Chapter 64 SHARINA Nakatingin lahat ng tao sa loob ng restaurant sa ginawa ni Rafael kahit di Tita Roberta ay nagulat sa pangyayari. ‘‘Excuse me po.” Magalang na paalam ko sa ina ni Reezan. Nilapitan ko ang waiter na si June dahil nakikita ko sa mukha niya ang takot, kaba at medyo namumutla ang kanyang mukha. “Ma'am Sharina wala po akong ginawa Hindi ko alam Kung paano nabitawan ni Sir ang ang kanyang hawak na champagne.” Malungkot na boses ni June. “It's fine bumalik ka na sa trabaho mo at tumawag ka ng maglinis n ng natapon ns champagne." Sabi ko agad naman siya pumayag sa utos ko. Nilingon ko si Rafael na parang wala lang sa kanya ang nangyari tinawag niya ang isang waiter at kumuha ulit ng bagong kopita ng champagne balak niya yata maglasing. “What's going on here?” tanong ni

