Chapter Three
NOONG matapos kaming magluto ni Popoy at lumabas siya dahil tinatawag siya ng mga boys ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Hindi ako makakilos if nasa malapit lang siya.
Dati naman ay hindi siya ganito kumilos pagdating sa mga bagay bagay. Pero hindi ko rin maiwasan ang matuwa dahil sa nangyayari. I don't know but I find it okay. Kinikilig pa nga ako. Ano ba kase!
Siguro ay nagpapalit na ang mga 'yon dahil pupunta sila mamaya sa gym para mag-practice ng passing at shooting nila. Medyo kinakalawang na raw kase sila sabi ni Paps. Aba ewan ko ba kay Paps. Pero sa totoo lang malalakas sila. Undefeated champions ba naman. Kaya siguro puspusan din ang pagtre-training nila.
"Uy alis na kami papuntang gym."
"Ay potek!"
Kamuntikan ko ng maibato ang platong hawak ko sa kung sino man ang biglang nagsalita sa likuran ko. Busy kase ako sa paghuhugas ng mga nagamit namin kanina sa pagluluto.
"Hoy grabe ka naman bro," nagkakamot sa ulong sabi ni Jerome. Oo, memorize ko na mga pangalan nila. Ikaw ba naman palagi ko silang nakikita at nakakasama. Talagang mamememorize ko na.
"Ginulat mo 'ko brad. Sige sige. Susunod nalang ako or baka hindi na," sabi ko nalang para di na madaming satsat. Madaldal kase yan.
Hindi na ako nakarinig ng salita at tanging paglalakad nalang niya paalis ang narinig ko. Napabuntong hininga ako. Tinapos ko ang paghuhugas at wala sa sariling napasandal sa lababo.
Paano ba mag confess? Teka kapag nag confess ba ako one hundred percent sure bang hindi ako mare-reject? I mean diba, medyo close na kami ni Popoy. Teka, close na kami right? Well, parang...
"Hays baka naman nag-a-assume na naman ako. Baka nga walang gusto yung tao saken eh. Baka nga friendly lang."
"Sino?"
"Ay friendly!"
Bakit ba palagi akong nagugulat ngayon!
Napatingin ako kay Popoy na may hawak na face towel. Nakasuot na siya ng jersey niya sa school last year. Well every year kase nagpapalit sila ng uniform. Ang kanyang headband ay nakalagay na rin sa kanyang ulo kaya naman ang kanyang buhok ay medyo magulo pero keri naman. Hindi naman dugyot tignan. Ang gwapo niya kaya! Hindi ako bias ha. Gwapo talaga siya. May suot na rin siyang kneepads at supporter sa may siko.
"Wala lang. Tungkol lang sa istoryang isusulat ko. Hehe," alanganin kong sabi bago nag-iwas ng tingin. Sa susunod nga ay hindi na ako magsasalita. Bakit ko ba kase kinakausap ang sarili ko eh! Ah kase wala akong makausap. Ayoko rin naman ikwento to muna kay Kath. Baka ilaglag ako nun.
Tumango lang siya bago ituro ang pinto. Tinanguan ko lang din siya at kasabay nun ang pag-alis niya.
My ghad. You almost got caught Miles!
"ITADAKIMAS!"
Ang boses ni Ares ang umalingawngaw habang nasa hapag kainan kami. Pagkatapos nilang mag practice ay para silang mga patay gutom na nagtakbuhan sa kusina. Hindi ko naman sila masisisi alas nuwebe na kasi. Nasobrahan ata nila ang mag practice. Hindi na rin naman ako nagpunta sa gym. Alam kong kaya na nila yon.
"Ay ang takaw. Halatang patay gutom."
"Hala ang daldal. Halatang bungangero."
Napailing nalang ako kasama ang iba pang mga players. Ganyan na ganyan na talaga ang ganap lalo na kapag kumakain kami. Sanay na sanay na kami.
"Diba bonfire mamaya? Wag kang lalapit sa apoy ah. Baka di kita mahalata," sabi pa nung isa. Natawa nalang kaming lahat. Hay nako ang ingay ng mga itlog.
Everytime kase na dito sila natutulog ay nagbo-bonfire kami. Nagtatayo din sila ng tent at doon sila natutulog. Pero syempre ibang kaso kapag may ulan na. Sa loob naman sila pinapatulog ni Paps if ganon.
"Yung mga tent ba naayos niyo na?"
"Yes Captain!"
BUSY ako sa pagbubuhat ng mga marshmallows tapos sa kabilang kamay ko naman ay ang mga hotdogs na nakalagay sa isang container na pula. Tupperware pa nga to eh. Para silang mga bata dahil ganito ang trip nila. Well gusto nila yan eh. I can't do anything about it anymore. Besides, it's their money not mine.
"Tulungan na kita dyan," hindi na niya ako hinintay pang magsalita at kinuha ang container ng hotdogs sa kamay ko. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi naman malayo kung nasaan ang bonfire pero bakit kapag kasama ko si Popoy bakit feeling ko ang layo pa?! Hay nako naman.
"Miles puwedeng magtanong?"
Gusto ko sanang isumbat na nagtatanong na siya pero baka hampasin niya ako. Kaya naman sinagot ko pa rin siya.
"Oo naman. Ano yun?"
"May crush ka ba sa school?"
Kumabog ang dibdib ko and I swear sobrang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napatigil ako sa paglalakad. Mabuti na lamang at nasa unahan si Popoy kaya naman hindi niya nakita kung paano ako tumigil at nagulat.
"Ha? A-ano ba namang klaseng tanong yan... hehe.."
Bakit ba 'ko nauutal? Ano ba Miles! Kumalma ka nga!
"Wala lang. Tinatanong ko lang. Ako kase ang nag-aalala sayo. Baka yung bola ng basketball ang maging jowa mo eh," aniya tapos tumawa ng malakas. As in super lakas to the point na narinig ng ibang itlog at nagsilapit para makichismis! Mga chismoso!
"O-oy grabe ka naman. Hindi ah. Hindi lang talaga sumagi sa isip ko ang magkaroon ng crush or jowa. Ball is life to tol!" tuloy tuloy kong sabi para maitago ang kabang nararamdaman ko.
Shít, shít, shít, shít! What the eff talaga!
"Bakit anyare master?"
"Wala. Chismoso! Tara na nga!"
Ako na ang naunang naglakad at nilagpasan ko na sila. Ni hindi ko na nga narinig ang mga pinagsasabe nila dahil mabilis akong naglakad palayo.
Bakit ba kase bigla bigla siyang nagtatanong ng ganon? Magiging honest ba ako sakanya? Anong isasagot ko? Sasabihin kong siya ang crush ko? Teka mali, sasabihin kong siya ang mahal ko? Edi nagulat din yon!
Nilapag ko sa mesang maliit ang marshmallows. Kinuha ko rin ang mga sticks na nasa gilid. Huminga ako ng malalim. Ilang ulit ko pa iyon ginawa.
Akmang aalis na sana ako para kunin kay Popoy ang mga hotdogs noong nilapag niya ang container sa mesa. Gaya kanina, pilyo at nakangisi pa rin siya. Halatang nang-aasar. Inismiran ko lang siya bago ngumuso.
Hindi kami nagsasalita pareho dahil busy kami sa pagtusok ng hotdogs at marshmallows. Noong nasa ika-huling piraso na ako ay tumikhim siya kaya napatingin ako sakanya. Tinigil ko muna yung pagtutusok.
Hindi na siya nakangiti ng pilyo ngayon pero halata pa rin ang kakulitan sa mga mata niya. Nakatingin siya sa akin ng diretso and I swear to God tinatagan ko ang sarili ko para lang makipagtitigan din sakanya at para hindi mangisay at kumurap.
"Ako rin tol wala pang crush. Ball is life eh. Mas importante ang basketball kesa sa crush or girlfriend," nakangiti siya habang sinasabi niya yon. Ang kanyang mga mata ay nagniningning palatandaan na sobrang mahal nga niya talaga ang basketball.
Nginitian ko siya at hindi na nagsalita bago ibinalik ang atensyon sa huling marshmallow na itinusok ko sa stick.
Gaya ng marshmallow na natusok sa stick, parang may stick ay mali, parang may kutsilyong tumusok sa puso ko.
Ouch