Nineteen

1040 Words
Third Person's P.O.V Walang gumagalaw ni nagsasalita. Lahat nakaabang at nakatingin sa dalawang tao sa gitna ng bakuran. Si Yzzy at Reid. Umihip ang malakas na hangin at ... "Achoooo~!" Nagkatinginan ang lahat tsaka sabay-sabay na tumawa. Kahit si Yzzy at Reid ay medyo na patawa din. Si Yzzy, tumawa ng mahina tsaka malungkot na ngumiti at yumuko. Si Reid naman ay tumawa sabay tingin sa taas. Pagkatapos ay nakangiting tiningnan si Yzzy. Lumapit siya dito at niyakap ang huli. "Namiss kita." sabi niya at ngumiti. Nagulat naman si Yzzy at napatulala. Hindi niya kasi alam kung magpapadala ba siya sa emosyon, which is sobrang miss na niya ang lalaking nakayakap sa kanya. O di kaya ay imemaintain niya ang kaisipang ang tatay ng lalaking ito ang dahilan kung bakit nahihirapan ang pamilya nya. Ngunit sa kaiisip niya ng gagawin ay nakaramdam na si Reid kaya humiwalay na ito sa pagkakayakap. Napayuko na lang si Yzzy upang itago ang namumuong luha sa mata na agad din niyang pinunasan. "Tutal nandito na kayo, let's start the party shall we?" sabi naman ni Tiffany na sinang-ayunan ng lahat. Ipinakilala nila si Yzzy sa grupo. "Gaano na kayo katagal na magkakakilala?" pagtatanong ni Yzzy. "Kami ni Russel nagkakilala sa Rome." simula ni Rianne. "Dun din sila nagsimulang mag-date. Hahaha!" namula naman ito sa comment ni Sunny. "Kami, nagmodel kasi si Chansel sa isang ini-endorse ko. Nagkasabay kami kaya ayun, nagkakilala." -Jessica "Simula nung nagdate si Jessica at Chansel naging close na kaming lahat." -Solenn "Oh? Eh bakit nagpakilala pa si JC samin doon sa bar?" -Yzzy "Sayo lang talaga siya nagpakilala, Yzzy. He was really checking on us that night." -Tiffany "Yeah, bagong mukha ka kasi eh." JC said as he shrugged. Naguusap-usap lang sila doon sa may table. Habang si Reid naman ay nakatayo sa may pinto at pinapanuod sila. Napansin naman siya ni Paolo kaya nilapitan niya ito. "Tol, siya ba yun?" bungad nito kay Reid na lutang. "Yeah. Pero nag-iba na siya eh." matamlay na sagot niya. "Panong iba?" "Alam mo bang patay na patay sakin yan dati? Ngayon para siyang patay." natawa naman si Paolo sa sinabi niya. "Oh bakit?" pagtatanong niya. "Kapal din ng mukha mo, Reid no?" natawa din si Reid tsaka pinalo sa balikat ang kaibigan. Nagtatawanan naman sila ng lapitan sila ni Yzzy ng nakangiti. "Hi guys." bati niya. "Hi, Paolo by the way." nag-abot naman ng kamay si Paolo. "Yzzriel. Or Yzzy." nakangiting nakipag-shake hands naman siya dito. "Nice meeting you." "Hmm, Paolo pwede ko bang hiramin sandali si Reid? Ibabalik ko din." nagulat naman si Reid sa narinig. "Sure. Sige Bro." at umalis na ito. * Reid's P.O.V Nagulat ako at the same time ay natuwa dahil sa inapproach ako ni Yzzy matapos yung cold na pakikitungo niya saakin noong una. Akala ko okay na ulit kami. Pero biglang nawala yung magandang ngiti niya kasabay ng pagkawala din ni Paolo. Naging seryoso ang mukha niya na parang nakakatakot. "Pwede ba kitang makausap, Reid? Yung tayong dalawa lang sana." yung boses niya, sobrang lamig. Hindi tulad noon na tuwing nagsasalita siya eh kahit nakakarindi, mararamdaman mo naman yung warmth ba. Anong nangyari ngayon? Tumango na lang ako. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon ko. Pumasok siya sa loob kaya sumunod ako. Umakyat lang kami sa second floor at pumunta sa pinaka dulo ng hallway. May malaking bintana doon kung saan matatanaw mo yung buwan at mga bituin. Nakatingin lang siya doon, nakatalikod sa akin. "Anong pag-uusapan natin, Yzzriel?" pagsisimula ko. "Please call me Yzzy." Sabi niya sabay tingin sa mga paa niya habang nasa likod nag mga kamay. Ang cold pa rin. "Fine, Ano ba yun Yzzy?" "Hihingi lang sana ako ng favor sayo, Reid." "Anong favor?" Hindi siya agad sumagot. "Reid, wala na sanang makaka-alam ng tungkol satin. Kung ano man yung mga nangyari noong summer. Pwede bang satin na lang yun?" Humarap siya sakin. Yung boses niya nag-iba na naman. Balik na siya sa dati. Yung boses ng Yzzy na nakasama ko ng isang buwan at kalahati. "Pero bakit?" "Kasi ... kasi ayokong malaman nila yung ... yung mga nangyari. Wala silang alam, Reid. At ayokong malaman nila. Baka kapag nalaman nila, gumawa sila ng mga bagay na ikakapahamak nila. Ayaw naman natin yun di ba?" "Ha? Syempre naman." sabi ko sabay ngiti. Ngumiti din siya tsaka lumapit sa akin at niyakap ako. Bumulong siya, pero nag-iba na naman yung boses niya. Naging malamig at walang emosyon. Na naman. "Gusto mong maging okay tayo di ba? So wag na wag ka ng lalapit ulit sakin." Matapos ang mga salitang yun ay umalis na siya. Naiwan ako doon, nakatulala at naguguluhan. * Yzzy's P.O.V Bumababa agad ako at dumiretso sa CR. Pagpasok ko, ni-lock ko agad yung pinto para walang pumasok. Whew! Grabe, kinakabahan ako kanina. Sobra-sobra na nanginginig yung mga tuhod ko habang nagsasalita. Hay, pero bakit ko nga ba sinabi yung mga salitang yun sa kanya? 'Gusto mong maging okay tayo di ba? So wag na wag ka ng lalapit ulit sakin.' Sobrang cold pa ata ng pagkakasabi ko. Nako naman kasi eh! Tinawag ko siya ng hindi ako sigurado sa sasabihin ko. Kaya nauwi tuloy kami sa usapan na yun. Kaasar! Pero okay na rin siguro yun. Atleast pagmalayo na siya, hindi nako mahihirapan gumawa ng paraan para makabawi ako sa tatay niya. Bwisit na tatay niya kasi eh. Pati lovelife ko damay. Lumabas na ako at bumalik sa party. Nang magtanong sila kung saan ako nanggaling sabi ko na number two. Hay. Kahiya. Nagpatuloy ang gabi. Napapansin ko yung mga tingin ni Reid pero tulad ng napag-usapan ay hindi niya nga ako nilapitan. Nagpunta ako sa sala at umupo sa sofa. Napabuntong-hininga na lang ako at isinubsob ang mukha ko sa arm rest. Mas okay naman to di ba? Okay lang to. "Anong okay lang?" "Na yung taong mahal ko, pinapalayo ko." "Eh bakit? "Para di ko siya masaktan. Ayokong mapahamak siya ng dahil sa bagay na wala naman siyang kinalaman." "Eh sino ba?" Ang kulit naman nito. Sino ba to? Iniangat ko ang ulo. Sobrang lapit pala ng mukha niya sakin. "Eh sino pa ba? Edi si Re...id" "Ah. Mahal po pala ako." sabi niya sabay ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD