Chapter 14 SHARINA Ilang minuto ako nakatayo at hawak-hawak ko ang labi ko na hinalikan ni sir Rafael. Akala ko kanina lalong idiin ni Sir Rafael ang labi niya sa labi ko. Sa totoo ay nagustuhan ko ang paghalik sa akin ni Sir Rafael. Ganito pala ang pakiramdam ng may humahlik sa labi, nakagat ko ang labi ko at napalunok ko. Parang uminit din ang labi ko pakiramdam ko namamaga ang labi ko. “Salamin!” bulyaw ko sa sarili ko at humanap ako ng salamin. Nang may nakita ako na salamin ay tinitigan kung mabuti ang labi ko hindi naman ito namamaga. Nararamdaman ko pa rin ang mainit na labi ni Sir Rafael. Masarap pala ang labi ni Sir Rafael, napapangiti ako sa harapan ng salamin at naiimagine ko si Sir Rafael na hinalikan niya ang labi ko. “Sir Rafael paano ako ngayon makatulog sa paghalik m

