Step Three

1518 Words
Lumakad kami palabas ng university para pumunta sa bus stop. Nag-aya kasing manuod ng movie ang mga college friends ko dahil free cut namin at wala namang masyadong gagawin para sa acads. "Sa ordinary bus na lang tayo sumakay," pahayag ni Ann habang naglalakad kami sa footbridge papunta sa kabilang bus stop. Medyo puyat pa ako dahil sa pag-attend namin ng barkada sa debut ni Fritz kagabi pero magtatampo sa akin ang mga college friends ko kung hindi ako sasama. Isa pa, wala namang bonding ang barkada ngayon para sa birthday ni Kiel dahil aalis daw sila ni Leanne kaya free ako. "Hay nako, Ann! Ang init-init kaya, mausok pa 'pag sa ordinary. Takpan mo na lang ang ilong mo sa byahe para hindi mo maamoy," maarteng sabi ni Cip. Sa unang tingin, hindi mo iisipin na bakla siya dahil lalaking-lalaki ang tindig niya. Pero sa oras na magsalita na si Cip at mag-inarte, babaeng-babae na. "Pagbigyan mo na," sabi naman ni JP sabay akbay kay Ann. Nag-high five pa silang dalawa at umirap lang si Cip sa kanila. Tumawa naman kami dahil alam naming nag-i-inarte lang ang kaibigan namin. Pagkalipas ng ilang minuto, may dumaan nang dalawang bus. Isang ordinary at isang air-conditioned. Dahil hindi kami nagkasundu-sundo, nahati ang grupo. Kami nina Ann, Lyn, Quincy, Mikee, Trixie, James at JP, sa ordinary sumakay. Sina Cip, Yza, Wendy at Dian, sa air-conditioned. "Hoy mga haliparot! Teka lang! Mag-ordinary na lang din kami!" sigaw ni Cip habang bumababa sila sa bus na sinakyan nila. Tawa ako nang tawa habang nag-pa-panic silang humabol. "Arteng-arte ka na naman kasi, baks! Sasakay rin pala," sabi naman ni Lyn habang naghahanap sila ng vacant seats. Sa halos two years na pagiging blockmates namin, nasanay na kami sa ingay, kalokohan at kaartehan ng isa't isa. Mas naging close rin ang klase namin kaya lumaki ang grupo namin. Maingay ang mga kaibigan ko sa bus nang makahanap na kaming lahat ng seats. Sumilip naman ako sa bintana at natigilan ako nang makita ko ang air-conditioned bus na sasakyan sana nina Cip. Tanda ko 'yon dahil balot ng pulang sticker ang buong bus na may design ng isang pasta brand. Nagtinginan sa akin ang mga college friends ko at ang mga pasahero nang magsimula akong tumili. "AHHHH! ‘YUNG ARTISTA NA CRUSH KO!" Kilig na kilig ako habang itinuturo ko ang sticker sa likod ng bus. Bumilis ang takbo ng bus na sinasakyan namin kaya nakatapat ko sa bintana ang pasehero ng kabilang bus. "AY s**t! OH MY GOD, GUYS! MAS CUTE 'YONG NASA LOOB NG BUS!" "Oo nga, Aly!" sang-ayon ni Lyn sa tabi ko na nakahaba na ang leeg dahil dinudungaw rin niya ang lalaki sa tapat ko. "Kung d'yan pala tayo sumakay, edi sana nasa iisang bus lang tayo kasama siya," duktong niya pa. "Sabi ko sa inyo, eh!" sabi naman sa amin ni Cip. Lumingon siya sa bintana at bigla siyang umirit sa likod ko sabay yugyog sa balikat ko nang mapagmasdan niyang mabuti ang lalaking na tinitignan namin. "Ang gwapo nga! Chinito!" "Schoolmate natin, guys! Tignan niyo ang logo sa uniform niya, logo ng SU. And 'yong lanyard niya. Gano'n ang lanyard ng Med Tech students sa school natin, 'di ba?" I pointed out. Lalo kaming nagtilian dahil sa sinabi ko. Ibig sabihin, may posibilidad na makasalubong ulit namin siya sa university. "Para kayong mga sira," nakatawang sabi ni James. Napailing pa sila ni JP habang pinapanuod kami. Hindi naman nila kami masaway kaya hinayaan na lang nila kami. "Hi, kuya!" sigaw ni Dian kahit hindi naman siya maririnig sa kabila dahil sarado ang bintana. Kumaway pa siya nang tumingin sa amin ang chinitong lalaki na nag-iwas din agad ng tingin. Akala ko nga, naiinis na siya sa amin at baka isara na niya ang kurtina ng bintana pero nakita kong ngumiti siya kaya hinampas ko agad si Cip. "Oh my god! He smiled at me! Soulmates na kami!" "Masakit!" maarteng saway ni Cip sa akin bago niya ako sinabunutan. "Dahan-dahan sa pag-a-assume, friend. Masasaktan ka lang," duktong niya pa at inirapan ko naman siya. "Hindi ko naman i-bo-boyfriend! I just find him cute," depensa ko. "Aly! Ipakita mo 'to sa bintana," utos sa akin ni Quincy sabay abot ng paper na may nakasulat na number ko. "Oh my gosh! Teka, teka!" Dahil sa pag-i-inarte ko, nalagpasan na ng bus namin ang bus na sinasakyan nung lalaking chinito. "Ay hala, wala na..." nanghihinayang kong sabi habang nakatanaw sa bintana. "Manong, pakibagalan naman po," biro ni Lyn sa driver kaya nagtawanan kami. Inis na inis na sa amin ang konduktor at kanina niya pa kami sinasaway pero talagang ayaw namin papigil. Tuwang-tuwa naman ang mga pasahero habang nanunuod sa ginagawa namin. "Guys, ito na ulit!" excited na tili ni Yza habang traffic. Tumapat ulit sa gilid ko 'yong lalaking chinito kaya nagtititili na naman kami. "Baka 'yan na ang kapilit ni Kiel, puks. Sulitin mo na!" sabi pa ni Lyn at sabay naman kaming kinilig. Kilala ng mga college friends ko si Kiel dahil bukambibig ko siya hanggang sa university. Nakita na rin nila si Kiel in person dahil present silang lahat noong debut ko at alam nilang siya ang seventeenth rose ko. "Itaas mo na 'yang number mo. Sayang ang pagkakataon!" pangungulit sa akin ni Ann at natatawa akong umiling. "Nahihiya ako," sabi ko pa kaya inagaw ni Cip sa akin ang paper na hawak ko at siya na ang nagtaas nito. Mabilis na umandar ang bus na sinasakyan ng lalaking chinito kaya hindi na niya nakita ang pagtataas ni Cip ng phone number ko. Halos lahat kami sumilip sa bintana para tignan kung mahahabol pa ba ang bus pero mukhang malabo na talaga. Mabilis na kasi ang biyahe kaya dire-diretso na ang naging takbo ng mga sasakyan. "Wala na! Sayang," nanghihinayang na sabi ni Wendy. "Oo nga, eh. Soulmate pa naman ni Aly 'yon," sabi pa ni Mikee. "Okay lang, guys. Hanapin na lang natin sa school. Schoolmate naman natin, 'di ba?" suggestion ni Trixie. "Love at first sight ba, Aly?" nanunuksong tanong ni JP sa akin dahil nakasilip pa rin ako sa bintana kahit malayo na bus sa amin. "Crush at first sight lang. Ang gwapo kaya," pag-amin ko sa kanila. "Crush lang naman. Marami naman akong crush," nakatawa ko pang sabi. Hanggang sa pagbaba ng bus, tinutukso pa rin ako ng mga kaibigan ko. Baka raw makita namin dito sa mall ang lalaking chinito kanina dahil pareho ng destination ang bus namin at ang bus na sinakyan niya. "Baka pauwi na 'yon," sabi ko naman habang bumili sina JP at James ng tickets at snacks namin para sa movie. "Ang nega mo naman. 'Wag gano'n," saway sa akin ni Wendy na may kasama pang hampas sa braso. "Kaya nga. Malay mo naman makita ulit natin," dagdag pa ni Trixie. "Tama na 'yan, guys," nakatawang saway sa amin ni James nang makabalik siya galing sa pila. "Move on din tayo 'pag may time," sabi niya pa sa amin sabay abot ng tickets. Si JP naman ang may dala ng mga snacks at drinks. "Halika na. Manuod na tayo," aya ni Cip sa amin kaya pumasok na kami sa movie theater. Halos dalawang oras ang itinagal ng movie kaya dumaan muna kami sa isang Japanese restaurant para mag-dinner bago umuwi. Naghiwa-hiwalay na rin naman kami pagkatapos kumain dahil masyado na kaming gagabihin sa daan. Sina Cip, Trixie, James, at Lyn lang naman ang naka-dorm sa aming magkakaibigan. Uwian pa rin kami ng iba araw-araw kaya may mga hinahabol kaming oras sa kanya-kanya naming terminals. "Garden! Garden! Bocaue exit!" rinig kong sigaw ng konduktor sa terminal ng bus nagmamadali akong tumakbo. Naghiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko dahil iba-iba ang sinasakyan namin pauwi. "May upuan pa?" tanong ko at umiling naman ang konduktor na nagtatawag din ng pasahero. Disappointed ako sa narinig ko dahil ayokong-ayoko na tumatayo sa bus. Forty minutes to one hour din ang biyahe ko pauwi kaya mas okay sa akin kung may seat pa ako para makapagpahinga sa biyahe. Nagdesisyon ako na 'wag munang sumakay at sinubukan kong maghintay ng mas maluwag na bus para makaupo ako pero mas puno pa ang bus na sumalubong sa akin. Wala na akong choice kung hindi sumakay sa unang bus. At least, hindi masyadong masikip dito kahit standing. "Uh, excuse me po," sabi ko habang nakikisiksik sa mga pasahero. Sa may bandang likod ako pumunta para hindi ako masyadong madaanan sa harap. Humawak na lang ako sa isang upuan para hindi ako ma-out of balance sa biyahe. "Miss, dito ka na," sabi ng lalaki sa likod ko sabay kalabit. Ngingiti na sana at magpapasalamat pagkatapos kong maupo pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya. s**t! "Uhm... salamat," mahina kong sabi at pilit kong itinago ang mukha ko para hindi niya ako makilala. Nakakahiya! Baka maalala niya ang kahihiyang ginawa ng mga kaibigan ko kanina sa bus kaya panay ang yuko ko at agad kong kinuha ang phone sa bag ko para mag-send ng group message sa mga kaibigan ko. Me: Guys! Kasabay ko sa bus 'yong lalaking chinito kanina. Soulmates kami! Napasinghap ako nang muli niya akong kinalabit at dahan-dahan ko siyang hinarap habang naniningkit ang mga mata niya na para bang kinikilala ako. "Hey... you look familiar," sabi niya pa at ngumisi siya nang kumunot ang noo ko. "You're the girl on the other bus, right?" Nag-a-alangan akong ngumiti sa kanya at napalunok na lang ako para itago ang kahihiyang nararamdaman ko. OH. MY. GOD. He remembers me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD