PROLOGUE
“TRUTH to be told I was once a tomboy because I am the only child of a single father who in all ways raised me and given me my needs until I become like this—a strong brave woman, standing in front of you.”
Ito ang unang bahagi ng kanyang talumpati habang nakikinig ang lahat sakanya.
Ang kanyang mahabang buhok noon ay hanggang balikat nalang niya ngayon. Hindi na rin ito itim at kinulayan na niya ito ng dark brown.
Ang bawat paggalaw ng kanyang labi habang nagsasalita ay nagpapangiti sa akin. Ang kanyang matang punung-puno ng saya at sobrang proud pa habang nagsasalita ay hindi nakakasawang pagmasdan.
Napaka ganda niya. Sobrang ganda niya talaga at hinding hindi yon magbabago.
Ilang taon ko na ba siyang hindi nakikita at nalalapitan?
Tatlong taon?
Hindi.
Limang taon.
Limang taon na ang nakalipas pero siya pa rin.
Nang malaman kong siya ang may pinakamataas na marka sa lahat ng magtatapos ngayong taon ay hindi ako nagdalawang isip na panoorin siya.
“Ano master? Umiiyak ka na ba? Kailangan mo tissue?” binatukan ko si Ares na nasa gilid ko.
“Tumahimik ka. Nakikinig ako ng mabuti,” sita ko sakanya bago ibinalik ang tingin sa harapan kung nasaan ang pinaka magandang babae sa buong buhay ko.
“Today, we celebrate the success of our efforts. Today, after all these years of education, the seed of our eagerness have borne fruit.”
Tumigil siya saglit sa pagsasalita at pinunasan niya ang kanyang mga magagandang mata. Bago nagpakawala ng isang hininga.
Muli siyang nagsalita at parang tumigil ang mundo ko noong nagawi ang tingin niya kung saan ako nakatayo. Pero mabilis akong umiwas.
“Master! Lumingon siya rito!” inalog-alog ni Ares ang balikat ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang tao.
“Tumahimik ka nga Ares! Ang ingay ingay mo,” masungit at seryosong sita ni Loki sakanya.
Hindi ko sila pinansing dalawa at mas itinutok ko pa ang atensyon ko sakanya.
Nakita niya kaya ako? Nahalata niya kaya ako?
Yan ang mga katanungang nasa isipan ko habang patuloy na pinagmamasdam ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko.
Hindi naman ako natatakot na makita niya ako pero alam ko ring hindi pa ito yung tamang pagkakataon para magkita kaming muli. Gustong gusto ko na siyang lapitan at yakapin ng mahigpit pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Para sakanya.
Para sa ikabubuti niya.
Kahit pa masakit ay gagawin ko para sakanya.
“It makes me wonder how we’ve come to this stage of life, all of our experiences here in MU. We’ve had our fair share of friendships and triumphs. Making friends, getting lost in unfamiliar places, failing a test,” natatawang sabi niya at napuno rin ng tawanan ang buong stadium.
Rinig na rinig ko ang tawanan ng iba pero mas nangibabaw pa rin ang tawa niya. Ang sarap pakinggan ang mga tawa niya.
“Receiving help in times of need, giving help to those in need, falling in love, getting heart broken,” pumiyok ang kanyang boses at para may isang daang karayom na tumusok sa puso ko noong marinig ko yon. Mabilis ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga namumulang pisngi.
“Recovering and moving on, struggling to keep up with the challenges of life and enjoying every moment of it. College life is really indeed a roller coaster ride for all of us. But now that I am standing in front of you and wearing my best outfit, I can say that all those efforts, every blood, sweat and tears were well worth it. And I just want to take this opportunity to thank someone…”
Parang gusto ko nalang siya puntahan at lapitan para punasan ang mga luhang namamalisbis sa kanyang pisngi pero alam ko sa sarili kong hindi puwede. Hindi pa puwede.
“And he is someone that you know. His name is the one that we used to shout during basketball tournaments may it be elimination round or in the finals. And he is someone who made feel special. He made me feel the real meaning of love but eventually made me feel broken. He is not my father if that’s what you all thinking.”
Biglang napuno ng bulungan ang buong paligid.
Ang bilis ng t***k ng puso ko at para akong natamaan ng kidlat dahil napako ako sa kinatatayuan ko.
“He is my love… and only love… until now,” pumiyok ang kanyang boses at tuluyan na siyang napahagulgol. Binigyan siya ng tissue ng isang guro.
Parang gusto ko na talaga siyang puntahan pero hindi ako makagalaw. May kung anong namuo sa lalamunan ko na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
“He is my MVP, the one and only Popoy Castillo.”
End of Prologue.