CAMILLA
"How old are you, Camilla?" Tanong ni Roger sa akin.
Bumabaon na ang mga ngipin ko sa dila ko. Konting kagat pa ay mukhang mapuputol ko na ito sa pagpipigil kong magsalita.
Binaba ni Roger ang kamay niya sa amba ng pintuan at sumiksik pa palapit sa akin. Napakatangkad niya. Para lang akong anino ng kanyang malapad na katawan.
"Tell me, Camilla. How old are you?"
"N-Nineteen."
"That’s great. You're ripe. So you already know the filthy things Violet and I do every night? I bet you can hear her moaning endlessly."
Pinipigilan ko ang aking sarili. Sa istilo ng pagtitig niya sa katawan ko, alam kong mabibitag ako sa kanyang patibong kapag umamin ako. Pero ano ang laban ko kung sabik ang sarili kong katawan?
Kailanman ay hindi magbubukas ng pagkakataon ang La Union sa akin na makatikim ng glorya sa piling ng isang dayuhan. Kung pinili kong mamuhay doon sa halip na makipagsapalaran dito sa Red Street, marahil ay makakahanap lang ako ng isang ordinaryong magsasaka na walang ibang alam kundi ang mag-anak lamang.
Iba si Roger. Alam niya kung paano paligayahin ang isang babae. Kabisado niya ang mga anggulo at posisyon na nagpapasidhi sa libog ng tulad ko. At higit sa lahat, pupusta ako na walang kahit na sinong lalaki sa probinsya ko ang makakatapat sa laki ng kanya alaga. Nakakapanuyo ng lalamunan ang makapal at ugatan na katawan ng kanyang ahas.
"S-Sometimes..." Sagot ko.
Ngumisi si Roger. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya para hilain ang kuwelyo ng suot ko. Pagkatapos ay sumilip siya sa malulusog kong mga upo.
"So you already know how I make women scream. You also heard how loud the girl a while ago moaned when I ruined her tight, little p***y. Just say the word, Camilla. I'll give it to you hard. I’ll drive you crazy. But of course, when Violet is not around."
Para akong ginayuma. Napatango ako ng hindi nag-iisip. Nanabik ako ng husto.
Nang tumigil ang tunog ng shower sa CR ay nagmadali kaming naghiwalay ni Roger. Pumasok siya sa kabilang kuwarto at ako naman ay nag-lock ng pinto.
Napakalakas ng pintig ng puso ko. Sa pag-uusap pa lang namin ay parang nilabasan na ako. Basang-basa ang panty ko.
---
Pagkatapos ng gabing iyon, parang walang nangyaring pag-uusap sa pagitan namin ni Roger nang mananghalian kami. Ganado silang dalawa ni Violet na kumain ng tinolang manok na niluto ko.
"Alam mo, Camilla. Kung ganito ako kagaling magluto, babalik na lang ako sa probinsya ko. Magkakarinderya na lang ako. Ano sa tingin mo?" Usal ni Violet.
Bumagal ang pagnguya ko. Tinataboy na ba niya ako? Nakakahalata na kaya siya sa kakaibang ikinikilos ni Roger sa tuwing naririto ako?
"Maraming mas magaling magluto sa probinsya, ate. Isa pa, wala namang pambili ang karamihan ng mga tao sa barangay namin. Umaasa lang kami sa sarili naming pananim."
Mukhang hindi naman pinansin ni Violet ang pagdadahilan ko. Kuha lang sila ng kuha ng ulam ni Roger. Hindi ko pa nga nagagalaw ang isang piraso ng pakpak sa plato ko pero mukhang wala nang matitira sa akin.
"By the way, babe..." Pasok ni Roger.
Namumuwalan pa ang bibig ni Violet sa dami ng laman ng kanyang bibig kaya tumango na lang siya kay Roger.
"I'm going back to the US next month."
Parang tumigil ang kumpas ng lahat—ang oras, ang hangin, ang paggalaw naming lahat. Dahan-dahan akong lumingon kay Violet. Naramdaman ko ang lamig sa paligid. Gaya nito ng pakiramdam nang titigan niya ako noong isang gabi nang makita niya akong kasama ko si Tonio.
Ngumuya ulit si Violet.
"Okay, babe." Tugon niya.
Napasinghap ng banayad si Roger. Itinuloy ko ang pagkain ko kahit na parang ang hirap lumunok.
Ang ibig bang sabihin nito ay mawawalan na ng kaulayaw si Violet gabi-gabi? Sa palagay ko ay hindi ito ang tunay na ikinapuputok ng tambucho niya—ang napipintong pagtapyas ng sustento ang inaalala niya.
Tiba-tiba si Violet sa club dahil marami siyang parokyano. Pero namumuhay mayaman ang kabahay ko. Sa mamahaling lugar siya namimili ng mga bag, sapatos at damit. Luma ang tinitirhan naming apartment. Tumutulo na nga ang bubong nito tuwing sasapit ang buwan ng Mayo. Pero nakakalula ang dami ng mga gamit ni Violet sa kuwarto.
Kumakain sila ni Roger sa mamahaling restaurant. Dinadala siya sa magagandang hotel at doon siya tinitira. Para kay Violet, isang naglalakad na pitaka si Roger.
Kung babalik ito sa kanyang bansa, maglalaho ang lahat ng mga ito sa isang kisap-mata.
Nawalan ako ng ganang kumain. Ang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa ay nakakasakal.
"Ate, mauna na ako. Pupunta pa ako sa bar para bumawi sa pag-aabsent ko kahapon." Paalam ko sa kanya.
Hindi niya ako kinibuan. Hinugasan ko ang sarili kong pinggan at naligo ng mabilis.
---
Sa kakaiwas ko sa tensyon ng dalawa, alas tres pa lang ng hapon ay tumulak na ako papuntang club. Napatayo si Kuya Vic nang makita niya akong bumaba ng tricycle.
"Oi, Camilla. Ba't ang aga mo naman yatang masyado? Kumusta na ang pakiramdam mo?" Ani niya.
"Okay na po ako, Kuya. Tinext ko po kasi si Ma'am Lerma at nagsabi ako na maaga akong paparito. Sabi niya, i-check ko daw ang mga kulang na stocks sa kusina. Bilhin ko na daw." Sagot ko.
"Ganun ba? Oo, problemado nga kahapon ang bar. Ang daming nawala sa menu dahil kulang-kulang ang stocks sa freezer. Teka, sabihan ko si Tonio."
"Oh, Kuya! Huwag! Bakit mo sasabihan?"
"Sino’ng sasama sayo? Alangan namang ako?”
“Kaya ko namang mamalengke ng mag-isa. Hello!”
“Kaya mo nga, eh kaya mo bang isakay sa tricycle ang lahat ng bibilhin mo?”
“Ah, basta. Ako na lang. Huwag mo na—”
“Tonio.”
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Vic. Napatingin ako sa likuran ko. Pinarada ni Tonio ang minamaneho niyang tricycle sa harapan ng bar. Napatitig siya sa akin nang mapansin niya ako sa tabi ni Kuya Vic.
“Ba’t ang aga mo rin?” Usisa ni Kuya Vic.
Bumaba siya sa kanyang sinasakyan. Tinanggal niya ang suot niyang shades at pumasok sa patyo ng bar.
“Hinabilinan ako ni Ma’am kagabi. Palengkehin ko daw ang mga kulang sa ref.”
Nagkatinginan kami ni Kuya Vic.
“Oh, tamang-tama. Sabi ko na sayo, Camilla. Hindi ko na pala siya kailangan tawagan.”
Lumingon ako kay Tonio. Yumuko siya ng kaunti para tumingin sa akin. May katangkaran kasi siya. Nagpamewang siya na parang nagtataka kung bakit ako naririto, samantalang ako nga ang nahiwagaan kung bakit pareho ng habilin si Ma’am Lerma sa aming dalawa. Mukhang tumatanda na yata talaga ang amo namin. Nagiging makakalimutin na.
“Sige. I-check ko na lang kung ano ang mga kulang.” Saad ko at pumasok ako sa bar.
Hinawi ko ang mahabang plastic na harang papunta sa palamigan ng mga rekado. Nakakita ako ng listahan na nakadikit sa white board sa dingding.
“Oh. Sinulat na pala nila ang mga bibilhin.” Bulong ko sa aking sarili.
Gayunpaman, siniguro ko pa rin na iyon nga ang mga kulang. Isa-isa kong binalikan ang mga rekado para hindi masayang ang oras kung sakaling may nakaligtaang isama sa paktura. Pagkatapos kong gawin ito ay tumungo ako sa kuwarto ng vault para kumuha ng pera.
Pagbalik ko sa loob ng bar ay nakita ko si Tonio na nakaupo sa likod ng bar counter at inilalagay ang bag sa maliit niyang kahon. Nakasubo ang umuusok na yosi sa kanyang bibig.
“Kuya, bawal magyosi sa loob habang wala pang costumer.” Paalala ko.
Lumingon siya sa akin at tumayo. Inabot niya ang ash tray at idinikdik doon ang hawak niyang yosi para patayin.
“Ayos na?” Tanong niya sa akin ng may tono ng iritasyon.
Tiim-bagang akong tumango. Antipatiko talagang kausap ito. Kung alam lang ng mga trabahador dito kung gaano siya kadungis magsalita.
“Tapos ka na dyan? Tara na para ‘di tayo matagalan sa pamamalengke.”
Pagkatapos niyang sabihin ito ay iniwan niya ako sa loob ng bar. Padabog kong sinabit ang bag ko sa aking balikat.
---
“Pabukas.” Pakiusap ko.
Nakasara kasi ang pintuan ng sidecar ng kanyang tricycle.
“Dito ka na sa likod ko sumakay. Magback-ride ka na lang. Dyan natin ilalagay ang mga pinamili mamaya.”
“Wala pa naman tayong nabili.”
“Dito ka naaaaa.” Diin niya sa huling salita.
Inikutan ko ang tricycle para makasakay sa kanyang likuran. Nang tumingin ako sa itaas ay napansin kong wala itong hawakan.
“Mahuhulog ako dito. Walang hawakan.” Angal ko.
“Ganun ba. Hiniram ko lang kasi ito sa kasama ko. Humawak ka na lang sa akin.”
“Ay, ayoko! Magta-tricycle na lang ako!”
“Isa!”
Kumapit ako sa kanyang tyan nang bilangan niya ako. Natakot ako bigla sa lakas ng kanyang boses.
“Ang dami pang arte, kakapit din naman pala.” Bulong niya.
Naglabas siya ng yosi at sinindihan ito. Nang paandarin niya ang motor ay sumalpok sa akin ang usok ng sigarilyo. Naubo at napakapit ako ng husto sa kanyang tyan. Ngumisi ito pero hindi naman ako makareklamo. Wala kasi kami sa loob ng bar. Hindi ko mapagbawalan.
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa palengke ay kinausap niya ako.
“Wala ka na bang lagnat?”
“Wala na, Kuya.”
“Tigil-tigilan mo kasi ang pananagad sa lakas ng katawan mo. Ang patpatin mo pero kapag nagtrabaho ka, para kang may limang anak.”
“May apat akong kapatid na pinapaaral.”
Hindi siya nakakibo. Binitawan niya ang isang dulo ng manibela at humithit ulit ng usok sa yosi.
“Kumapit ka ng maayos sa akin.” Sagot niya.
Hinawakan niya ang aking kamay at inilapat ng maayos ang aking palad sa kanyang tyan. May haplos na kasama ang kanyang paghawak. Dahil sa kanyang ginawa ay nakapa ko ang matigas na bukol-bukol sa kanyang katawan.