Chapter 26 SHARINA Lumaki ang mata ko ng may bumaril sa taxi sinakyan ko. Pareho kami ni Manong Boyet na lumaki ang mata at nagkatinginan kaming dalawa. “Hija, sundin mo na lang si Sir Rafael huwag mo na lang mas lalong uminit ang kanyang ulo. Baka puruhan niya ng bala ang taxi ng kaibigan ko wala akong perang ibili ng bago.” Sabi sa akin ni Manong. “Si Rafael po ba nagpaputok ng baril Manong?” tanong hindi pa nakasagot si Manong nakarinig ako ulit ng putok ng baril. “Ang gulong yata ang binaril ni sir Rafael.” Sabi ni Manong nilingon niya ako. Nakiusap si Manong sa akin na lumipat na ako sa sasakyan ni Rafael. Bumuntong hininga ako at sinabihan ko si Manong na lilipat na sa sasakyan ni Rafael. Kung hindi lang ang taxi ng kaibigan ni manong ang pinag-iinitan ni Rafael ay hindi ko s

