Chapter 52 SHARINA PARA akong naiilang sa mga titig ni Reezan sa akin. Kapag nagtatagpo ang mga mata naming dalawa ay nginingitian ako. Wala akong magawa kundi ngumiti rin baka ang iisipin niya ay suplada ako. “Mukhang type na type ka ni Reezan?” bulong ni Billy sa akin. “Tumahimik ka nga Billy. Tingnan mo si Ceyda lagi siyang nakatingin sa gawi namin ni Reezan.” Saad ko kay Billy. Hayaan mong mahulog at mamaga ang mata ng impokeritang babae nayan. Pagkakaalam ko may gusto siya kay Reezan pero hindi siya gusto ni Reezan. Alam ko yan ang purpose niya na maging malapit siya sa kapatid ni Reezan para yan mapansin siya ni Reezan. Sorry na lang siya dahil ikaw ang tipo ni Reezan. Nakita ko tumayo si Ceyda nagda-dayal yata siya ng phone number at pumunta siya sa hindi maingay na area. Pag

