Chapter 79 SHARINA Nahawakan ko ang dibdib ko sa lakas ng dagundong sa takot na baka makitq na ni Mama si Rafael sa loob ng banyo. Mabuti na lang ay bahagyang dumating si Lamar. ‘‘Ma'am Shereen nakalimutan n'yo pong inumin ang gamot n'yo.” Sabi ni Lamar ay Mama buntoininga ako. “Mama ilang beses ba namin sayo sasabihin sa'yo na huwag mong kalimutan inumin ang gamot mo at kailangan mo rin matulog ng tamang oras.” Paalala ko kay Mama. Hindi nagsalita si Mama nawala rin sa atensyon niya sa loob ng kwarto at ang narinig niya na ingay sa loob ng banyo ko. Hanggang sa talikuran na ako ni Mama. Kinindatan ako ni Lamar. “Thank you,” mahinang sabi ko kay Lamar. Ilang sandali mabilis kong sinarado ang pintuan at ni-lock ko kaagad ang pintuan. tinungo ko ang banyo para tingnan si Rafael kung

