Chapter 50 SHARINA 5 YEARS LATER… “Ate kailan n'yo balak na umuwi ng Pilipinas huwag mong sasabihin na d'yan ka manganganak sa Paris?” tanong ko kay ate. Kahit alam ko naman sa Paris niya na manganak. “Dito nga dapat sa next week ay dito na kayo ni Mama.” Sagot niya sa akin. Kung nasa tabi siguro ako ngayon ni ate ay sigurado na kinurot na niya ako. At namumula rin ang kanyang pisngi kapag binibiro ko siya na hindi ako sasama sa Paris dahil hindi ko pwedeng iwan ang restaurant ko. “Sharina huwag na yan huwag lalabas d'yan sa bibig mo na hindi ka darating dahil malilintikan ka talaga sa akin.” Banta ni ate Cynthia sa akin. “Wala akong sinabi Ate, overthinking is real talaga sayo.” Sabi ko. Nang marinig ko ang boses ni Kuya Stephen ay nagpaalam na ako kay ate sa linya. I can't be

