Simula

1069 Words
[ Warning: Typos & Grammatical errors a head] ---------- Malamig na hangin ang sumalubong sa akin sa paglabas ko ng aming bahay buti na lang ay naka suot ako ng jacket kaya hindi ako masyadong nilalamig. Wala pa si mama kaya naman ay bibili muna ako ng chocolate sa mini store sa kabilang dako ng eskeneta dahil nag ca-crave ako. Mabilis akong pumasok sa loob ng store. "Magandang gabi Ma'am" nginitian ko ang guard at bumati pabalik dito. Matapos kung bilhin ang mga gusto ko ay binayaran ko na ito sa counter at agad na nilisan ang lugar. Bitbit ang isang supot na plastic ay naglakad ako pauwi, napadako ang tingin ko sa relo na nasa kanang kamay ko 8pm na pala baka naka uwi na si mama o baka naman overnight ito sa trabaho. Ilang ulit ko na itong sinabihan na huwag mag pakalunod sa trabaho ay hindi ito nakikinig gusto niyang bigyan ako ng magandang kinabukasan kaya nagsumikap siya muli noong bawiin sa amin si papa. Ramdam ko sumikip na naman ang dibdib ko sa isipang iyon kaya naman ay iwinaglit ko na lamang ito at binilisan pa ang paglalakad. "Argghh p-parang a-awa n-yo n-a...s-pare my l-life plss - arghhh!!!" "Ano boss papatayin na ba ito?" "Mas magandang tuluyan na ito boss walang kwenta ang traydor na ito!" Napatakip ako saking bibig nang marinig ko ang mga boses na iyon. Mabilis akong nag tago sa isang malaking puno upang hindi nila ako makita. Parang kabayong kumakabog ang dibdib ko sa kaba, alam ko kung anong ginagawa nila. Sumilip ako sa pinagtataguan ko at tama nga ang hinala ko, nakita ko ang isang grupo ng mga taong nakaitim na may mga baril na dala-dala pinapalibutan nila ang isang lalaking naka business suit na nakaluhod sa simentadong kalye habang puno ito ng pasa. Hindi ko alam kong ano ang gagawin tatawag ba ako ng pulis o hindi kung bakit ba naman kasi ang malas ko sa gabing ito. Hindi naman pwedeng basta basta nalang akong aalis dito. "Per favore, signore Amari, risparmiami la vita, mi pento di averti tradito!" "Chiudi il becco! Uccidi quel fottuto bastardo! e pulire il disordine.." Napaigtad ako ng marinig ang at ma-uturidad na boses na iyon. Napatingin ako sa taong iyon mas domuble and kaba sa aking dibdib dahil sa awra nito. Alam ko na sa oras na ito na nanganganib ang buahy ko hindi ito basta basta, ramdam ko ang malaking tao itong kinalaban ng lalaking nakaluhod. Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya pero alam kung hindi maganda iyon. Pigil hininga ako nang kalabitin ng isa ang kanyang baril at itinutok ito sa lalaking. "No!No! Plss spare my life- Ackkk!" Napatakip ako saking bibig muntik na akong mapasigaw sa nasaksihan. Nanlaki ang mata ko at mabilis na nagtago ng biglang lumingon sa gawi ko ang lalaking tinatawag nilang boss. That face! Familiar ang mukha n-niya pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita. Wala na akong sinayang na oras at mabilis kong iniapak ang paa ko sa lupa at tumakbo ng matulin dahil ramdam kong may papalapit sa gawi ko. "Ma!" Hingal na hingal akong huminto sa harap ng bahay namin sakto namang dumating si mama. "O, anak ok ka lang ba? Anong nangyari sayo at ganyan ang hitsura mo tumakbo kaba? Gabi na Karina ba't lumabas ka pa." "Ha- ah wa-la Ma, may binili lang ako at nag jog-jogging ako pauwi pa-ra ano exercise naman ng konti." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nakita ko baka mapahamak pa si Mama ayokong mawala siya. "Hay naku, ikaw talaga o siya sige halikana sa loob at nang makakain na tayo. Teka kumain kana ba?" "Tapos na po akong kumain ma, nagluto po ako ng sinigang baboy may marami pang natira kumain kana diyan ma alam kung pagod po kayo sa trabaho buti nalang hindi kayo nag overnight." Aniya ko dito sabay bukas ng ref at doon ko inilagay ang chocolate at iba pang binili ko buti na lamang ay hindi ko ito na bitawan habang tumatakbo kanina. "Oo nak hindi na ako nag overnight pa dahil sobrang inaantok na ako gusto kung matulog ng maaga baka bukas na lang ako mag overnight sa trabaho." "Ma naman wag ho kayong magpapagod pa baka ay mapano kayo ayokong magkasakit kayo Ma, sabi ko naman sayo ay ako na lang ang maghahanap ng trabaho para satin." Angil ko. "Anak, hindi pwede kailangan mong mag tapos sa pag-aaral. Gusto kong magkaroon ka ng magandang kinabukasan Karina." "Pero Ma-" "Walang pero pero Karina mag-aral ka ng mabuti at ako na ang bahala dun." Pinal na saad nito kaya napa buntong hininga na lamang ako't ibinigay sa kanya ang pagkain. "Ok Ma, sa kwarto na ako matutulog na ako ma maaga pa kasi ang pasok ko bukas." Lumapit ako dito at humalik sa pisngi nito. "Goodnight Ma" "Goodnight din Nak, matulog ka nang mahimbing." Napahawak ako sa aking dibdib pagkapasok ko sa aking silid hindi parin nawawala ang kaba. Ramdam ko parin ang malamig na titig nito kanina hindi ko alam kung nakita ba niya ako o hindi. Paikot-ikot ako saking higaan nahihirapan akong matulog sa isipang nakasaksi ako ng isang krimen ngunit hindi man lang ako tumawag ng tulong sa takot na baka patayin din ako ng mga armadong taong iyon. --------- "Boss, hindi ba namin hahabulin ang taong iyon? Nakita niya ang ginawa natin?" Inis na mungkahi ng isang tauhan niya ng hinayaan lamang niyang makatakas ang mapangahas na taong nakasaksi sa krimens. "Don't f*****g command me bastard if you don't want to lose that head of yours!" Matigas nitong bigkas at pinukolan ng malamig na titig ang mga tauhan na napapalunok na lamang. "Do not f*****g touch her! It's my order, she's mine!" Aniya. "Pero boss-" Bangggg!! Isang putok ang umalingawngaw sa paligid kasabay noon ang pag bagsak nito sa simentadong kalye. "Disobey me then I will blow each f*****g head of yours remember that!" Pagkatapos ay tumalikod na ito habang ang mga tauhan naman ay walang magawa kundi panuorin ang kasamahang wala ng buhay. Alam nilang halimaw magalit ang kanilang boss ngunit sinasagad parin ng kasamahan nila kaya naman ay tingin nilay bagay lang dito ang nangyari dahil masyado itong paki-alamero sa mga disesyon ng kanilang boss. Pero lahat sila ay napapaisip kung sino at bakit hinahayaan nitong makatakas ang taong nakasaksi sa kanila. [Note: I will update every weekends, thank you!]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD