. Agad akong pumasok ako sa loob ng sasakyan. Nakita kong may mga pasahero na rin ang nasa loob tumingin ako sa lalaking magiging katabi ko. Mayroon itong suot na salamin sa mata at tingin ko'y guwapo ito pero mukhang suplado. "Miss, ang baho ng pabango mo," sabi agad ng lalaki na pagkaupong-pagkaupo ko pa lamang. Lumaki ang butas ng ilong ko sa sinabi nito, hindi ako maka-paniwala na meron nagsabi sa akin na mabaho raw ang aking pabango ko. Lintik na lalaking ito. Paano naging mabaho ang pabango ko? Eh, imported kaya ang pabango ko," bulong ko. "Mr, huwag ka nang mag reklamo makikiamoy ka na nga lang ay nagrereklamo ka pa," wika kong mapang-asar. "Paano akong hindi mag rereklamo? Eh, mabaho pa sa imbornal ang amoy ng iyong mabango. Saka mas mabango pa nga yata ang utot ko," tahasan wika nito. "Hoy Lalaking walang ilong---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil biglang tumigil ang taxi at tingin ko'y bababa na ito. "Dito na lang ako, sa susunod Manong huwag kang magpapasakay ng mabaho, minsan na nga lang akong sumakay ng taxi ay sama pa ang aking naranasang amoy," wika nito at lumabas ng taxi. Galit na galit akong tumingin sa lalaking iyon, ang sarap lagyan ng granada sa bibig. "Miss, hayaan mo na lang, siguro'y inaasar ka lamang ng lalaking iyon," wika ng driver ng taxi. Kahit masama ang loob at parang gusto kong magwala ay pinigilan ko na lang. Tumigil muli ang taxi at nakita kong nandito na kami sa bahay ni boss Zach. Bumaba ako na ako ng taxi. Agad naman akong pinapasok ng security guard. Nabungaran ko pa nga si Ma'am Ella na hawak ang kanyang anak. Ngumiti ito sa akin. "Kamusta, Lovely?" tanong nito. "Ayos lang naman po Ma'am Ella," tugon ko rito. Tumingin din ako sa anak nito. Ang guwapo ng anak ni boss Zach at kamukhang-kamuka nito. "Puntahan mo na lamang si Zach sa kanyang opisina. Ang alam ko'y kanina ka pa hinihintay noon," wika ni Ma'am Ella sa akin. "Sige po, Ma'am Ella," sagot ko. Kumatok ako sa pinto. Hindi nagtagal ay narinig ko ang tinig ni boss na pinapapasok ako sa loob ng silid. "Boss!" Umupo ako sa bakanting silya may ibinigay agad ito sa aking folder. Tiningnan ko ang laman ng folder at kumunot ang noo ko ng makita ko ang mga picture mga babaeng walang saplot sa katawan.. "Iyan ang bagong kasong hahawakan mo, Lovely. Alam mo bang lahat ng mga babaeng natagpuan patay, pina-painom muna nila ng drugs bago galawan at dito sa squatters na ito nangyayari ang krimen," pahayag ni boss Tumingin ako sa picture ng isang lalaki. Mukhang hindi ito gagawa ng mabuti. "Siya ang mayari ng club sa loob ng squatters. Pero alam kong hindi lang siya ang nag o-operate riyan at mayroon pang mas malaking tao. Siya si Mark Cruz at ayon sa nalaman ko ay nagbibenta din siya ng mga pinagbabawal na gamot. Ngayon iyan pa lang ang aking nakuhang impormasyon. Iyong mga gagamitin mo ay nandiyan na sa loob ng bag. At ikaw na ang bahala Agent. Isang milyon ang ibabayad sa 'yo oras na malaman kung sinu-sino ang sangkot diyan. Mag-iingat ka Agent L. Dahil hindi pa natin alam kung sino ang tunay na kalaban sa kasong hahawakan mo," wika ulit ni boss. "Salamat boss," tugon ko. Agad kong kinuha ang bag at umalis na sa loob ng opisina ni boss Zach. Sumakay muli ako ng taxi at nagpahatid sa bahay ko. Doon ko na lamang pag-aaralan ang kasong hawak ko. Pupuntahan ko rin ang lugar na iyon. Ang uunahin ko munang gawin ay maghanap ng matitirhan sa squatters area. Mabilis akong nakarating sa bahay ko at umakyat agad ako sa loob ng silid. Dahil aalis pa akong muli. Nagsuot ako ng mahabang palda at malaking long sleeve, kinuha ko rin ang kulot kong wig at inilagay sa aking ulo. Naglagay din ako ng malaking salamin sa mata at lumabas ako ng bahay upang pumunta sa squatter, kung saan nandoon ang kasong hahawakan ko. Gusto kong matawa sa mga taong nakatingin sa aking pananamit hindi na ako magtataka dahil pag-ganito ang suot ko't tingin sa akin ng ilan ay may sakit na nakakahawa. Halos ayaw lumapit o dumikit ang mga ito sa katawan ko, pabor iyon sa akin dahil ayaw ko na masikip ang upuan ko kapag sumasakay ako ng jeep. Katulad ngayon halos ayaw tumabi sa aking ng mga ito. Sobra naman kasing kulot ng wig kong suot. At ang aking suot na damit ay sobrang laki rin. Kaya gusto kong matawa sa mga ito. Tumigil ang jeep. Nakita kong may papasakay ng pasahero at dalawang lalaki ito. Kumunot ang aking noo kung papaano mag sinyasan ang mga ito gamit ang mata. Mukha hindi gagawa ng mabuti. Tumingin ako sa mga pasaherong kasana ko rito sa loob ng jepp. Puro mga cellphone ang hawak ng mga ito. Nakatawag pansin din ang suot ng mga ito na halahas sa katawan. Napailing na lamang ako. Alam naman nila na talamak ang mga holdapan ngayon ay nagsusuot pa nang kaakit-akit sa mata nila. Pumasok na nga ang dalawang lalaki sa loob ng jeep. Ang unang lalaki ay doon sa kabilang upuan na upo at yung isang lalaki naman ay katabi ko. Per meron din itong katabi. Tingin ko'y ang punterya ng mga ito ay yung mga katabi nila. Dahil puro alahas ang nasa katawan. Umikot ang mata ng mga ito. Nakita ko rin na ngumisi ang isang lalaki. At sa hiwatig ng pag-ngisi nito ay holdap na ang mangyayari, dahil sa daming meron cellphone sa loob ng jeep. Wala man lang kaalam-alam ang mga tao rito na may mangyayaring holdapan. Masyado kasi silang busy. Sinundan ko lamang ang mga galaw ng mga ito, umiling na lang ako ng magsabi na nga ng holdap ang mga ito. Tumingin ako sa mga pasahero at nakikita ko ang takot sa kanilang mga mukha. "Ibigay n'yong lahat ang mga cellphone n'yo sa amin. Ganoon din ang mga pera at alahas n'yo!" sigaw ng holdaper. "Hoy! Ikaw kulot, ibigay mo sa akin ang hikaw mong suot puwede na siguro iyan," wika ng lalaki na aking katabi. Tumingin ako dito at umiling. "Ayaw ko!" bulalas ko. Hindi lang basta-basta hikaw ang aking suot. Maraming pwedeng pag gamitin nito. Dahil isa ito sa mga binibigay sa amin ni boss Zach. Lahat ng Agent nito ay mayroon nito. "Baka gusto mong dito pa lamang ay patayin na kita, wala ka naman silbi dahil ang pangit mo," panlalait pa ng holdaper. Tumingin ako dito. Nakatutok na sa akin ang hawak nito baril, nakita ko sa mukha nitong kinakabahan at medyo na ngingilig din ang kamay nito. "Hmmm, baguhan pa lang sa larangan ng pangholdap," bulong ko. "Kayo ang walang silbi sa mundo, kung baga salot kayo sa lipunan. Ang dapat nga sa katulad n'yo ay binibitay dahil nabg aabuso kayo ng kapwa ninyo tao," wika ko. "Huwag mo akong ginagalit kulot at baka barilin na kita riyan," banta nito. "Barilin mo," sagot ko. Nagulat ito sa aking sinabi. Ganoon din ang mga pasahero dito sa jeep. "Ano barilin muna agad!" sigaw ko rito.Tingin ko'y nataranta ito sa aking sinabi. Mabilis kong itinaas ang aking paa upang sipain ang kamay nitong may hawak na baril at malakas ko rin siniko ang aking katabi holdaper. Sinalo ko ang baril na hawak ng holdaper kanina at sabay hampas sa mukha nito. Malapit lamang ang mga ito sa akin kaya naaabot ko sila. Mabilis kong itinutok ang baril sa katabi kong holdaper. Tumingin din ako sa isa pangholdaper na dumudugo ang ilong, dahil sa paghampas ko ng baril dito. "Ang malas ninyo dahil ako ang nakaharap n'yo. Manong sa police station tayo sigaw ko sa driver ng jeep. "At kayo!" sabay turo ko sa mga pasahero. "Itago n'yo ang mga cellphone n'yo at baka tuluyan na kayong maholdap." Nakarating kami sa police station. Hindi na nga ako pumasok sa loob, bahala na sila doon. Bumaba na rin ako ng jeep. Na para bang walang nangyaring gulo. Kailangan kong makarating agad sa aking pupuntahan at sana'y makahanap agad ako ng bahay na mauupahan doon. ❤❤❤ First kiss /The Angent Series 5 (LOVELY ❤ MATT)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD