All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from the author, except in the case of a reviewer, who may quote brief passages embodied in critical articles or in a review.
MAN FROM NOWHERE
One-Shot Story
By DARA NAKAHARA
Romance, Fantasy
***
"SUPERMAAAAAAN!" sigaw nito sa rooftop.
"Ano ka ba, Lea? Tigilan mo na nga 'yan at para kang baliw. Hindi basta-basta pupunta rito ang superhero na iyon ng dahil lang sa tinatawag mo siya," pigil ni Kent sa kanya, for the 10th time kasi heto na naman ang dalaga para magkunwaring magpapakamatay para iligtas ito nang tinatawag niyang si Superman.
They are currently living in the world wherein there's a superhuman being from nowhere na may super strength at super powers nang katulad ng mga hero na napapanood lang sa television at movies noon.
"Ikaw ang tumigil d'yan, Kent. Alam mo bang ang sarap kaya ng piling pagbuhat ka niya tapos syempre mapapakapit ka sa kanya at mapapayakap ka na rin. Super macho kaya niya! Kyaaaah! Gusto ko na siya ulit makita," excited nitong sagot sa lalaking kaibigan.
"Hindi na nga iyon pupunta dahil alam niya na sa sampung beses ay niloloko mo lang siya, na hindi ka naman talaga magpapakamatay o hindi ka naman talaga naaksidenteng nahulog sa building. Dito mo pa naisipang gawin ulit ang kalokohang ito."
"F.Y.I. hindi ito kalokohan! I just want to talk with him. Kapag kasi dumarating siya para isagip ako ay tumitingin lang siya sa akin tapos lilipad na agad siya palayo at mawawala nalang siya ulit ng parang bula. Ni walang nakakakilala sa kanya o nakakaalam kung saan ba siya nanggaling simula nang magpakita siya para isagip ang mga taong nasa panganib. Gano'n na lang palagi. I want to know him better and this is the only way I know," paliwanag nito.
"Pero hindi na nga siya pupunta rito," paniniguro niya sa dalaga.
"Bakit ba parang siguradong-sigurado ka na hindi nga siya pupunta rito?" taas kilay nitong tanong. Lumapit ito at inilapit ang mga mukha nito sa kanya. "Bakit? Kilala mo ba siya?"
"H-huh?" gulat niyang tanong. "A-hmm, h-hindi. Paano ko naman makikila iyon? Saka wala namang nakakakilala sa taong iyon o nakakaalam kung tao ba siya o alien from outer space," nakayuko niyang sagot dito.
"Bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso? May tinatago ka ba?" tanong nito na may halong pag-iimbestiga sa mga mata niya kung nagsasabi ba siya ng totoo.
"A-ah, kasi, k-kasi si Su-Superman mo! Nasa likod mo!" sigaw niya sabay turo sa likod ng dalaga.
"NASAAN?" sigaw nito na tumalikod at hinahanap nga ang inaabangang superhero. Dali-dali naman siyang nagpunta sa pintuan at bumaba na sa roof top. Basta tungkol sa superhero na iyon ay mabilis ma-distract ang kaibigan niya.
"KENT!" narinig nalang niyang sigaw ng dalaga na may halong galit sa kanya.
***
"BAKIT kaya ang tagal nang hindi nagpaparamdam ni Superman? Ano na kaya ang nangyari sa kanya?" tanong ni Lea na walang ibang nasa isip kundi ang superhero na nagligtas sa kanya.
"Kung puwede lang, kumain ka na lang d'yan. Kanina ka pa salita nang salita tungkol sa superman na iyo baka mamaya nabilaukan na iyon! Ehem...." napaubo siya bigla.
"Oh, anong nangyari sa iyo?" tanong nito sa kanya sabay lumapit sa kinauupuan niya at hinimas ang likod niya.
"Nabilaukan lang," sagot niya. Inabot niya ang tubig saka uminom. Hindi niya akalaing mangyayari ang sinabi niya.
"Dahan-dahan lang kasi ng kain..." sambit nito saka umupo sa tapat niya at kumain na rin. "Nag-aalala lang kasi ako sa kanya, kung okay lang ba siya ngayon o kaya kung ano ang ginagawa niya. Natutulog kaya siya? Katulad ba siya ni Superman sa movies o hindi?"
"Wag mo na siyang alalahanin, superhero nga siya, hindi ba? Kaya na niya ang sarili niya," sagot niya naman.
"Iniisip ko lang, kung kumakain kaya siya ngayon, sino ang kasama niya? May pamilya kaya siya? o wala? Kawawa naman siya kung mag-isa lang siya, nakakalungkot kaya iyon. Gusto ko siyang samahan kumain para hindi nakakalungkot..." nakita niya ang sinseridad sa mga mata ng dalaga. Ayaw kasi nito nang nag-iisa, ayaw nito na may nag-iisa.
"Alam mo, huwag mo na nga siyang intindihin. For sure, narinig naman niya ang mga sinabi mo at natutuwa siya sa iyo dahil naalala mo siya. Sigurado akong natutuwa siya na may nakakaalala pa rin palang tao sa kanya kahit na wala iyon sa panganib."
"Of course, dahil gusto ko siya hindi lang dahil may powers siya o kakaiba siyang nilalang..." napangiti siya sa narinig na iyon mula sa dalaga.
Ibang klase rin ang kaibigan niya. Nag-aalala ito sa isang nilalang na hindi naman niya lubos na kilala. Kadalasan kasi naaalala lang nga mga tao ang superman na iyon kapag nasa kapahamakan sila para sa pansarili nilang kapakinabangan, but this girl. Iba siya. One of a kind, ika nga.
"Gusto ko siya kasi ang pogi-pogi niya! Kyaah!"
Napailing-iling nalang ang lalaki sa huling sinabi nito. Binabawi na niya na ang sinabi niya, hindi pala ito 'one of a kind' kundi baliw.
***
ONE month had passed, nasa roof top si Lea at Kent ng building na kanilang inuupahan na apartment. Doon ang paborito nilang tambayan ni Lea kapag rest day nila at wala silang masyadong ginagawa.
"Halika na, bumaba na tayo," aya niya sa dalaga.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi pa nagpapakita si superman sa akin," sagot nito na nakatingin sa malayo at sinasamyo ang malamig na hangin doon.
"Bakit ba ang kulit mo, Lea? Bakit hinihintay mo siya palagi? Hindi naman siya magpapakita sa iyo ng walang dahilan."
"Kailangan...kailangan ko siyang makita ngayon..." mangiyak-ngiyak na ito.
Hindi niya alam kung bakit tila may nagbago sa dalaga. Kadalasan ay inaaya siya nitong umalis, mamasyal, pumunta sa iba't-ibang lugar, kumain ng iba't-ibang pagkain. Minsan naman bigla siyang mananahimik, biglang malulungkot tapos maya-maya ay tatawa at magkukwento sa kanya ng kung anu-ano. Matagal na niya iyong napapansin pero hinahayaan niya lang dahil akala niya ay nalulungkot lang ito na hindi makita ang superman niya.
"Gusto ko siyang makita kahit ngayon lang. Please, Kent, samahan mo ako rito hanggang sa dumating siya. Gusto ko nandito ka sa tabi ko," pagmamakaawa niya kaya naman hindi na nga siya bumaba at sinamahan ito.
"Pero hindi nga siya darating dito dahil lang sa gusto mo Lea. Naiintindihan mo ba 'yon?" paliwanag niya rito.
"Darating siya, nararamdaman ko darating siya...'' sabi nito saka unti-unting lumapit sa gilid ng rooftop. "Superman! Alam kong naririnig mo ako ngayon! Kapag hindi ka pa pumunta rito, magpapakamatay talaga ako!" sigaw niya.
"Lea, ano ba? Nababaliw ka na ba?" lumapit siya sa dalaga dahil sa takot na gawin nga nito ang sinabi, hinawakan niya ang kamay nito at pilit na nilalayo ito doon.
"Bitiwan mo ako, Kent!"
"Ano bang nangyayari sa iyo?" sigaw niya. Hindi niya kasi maintindihan ang kaibigan. Masyado na ba itong nababaliw sa nilalang na iyon para gawin ang kabaliwan na ito?
"I just want to talk to him, to be with him even just for today," napahinto ito. "Iyon lang tapos titigil na ako. Gusto ko lang talaga siyang makita ulit," kasabay no'n ang pag-agos ng luha nito.
"Lea..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya niyakap niya na lang ito ng mahigpit. Umiyak lang ito nang umiyak sa kanya habang siya naman ay patuloy sa pagpahid ng mga luha nito. "Tama na. Ako ang magpapalabas sa kanya," sabi niya na pumunta sa gilid ng rooftop. Siya ang tatalon sa building para dumating ang hinihintay nito.
"No! Ako, ako ang tatalon, Kent!"
"Hindi, Lea. Stop this!" pigil niya pero tumayo na ito sa gilid ng rooftop at saka tumalon.
"Lea! Lea!"
"Bakit mo ito ginagawa?"
"S-su-superman?" hindi makapaniwalang tanong ni Lois. Buhat-buhat siya ngayon ni Superman at lumilipad sila paakyat sa rooftop kung saan siya tumalon. "I knew it, darating ka..." ngumiti siya at yumakap ng mahigpit dito.
"Paano kung hindi ako dumating?" tanong nito.
"Well, wala 'yon sa choices ko. It's either darating ka o darating ka. Thank you, Superman," bumaba na siya mula sa pagkakabuhat nito sa kanya dahil nandito na sila sa rooftop.
"I'm not superman. I'm just a stranger from nowhere."
"You're just a stranger but you saved me before!" tugon niya.
"Sagutin mo ako, bakit mo ito ginagawa?"
"Hindi ba't sinabi ko na? I want to see you, to talk with you, to be with you even just for today," sabi niya. "Please....." pakiusap niya. Pagkasabi no'n ay hinawakan siya sa beywang nito at saka sila sabay na lumipad palayo.
***
DINALA siya nito sa building kung saan siya nito unang iniligtas. Iyon kasi ang pinaka-memorable na lugar para kay Lea kaya doon din niya inaya ito. Bahagyang nagulat ito nang makita ang set-up doon.
"Ako ang gumawa niyan para sa ating dalawa. Alam ko kasi na darating ka kanina kaya ni-ready ko na ang lahat para sa date natin," paliwanag ni Lea.
Hindi ito nag salita at tumingin lang sa paligid. Inayusan niya iyon, nilagyan niya ng mga bulaklak ang lalakaran nila at pinaganda ang table na kakainan nila. Hinila nito ang upuan para sa kanya at saka ito umupo sa kabila. Kumain silang dalawa ng tahimik.
"Alam mo, ito ang pangarap ko...ang makasama kita sa isang tahimik at romantic na lugar. Hmmm, salamat dahil natupad 'yon ngayon."
"Ito lang ba ang dahilan kung bakit ka nagtangkang magpakamatay?" tanong nito.
"Hindi ito basta 'lang' dahil napakaespesyal ng araw na ito para sa akin. Special ito dahil nakasama ko ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Si Kent at ikaw."
"Pero bakit kailangan mo pang gawin iyon?" ang tinutukoy nito ay ang pagtalon niya sa building upang sagipin siya ulit nito.
"I have a brain cancer, stage 4 na at no'ng nakaraang buwan ko lang 'yon natuklasan. Gusto ko sanang gawin lahat ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa kaya naman inaya ko si Kent na mamasyal kami at kumain sa iba't-ibang lugar," pag-amin niya. "Gusto rin sana kitang makita for the last time, gusto kong makasama ka sa huling hininga ko 'cause you're the only man who makes me feel that I'm worthy," titig na titig siya rito habang nagsasalita at nakita rin niya ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya.
"Wala akong pamilya, my parents died in a car accident because of me. Nabuhay akong mag-isa dahil doon. Walang umampon sa akin ni pamilya ng mga magulang ko dahil malas daw ako, in short walang nagmahal... No one makes me feel that I deserve to live. Ikaw palang..." patuloy niya. "Iyong mapansin mo pa lang ako no'ng una mo akong niligtas sa pagtalon sa building, isa 'yon sa mga pangyayari sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan dahil for the first time may isang taong...may taong nagpakita sa akin ng malasakit. Kahit na paulit-ulit ko pa iyong ginawa, you're always there to save me. Hindi ka napagod o nainis. You gave me strength and you gave me hope para mabuhay at siguro ikaw 'yong instrumento ng Diyos para maging matapang pa ako sa lahat ng problemang kakaharapin ko. I owe you my life so, I want to be with you in my last final breath, superman..." tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.
Nanatili lang na nakatitig sa kanya ito at hindi makagalaw o makapagsalita man lang dahil sa mga bagay na natuklasan nito sa babaing kaharap. "Gusto ko sanang pahiran ang mga luha mo pero hindi ako makagalaw dito as if, I was stuck here forever. Hindi ko alam kung bakit ganito kalaki ang epekto ng mga sinabi mo sa akin pero I want to take this opportunity to thank you for everything. Mali ka no'ng sinabi mong ako ang nagbigay sayo ng strength at hope para maka-survive dahil ang totoo...It's you who gave me strength and hope to do my job as a superhuman. You're my number one inspiration, Lea. I know you're always there for me too, inaalala mo ako kahit hindi naman dapat dahil malakas ako. Thank you."
Lalong umagos ang luha ni Lea sa kanyang narinig. Lumapit sa kanya ang lalaki at pinahid ang mga luha niya.
"Want a ride, supergirl?"
"Sure. It's my pleasure, my superman." Lumipad sila sa kalangitan, inikot nila ang mga lugar na hindi pa napupuntahan ni Lea at pinagmasdan nila sa kalangitan ang mga ilaw na nang gagaling sa mga gusali.
"Parang mga stars sa heaven...ang ganda," manghang sabi niya.
"Hindi nakakasawang tingnan, hindi ba?"
"Oo. Salamat ulit, superman. You made me so happy tonight. Pinakita mo sa akin ang mga bagay na kahit sa panaginip ay hindi ko ata makikita. Pinaramdam mo sa akin na kumpleto ako at buong-buo. Thank you dahil nagawa ko na ang lahat ng gusto ko sa buhay..."
"You're welcome, Lea."
"Thank you, Kent."
Nagulat si Kent sa kanyang narinig. Alam na pala ni Lois ang totoo kung sino siya. Napangiti na lang siya. "Saan mo pa gusto pumunta? Masyado ka ng bumigat at nangagawit na ako," biro niya pero hindi na ito sumagot. "Lea?" napalunok siya. Ayaw man niyang mag-isip ng masama ay nararamdaman na niya. "Lea? Please... don't leave me," pumatak ang luha niya bigla.
Hindi pa niya nasasabi sa dalaga ang mga gusto pa niyang sabihin. Hindi pa niya na ikukuwento ang mga bagay na gusto niyang malaman nito. Walang tigil sa pagpatak ang luha niya hanggang makabalik sila sa rooftop ng apartment nila. Marahan niyang ibinaba ang dalaga at pinagmasdan ang natutulog nitong mukha. "I love you, Lea. Thank you sa lahat. You can now rest."
***
I WISH that I could tell someone that I'm not that strong pero alam kong walang maniniwala dahil lahat sila ay naniniwalang malakas ako. I wish that I could cry and fall upon my knees just like normal people pero hindi ko iyon magawa dahil nagtitiwala sila sa kakayahan ko. I wish that I have the right to bleed. Tao lang din ako, nasasaktan, nahihirapan, nalulungkot, nanghihina, nangangarap at nagmamahal. I wish that I can save her pero alam kong hindi na 'yon kaya ng powers ko at pinapaubaya ko na siya sa nasa Itaas.
Na-realize ko na may limitasyon din ang lahat ng bagay dito sa mundo. Hindi lahat kaya ko. Hindi laging malakas ako.
After all, I'm only a man in a silly red sheet.
***
DARA NAKAHARA