Chapter 4: Tikim

1569 Words
VIOLET “Cam—” Biglang umurong ang dila ko. Tatawagin ko na sana si Camilla pero nagtuluy-tuloy ito sa paglalakad. Nagtago ako sa gilid ng pader na hindi naaabot ng ilaw ng poste para tignan kung bakit siya nagmamadali. Pag-upo niya sa may bangko, doon ko napansin kung sino ang pinuntahan niya—si Tonio. --- Disyembre, 2023 “Baks, nakita mo na ba ang bago nating bouncer? Lyamado, baks! Baby boy ang hitsura pero mukhang nambabalibag sa kama!” Tsismis sa akin ng isa kong katrabaho. Nginisian ko lang siya pero nagpatuloy ako sa paglalagay ng fake eye lashes sa talukap ng mga mata ko. Hindi naman ako interesado sa mga lalaki. Pera lang ang nagpapatibok ng kuweba ko. “Pansinin mo naman ako, baks! Dalian mo dyan at landiin natin!” Pangungulit niya sa akin. Pagkatapos kong maglagay ng kolorete ay tumayo na ako sa harapan ng salamin. Tinignan ko ang aking suot. Hindi pa ako kuntento. Kumuha ako ng gunting sa bag ko at ginupit ko pa ang laylayan ng aking shorts. Dapat ay kita ang panty ko para kaagad akong makakulimbat ng lalaking lalasingin at gagatasan ngayong gabi. “Anak ng tokwa, baks! Litaw na ang p*kelya mo dyan! Tigilan mo na ‘yan! Kaya nahahakot mo ang lahat ng costumers eh. Tirhan mo naman kami.” “Tumigil ka dyan, baks. Hindi ko kasalanan kung bilasa ka na. Dapat kasi ay inaalagaan mo ang butas mo. Gastusan mo, pabanguhan, langgasan—” May kumatok sa pintuan. Bumukas ito ng bahagya at sumilip ang isang lalaki. Napanganga kami ng kasama ko. Para siyang isang anghel na kayumanggi ang balat pero ang katawan—p*tangina, nakakapanghina. “Ma’am, pinapatawag na po kayo sa labas ni Ma’am Lerma. May costumers po yatang naghahanap sa inyo.” Sambit niya. Bago niya naisara ang pintuan ay hinabol ko siya. “Teka lang!” Sumilip ulit ang binata. “Ikaw ba ‘yung bagong bouncer?” Usisa ko. “Opo.” “Ano’ng pangalan mo?” “Tonio po.” --- KASALUKUYAN P*cha. May itinatago rin palang kalandian itong Camilla na ‘to. Kaya pala parating umaalis ng bahay ng maaga eh mukhang sinusungkit na ang matinee idol ng bar. “Hindi ka na dapat tumulong. Kaya ko namang lusutan iyon.” Ani ni Camilla. “Nangati kasi ang kamao ko. W-Walang puwedeng manakit sayo…” Mahinang boses na sagot naman ni Tonio. Nakapaglabas ako ng yosi ng wala sa oras. Kumikirot ang mga ugat ko sa ulo. Bigla akong nawala sa mood. Tuso rin pala itong babaeng ito. Akala ko ay malinis ang puri pero mukhang nakatago pala ang buntot nito. Sumilip ako ng kaunti sa may ilaw para makita ko kung ano ang ginagawa nila. Nililinisan ni Camilla ang sugat sa labi ni Tonio. Taas-baba ang mga mata ng lalaki na parang may palihim na tinitignan. Napansin ko na nakayuko si Camilla at tila dumudungaw ang kanyang mapuputing mga s*so sa kanyang suot. Tumabang ang aking panlasa. Lalo lang akong ginagalit ng babaeng ito. Ano kayang puwede kong gawin para masira ang kanyang pangalan kay Ma’am Lerma? Kung hindi lang ito sumulpot sa bar ay marahil, isa na si Tonio sa mga lalaking napapaikot ko. Naubos ang pasensya ko. Bago pa maituloy ni Camilla ang kanyang maitim na balak ay nagpakita na ako kay Tonio. --- CAMILLA “A-Ate?” Unti-unting lumitaw mula sa dilim si Violet. Pinitik niya ang yosi sa gilid ng kabilang bar at tinitigan ako. Malamig ang mga mata. Sa anim na buwang pagsasama namin ay ngayon ko lang nakitang ganoon ang istilo ng pagtitig niya sa akin. Nakakalusaw. Nang makalapit siya sa amin ay biglang gumaan ang kanyang mukha. “Camilla. Ano’ng ginagawa n’yo rito ni Tonio? Ay sh*t!” Bulalas ni Violet. Umupo siya sa gitna namin ni Tonio. Humawak ang isa niyang kamay sa binti ni Tonio at ang isa naman ay sa kanyang pisngi. “Napano ka, Tonio? Sino’ng gumawa nito sayo?” Nag-aalalang halungkat ni Violet. Hindi umimik si Tonio at tumingin sa kabilang ibayo. Bumaba ang kamay ni Violet at sinadya niyang idaan ito sa matitigas na dibdib ng lalaki. Kinurot ko ang pantalon ko. May kung anong kirot sa puso ang palihim na pang-aakit niya kay Tonio. “Akin na ‘yan, Camilla. Ako na ang maglinis ng sugat ni Tonio. Pumasok ka na at mukhang marami nang umiinom sa loob.” Utos ni Violet sa akin. Kinuha niya ang bulak at alcohol sa kamay ko at pinausog ako sa upuan. Wala na akong nagawa kaya tumayo na lang ako. Sumabay naman itong si Tonio. “Ayos lang ako, Violet. Magbihis ka na doon. Malapit na ang show niyo. Tara, Camilla. Sabay na tayo.” Usal ng binata. Kinuskos ni Tonio ang bahagyang kumalat na alcohol sa kanyang pisngi at naglakad papasok sa club. Napabaling ako kay Violet. Naobserbahan ko ang pag-igting ng kanyang mga panga. Bago pa niya ako mapagbuntungan ng inis ay sinundan ko na lang si Tonio. --- Piniga ko ang mga namumukat kong mga mata. Pasado alas-dos na ng umaga nang maubos ang mga costumers sa bar. Sinundo na ni Roger si Violet kanina at kami nina Kikay, Mang Vic at Tonio na lang ang natira sa club. Naglalampaso ng sahig si Kikay habang nagtataas naman ng mga bangko si Tonio sa mga mesa. Tapos na rin akong magbilang ng kita at sa awa ng Diyos, balanse naman ang kinahera ni Kikay. Dinala ko ang pera sa kuwarto kung saan naroroon ang vault. Ni-lock ko ang pinto bago ko binuksan ang lalagyanan ng pera. Pigil-hininga kong inilagay ang mga kinita sa loob. “Kung alam lang ng mga taga-rito kung ilang daang-libong piso ang nilalaman ng vault na ito.” Isip ko. Paglabas ko ng kuwarto ay handa na rin ang aking mga kasama para isara ang club. Kinuha ko ang bag ko sa ilalim ng counter at sumabay ako sa kanilang paglabas. Pabagsak akong huminga ng malalim. Wala nang mga tricycle sa may TODA. Maglalakad na naman ako nito papunta sa highway para makahanap ng masasakyang jeep pauwi ng apartment. Nagkahiwa-hiwalay na kami ng aking mga kasama. Pero napansin ko si Tonio na naglalakad sa aking likuran. Napaisip ako. Ang alam ko ay sa Barangay Anunas siya nagre-renta ng boarding house. Bakit siya papunta sa highway? Hindi na lang ako nagsalita. Hinayaan ko na lamang siya at naglakad ako ng mabilis. Kumapit ako ng madiin sa aking bag dahil marami kasing mga snatchers sa dinadaanan ko ngayon. Napansin ko na lumaki din ang agwat ng kanyang mga yapak na tila sinusundan niya talaga ako. Hindi na ako nakatiis at nilingon ko siya. “Saan ka pupunta? Gabi na, ah.” Wika ko. “Ihahatid kita.” Sagot niya. “Bakit mo ako ihahatid? Doon sa kabilang kanto ang daan papunta sa inyo. Uwi ka na.” Ngumuso siya sa daan para utusan akong magpatuloy sa paglalakad. Hindi pa rin ako nagpaawat. “Sige na. Ang lapit lang ng highway. Umuwi ka na.” Kinamot ng hinalalaki niya ang ilalim ng kanyang mata. Medyo naiirita na yata siya sa akin. “Kuya, umuwi ka na. Ayoko ng may kasabay kapag naglalakad ako. Pa-umaga na. Huwag mong sayangin ang oras mo—” Huminga siya ng malalim at ibinulsa ang kanyang mga kamay. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng diretso. “T*ngina naman, Camilla. Ang dami mong satsat. Tutal, kinu-kuya mo naman ako, makinig ka na lang sa utos ko. Larga na. Ihahatid kita.” Nabara ang bibig ko. Akala ko ay mapino siyang magsalita dahil tatahi-tahimik siya sa bar. Mukhang totoo nga yata ang tsismis. Napuno siguro ang bisor nito sa dumi ng bibig niya kaya siya tinanggal sa trabaho. Inirapan ko siya at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Kumabog man ng bahagya ang puso ko dahil sa paghahatid niya sa akin, binawi naman ng magaspang niyang bibig ang kilig. Pagdating namin sa highway ay muli ko siyang nilingon. “Dito na ako. Salamat, Kuya.” Tinalukuran niya ako at naglakad palayo. Naningkit ang mga puyat kong mata. Ang sarap niyang sipain. --- TONIO Pagbukas ko ng kuwarto ay nadatnan kong mahimbing na ang tulog ng mga board mates ko. Naka-bed space lang kasi ako para makatipid. Dahan-dahan kong ipinatong sa mesa ang bag ko. Hinubad ko ang mga saplot sa katawan ko at pumasok sa banyo. Kanina ko pa pinipigilan ang libog na bumabalot sa buo kong katawan. Kasalanan ito ni Camilla. Matagal na akong nahuhumaling kay Camilla. Unang salta pa lang niya sa bar ay nahulog na ang puso ko sa kanya. Mabait siyang makitungo sa mga tao, dalisay ang personalidad, maganda at sexy. Batang-bata ang hitsura pero nasa tamang edad na kung magsalita. Dagdag pa sa kaaya-aya niyang taglay ay ang lakas ng kanyang halina. Para akong ginagayuma sa tuwing nakikita ko siya. Kaya nang masipat ko ng malapitan ang mala-bulak niyang mga papaya kanina ay tinayuan ako. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ang kanyang hubog sa daan kanina. Ang sarap hawakan ng kurbada niyang baywang, pati na rin ang umbok ng kanyang puwitan. Pinihit ko ang gripo. Lumagaslas ang daloy ng tubig. Kung makaungol man ako ngayon dahil sa aking pagsasalsal ay hindi ako basta-basta maririnig ng aking mga ka-kwarto. Pumikit ako para sariwain ang dibdib ni Camilla. “Ohhhh… T*ngina, Camilla… Ang sarap mo… Kelan kaya kita matitikman…” Ungol ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD