CAMILLA
Kung saan-saang parte na ako ng banig pumwesto pero hindi pa rin ako makatulog. Ginugulo ako ng aking konsensya. Hindi ko matanggal sa utak ko ang nangyari kanina.
Nahuli ba talaga niya ako? Paano kung oo? Magsusumbong ba siya kay Violet? Palalayasin na ba ako dito?
Peste. Ang layo pa ng sahuran. Saan ako pupulutin? Hihingi na ba ako ng tulong sa aking amo sa club? Si Tonio… Baka makatulong si Ton…
Hindi. Mali ang iniisip mo, Camilla. Huwag mong galawin si Tonio. Kasusuklaman ka ng buong grupo ng mga G.R.O. sa club.
Binura ko sa listahan ng utak ko si Tonio kaya sumagi ulit sa balintataw ko si Roger. Kung tutuusin ay may katandaan na ito. Madami nang puting buhok sa ulo at bigote. Bibilugin pa ang tyan. Pero bakit hindi ko matanggal sa isipan ko ang kanyang mahabang alaga?
Bakit siya pinagtitiisan ni Violet? Dahil ba sa pera? O dahil talagang nakakaadik ang kanyang sandata?
Kung ano-ano na ang tumatakbo sa imahinasyon ko. Dala lang siguro ito ng puyat. Gusto kong makatulog ng kahit ilang oras lang dahil may pasok na naman ako mamayang hapon.
Hinila ko ang kumot sa paa ko. Ipinangtalukbong ko ito sa aking ulo. Hindi pa ako dinadalaw ng antok pero may narinig na akong kaluskos ng tsinelas sa kabilang kuwarto. Bumukas ang pintuan at narinig kong umubo si Violet.
Tumingin ako sa cellphone ko. Pasado alas-singko na ng umaga. Buwisit. Inubos ko ang natitira kong oras para manilip at makapagparaos.
Tumayo ako at sumilip sa pinto. Nagsasangkap ng kape si Violet. Hindi niya kasama si Roger. Nagdesisyon akong lumabas ng kuwarto.
"Oh. Gising ka na pala." Bati sa akin ni Violet.
Kinusot ko ang mga mata ko para magkunwaring kakagaling ko lang sa pagtulog.
"Kape." Alok niya sa akin.
"Salamat ate." Sagot ko.
Binitbit namin ang aming mga tasa at lumabas kami ng sala. Tumambay kami sa harapan ng gate ng luma naming apartment. Inalok niya ako ng yosi pero tumanggi ako. Ngumisi si Violet at tumango.
“Hanggang kelan kaya magtatagal ang pagiging good girl mo? Pero tama ‘yan. Huwag kang gumaya sa akin. Wala na ngang direksyon ang buhay, puro bisyo pa ang inaatupag.”
Matipid na ngiti ang isinukli ko sa kanya. Nakokonsensya ako dahil ang bait niya sa akin. Sinalo niya ako noong wala na akong matakbuhan ngunit kagagahan ang ganti ko sa kanyang kabaitan.
---
VIOLET
Paminsan-minsan ay dinadalaw ako ng pagsisisi kung bakit ko pa kinupkop itong si Camilla—gaya ngayon. Ni wala man lang akong mabasa sa kanyang iniisip. Masyadong malihim at tahimik si Camilla. Ang lahat ng gusto kong maging taglay ay nasa sa kanya. Minsan ay sinisikmura ako sa pagpapanggap kong maging mabait kapag kaharap ko siya. Pero kailangan kong gawin ito. Dahil kung hindi, baka tuluyan na akong mawalan ng customer sa club.
Maganda siyang bata, sariwa, makinis at walang kamuwang-muwang. Nang matagpuan ko siya noon sa harapan ng club, alam kong katapusan ko na iyon sa aking pagrereyna-reynahan. Abot-kamay niya ang trono sa pisikal niyang anyo. Tiyak na pagpapantasyahan siya ng mga regular naming mga customer kung naliko ang landas niya na maging entertainer na kagaya ko.
Kaya sinamantala ko ang pagkakataon at ang kanyang kamusmusan para mailayo ko siya sa ganitong uri ng trabaho. Pinatuloy ko siya sa aking apartment. Kaagad kong sinabi sa kanya ang duming kaakibat ng aking hanapbuhay doon sa club. Ginawa ko iyon hindi para mailayo siya sa kapahamakan, kundi para pigilan siyang pumasok at agawan ako ng pagkakataong kumita.
Gayunpaman, ipinagpasalamatan ito ni Camilla. Kesyo iniligtas ko daw siya sa napipintong panganib dahil bagong-salta ito at iniwas ko siya sa malalaswang mga tao. Mabuti na rin iyon at hindi siya naging sagabal sa landasin ko.
Pero kahit na anong pag-iiwas ko sa kanya sa mata ng mga tao, lalo pa siyang napapansin dahil sa kanyang mapinong kilos at kasipagan. Ako ang nagpasok sa kanya sa club bilang all-around helper. Napansin ni Ma’am Lerma, ang may-ari ng club kung gaano siya ka-polidong magtrabaho. Hindi siya marunong umangal, kahit na anong ipagawa sa kanya. Naging madali para sa kanya ang masungkit agad ang loob ng aming amo sa bar.
Sa tinagal-tagal na naming nagtatrabaho doon ay siya lang ang pinagkakatiwalaan ni Ma’am Lerma na maglagay ng pera sa kanyang vault. Bukod-tanging siya lang ang nakakaalam ng kumbinasyon ng numero sa taguan ng pera ng aming amo.
Todo-effort kaming mga G.R.O. kung makapagbihis. Taktak sa iksi ang aming mga shorts at lumuluwa na sa hapit ng aming pang-itaas ang aming mga dibdib para lamang makabingwit ng lalaking magogoyo gabi-gabi. Pero siya na parating nakasuot ng pantalon at disenteng blusa ay parating patok sa mata ng aming mga customers. Malimit siyang chinachansingan sa tuwing maglalapag siya ng pagkain sa mga mesa. At itong namang si Tonio, ang pinakagwapo at bata naming bouncer ang laging napapahamak sa pagtatanggol sa kanya.
Nakakasulasok mang tanggapin, mukhang nahumaling ang pantasya naming mga bilat kay Camilla dahil sa kanyang kagandahan.
Nakakainggit talaga ang kanyang karikitan. Nakakainis ang kanyang purong puso at kapinuhan. At nakakataas ng presyon ang kanyang pagiging tahimik. Kagaya ngayon na magkatabi kami na parang hindi magkakilala, nakakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit tinulungan ko pa siya.
Pero ano’ng magagawa ko? Baka mawalan kaming lahat ng trabaho kung hinayaan ko siyang ma-recruit ni Ma’am Lerma na maging G.R.O. kagaya namin.
“Ate, ipang-iinit na kita ng tubig pampaligo.” Usal ni Camilla.
Naudlot ang aking pagbabalik-tanaw. Naubos na pala niya ang kanyang kape. Tumayo siya at pinagpag ang buhanging dumikit sa kanyang shorts. Pumasok siya sa gate ng hindi man lang nagpapaalam. Nilingon ko siya at pinagmasdan ang kanyang likuran.
Walang kapeklat-peklat ang mahahaba at mapuputi niyang mga hita. Pucha.
---
Nakatapis akong lumabas ng banyo pagkatapos kong maligo. Napansin kong nagluluto na ng kanin si Camilla sa kusina. Gising na rin si Roger. Nagkakape ito sa may sala.
Akala ko ay nanunuod siya ng TV dahil nakaharap siya sa telebisyon. Pero nang madaanan ko siya ay napansin kong nakadikit ang kanyang mga titig sa puwit ni Camilla. Gumagalaw ng mabilis ang isa niyang hita habang tila hinuhubaran na niya ang kasama ko sa bahay sa kanyang malalagkit na tingin.
“Shhhht!” Sipol ko.
Nagulat si Roger. Minulagatan ko siya para itigil niya ang kanyang ginagawa. Humigop siya ng kape at kinuha ang remote control para ilipat ang channel. Sinulyapan ko si Camilla. Nakatalikod pa rin ito at abalang naghihiwa ng kamatis. Biyaya talaga sa akin ang kanyang ka-inosentihan. Dahil kung malandi lang ito na gaya ko, baka lumipat na ng bakod itong Kano kong nobyo. Patay ang sustento ko.
Pare-pareho talaga ang mga lalaki. Makakita lang ng sariwang isda, pumapalag na ang kanilang mga batuta.
---
CAMILLA
“Please hand me the dipping sauce.” Malumanay na wika ni Roger sa akin.
Inabot ko sa kanya ang pinakurat na suka. Hindi ko siya matignan ng diretso. Sariwa pa rin sa isip ko ang pangyayari kaninang madaling-araw.
Kahit na tutok ako sa aking plato ay nararamdaman kong titig na titig siya sa akin. Hindi ko alam kung tatakpan ko ang aking mga dibdib o aalis na lang ako sa mesa.
Nakakabingi ang katahimikan naming tatlo. Nagmakaawa ako sa Diyos na sana ay kausapin ni Violet ang boyfriend niya para maibaling sa kanya ang atensyon ng lalaki.
“Babe, can you drive me to SM Clark? I will just buy some new clothes.” Wika ni Violet.
Lumuwag ang dibdib ko. Pinakinggan ako ng Poong Maykapal.
“Sure thing. What time?” Sagot ni Roger.
“After this.” Tugon ni Violet.
“Alright. I'm grabbing some gas for the car after breakfast. How about you, Camilla? Do you wanna join us?”
Napasulyap ako kay Roger, pagkatapos kay Violet. Umiling ako.
“No, thank you.” Matipid kong sagot.
“Alright.” Tugon ni Roger.
May ilang subo pa akong natitira sa aking pagkain pero tumayo na ako sa mesa.
“Ate, ano. Umpisahan ko na ang paghuhugas ng pinggan.” Sambit ko kay Violet.
“Ha? Hindi ka pa tapos kumain. Ubusin mo muna ‘yan, oh. Sayang.” Turo niya sa plato ko.
Umupo ulit ako at sumubo ng mabilis. Para akong nakikintal sa titig ni Roger sa akin. Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan. Dumiretso si Violet sa banyo para mag-toothbrush.
Paglapag ko ng mga plato sa lababo ay nagulat ako sa ginawa ni Roger. Dumaan siya sa aking likuran at alam kong sinadya niyang ikiskis ang umbok ng kanyang batuta sa aking puwitan.
“Ooops. Sorry about that. There is not much space here.” Usal niya.
Napalunok ako. Daplis lang ang ginawa niya sa likuran ko pero talagang naramdaman ko ang bakat ng kanyang alaga. Napapikit ako at napailing nang muling sumilay sa aking imahinasyon ang matigas niyang sandata na aking nasilayan kagabi.
Lalo pa akong naasiwa nang tabihan niya ako sa lababo. Kumuha siya ng tubig sa water dispenser at uminom. Napasulyap ako sa kanya habang nilalagok niya ang tubig ng nakatingala. Kitang-kita ko ang pagkilos ng kanyang lalagukan. Lalaking-lalaki ang kanyang mga panga, pati ang kapal ng kanyang leeg.
Nang matapos siyang uminom ay yumuko ako ulit sa mga hugasan. Pero bago niya ako nilisan ay may ginawa muna siyang malaswa sa aking tabi.
Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng kanyang pantalon at inayos ang posisyon ng kanyang sandata.
“Damn, I’m having a morning hard-on.” Wika niya at ngumisi sa akin.