Tulala akong nakaupo sa unang klase ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng guro namin umiikot parin sa utak ko ang nangyari kagabi. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan
Una akala ko si Diego lang iyon na pinagtritripan ako pero nung makasalubong kami kanina ay nag sorry ito sakin dahil nakaligtaan niyang mag send ng goodnight message sakin. Napasapo na lang ako sa noo ko, Sino naman kaya iyon.
"Wuyy gurl, Karina back to earth!"
Haysttttt
"Halerrrr? San naman napadpad yang utak mo hah?" kunot noo akong napatigin dito.
"What?"
"Anong what ka jan, kanina kapa tulaley. Sino ba yang iniisip mo boylet ba?" napakamot mukha na lang ako.
"Wala masakit lang ang ulo ko kulang sa tulog," aniya ko at binalik ang tingin sa harap tsk ngayon ko lang napansin na wala na pala ang first sub namin. Ganun ba ako katagal nakatulala.
Napasubsub na lamang ako sa armrest at hindi na pinansin ang pagdaldal ni Zane. Sumasakit ang ulo ko. I need to take a nap habang wala pa 2nd sub namin.
Nakaramdam ako ng antok pero maya maya lang ay napakunot noo ako ng tumili ang mga kaklase ko na tila pa nilagyan ng asin ang mga singit nila nakakabasag eardrums. Kainis gusto kong matulog eh!
"O to the M to the G...nasa kabilang room si Mr. Almari,"
"The fvck I'm gonna die! I'm gonna die!"
"Goshh where's ma lipstickbitch?!"
"Omayy ghadd ma perfume b***h, where it is?!"
"Oh, shutappp b***h!"
What the?? Ano bang nangyayari sa kanila!
"Shittt Karina nandiyan na si Mr. Almari gurl?" impit na tili naman ni Zane hinampas hampas pa nito ang balikat ko.
"Stop it," winaksi ko ang kamay nito pero ang bruha ngumuso lang.
Napa face palm nalang ako dito.
Natahimik ang lahat ng biglang pumasok si Ms. Kim ang 2nd subject namin at hindi lamang ito nag-iisa may kasama itong lalaki...biglang nagsitahimik ang mga kaklase ko pero ramdam kong nagpipigil lamang sila.
But waittt siya ba? Ang lalaking sinasabi nila I guess siya nga pero ang intimidating ng aura nito.
"Okay class, this is Mr. King Hadrianus Almari, the owner of our school,"
O my ghaddd
Kyahhh ang gwapo niyo po!
Sheyyytttttt
"Class quite and kindly great Mr. Almari," madiing usal ni Ms. Kim na nagpatahimik ng lahat.
Nakayuko lang ako dahil kanina ko pa napapansin na sakin nakatingin si Mr. Almari at hindi ko alam kung bakit. May kakaiba ang tingin nito madiin tila ba hinahalungkat nito ang pagkatao ko. Ngayon ko lamang siya nakita dahil bagong salta ako dito at impossibleng kilala ako nito.
"Good Morning Mr. Almari, Nice to meet you again," sabay na bigkas nilang lahat ngumiti naman ng peke si Ms. Kim, I know her masyado itong masungit at mapagkunwari.
Napalunok akong muli ng magtama ang mata namin. Pero hindi ako nagbawi ng tingin dahil wala namang masama dub baka akalain niyang dini-disrespect ko siya.
"Good Morning too everyone, I hope you are all doing good," impit namang napatili ang mga babae kesho daw ang ganda ng boses nito, malamig at sexy daw pakinggan. Napangiwi nalang ako.
Sinamaan ko ng tingin si Zane nang kurutin nito ang tagaliran ko, kinikilig ang lola niyo laki pa ng ngiti nito. Tsk!
"I guess you are already know me, and for those who doesn't still know who I am," napatigil ako nang muli itong tumingin sa gawi ko, his gray eyes are intimidiately looking at me. "I am King Hadrianus Almari, the owner of this school, and I am grateful to meet all of you, I visited here to check the improvement and your situation but I guess there is no regret of you to enroll in this school. Thank you for that students, I hope you enjoy this whole semester," mahabang lintaya nito ngumiti ito nang bahagya, napapaiwas ako ng tingin dahil hindi talaga ako nilulubayan ng mga mata nito and I don't know why.
"Gurrrl nakita mo yun, he's looking at me!"
"Loka-loka are you blind? Sakin kaya siya nakatingin duhhh,"
"Tsk feeling mo rin noh,"
"Mas feeling ka,"
Rinig kong nagtatalo sila sa likuran ko. Pero hindi ko na ito binigyang pansin dahil sa kakaibang tingin na binibigay ni Mr. Almari sakin.
to be continued...