PROLOGUE

1003 Words
Isang mapayapa at malamig na gabi ang pinagsasaluhan ng dalawang taong nag-aalab ang mga damdamin sa isa't isa. Mabibigat na paghinga nila ang tanging naririnig kasabay ng mga huni ng kuliglig. Kapwa nakahubad sa ilalim ng manipis na kumot at tanging mantel lamang ang higaan sa malawak na damuhan. Hindi nila alintana ang lamig, dahil sapat na ang init na galing sa kanilang mga katawan. "Ahh, Sensyo." "Hmm, aking Estelita." "Natusok yata ang aking likod ng kahoy, hmm," ani Estelita habang nakapulupot ang mga kamay sa leeg ng binata. "Oo, mahal, tutusukin kita ng aking kahoy," tugon ni Sensyo habang abala sa paghalik sa leeg ng dalaga. "Ahh, ma-masugatan na yata ako," sabi pa ni Estelita sa pagitan ng kaniyang pag-ungol. "Hindi kita susugatan, aking pinapangako." Nagsimula nang maglakbay ang kamay ni Sensyo sa malulusog na bundok ng dalaga. "Ahh, hmm, Sensyo, sa-sandali," pigil ni Estelita sa binata. Nagtatakang tingin ang makikita sa mga mata ni Sensyo, "Ayaw mo ba? Ilang araw din tayong hindi nabigyan ng pagkakataon." "Hi-Hindi iyon ang aking i-ibig sa-sabihin." Nakagat ni Estelita ang ibabang labi, dahil ayaw niyang malaman ng binata na sabik na sabik siya sa bawat haplos ng mga kamay nito sa kaniyang katawan, "Iyong likod ko kasi, natutusok ng kahoy." Isang nakakaakit na tawa ang isinagot ni Sensyo, "Pasensya na, mahal. Nalunod na ako sa pagkasabik sa iyo." "Hmm, Sensyo," napaungol na si Estelita dahil naramdaman niya na ang kahoy na tinutukoy nito. Sa isang kisapmata, tinawid ni Sensyo ang pagitan ng kanilang mga labi. Nagliliyab na ang apoy na kanilang sinindihan na mas lalong nagpainit sa kanilang mga katawang sabik sa haplos ng bawat isa. Inihiga muli ni Sensyo si Estelita sa mantel at kaagad na hinalikan ang pagitan ng kaniyang dalawang umbok, pababa sa kaniyang puson. "Ahm, hmm," ganting ungol ni Sensyo, "Hmm, Estelita, hmm." Hindi naglaon at bumilis ang pagbayo ni Sensyo. Pabilis nang pabilis. Palalim nang palalim. At sabay nilang nilandas ang tuktok ng kasukdulan. "Ipangako mong babalik ka rito, Estelita at sasama sa akin. Magpakalayo tayo sa iyong pamilya." "Aking pinapangako, Sensyo." Binabagtas nila ang madilim na kakahuyan pauwi sa mansyon ng mga Delrosa. Lagi nila iyong ginagawa sa tuwing magkikita sila—ihahatid ni Sensyo ang dalaga at saka uuwi sa kaniyang munting kubo. Nang magulat sila sa sabay-sabay na paglitaw ng mga lampara at mga baril na nakatutok kay Sensyo. "Ama!" sigaw ni Estelita kay Don Pablo. Marahas na hinila ng Don at kaniyang anak at saka hinampas ng baril si Sensyo sa mukha, "Iho de p*ta!" Natumba si Sensyo sa lupa habong sapo ang mukhang nagsisimula ng dumugo. "Sensyo!" Akmang dadaluhan ni Estelita ang kasintahan nang hinila siyang muli ng kaniyang Ama sa kaniyang buhok at saka sinampal, "Wala kang hiya! Wala kang delikadesa! Pumatol ka sa isang wala na ngang pinag-aralan, wala pang maipagmamalaki sa lipunan! Hindi ka nag-iisip! Pumatol ka sa mas bata sa iyo ng sampung taon!" "Estelita!" Akmang tatayo si Sensyo, ngunit kaagad din siyang napaluhod, dahil sa paghampas ng isa sa mga tauhan ng don sa kaniyang likod gamit ang kahoy na dala-dala nito. "Sensyo!" umiiyak na sigaw ni Estelita, "Parang awa mo na, Ama." "Binalaan na kitang itigil ang iyong kagagahan! Ngunit, ano ito! Nakikipagkita ka sa kaniya sa gitna ng gabi! Ano na lamang ang sasabihin ni Adolfo!" Nanlalaking mga mata na sigaw ng don sa kaniyang anak. "Hindi ko siya mahal, Ama!" ganting sigaw ni Estelita. "Mahal mo man siya o hindi, kailangan mo siyang pakasalan! Isa pa mas magkatugma ang edad ninyong dalawa, kaysa sa hampaslupang lalaking ito!" Tinadyakan ng don ang walang kalaban-labang binata. "Maawa kayo, Ama!" Lumuhod na si Estelita at pinagsalikop pa nito ang mga palad para lamang kahabagab ng don. "Mas maawa ka sa amin ng iyong ina Estelita! Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao! Na hinayaan ka naming pumatol sa mas bata sa iyo at higit sa lahat, sa wala pang maipagmamalaki!" "Sige na Estelita, umuwi ka na," umiiyak na sabi ni Sensyo, bakas sa tinig nito ang kalungkutan, lalo na at nakikita niyang nahihirapan ang babaeng kaniyang iniibig, "Ka-Kalimutan mo na lamang ako. Mas ma-maganda ang magiging buhay mo kay A-Adolfo. Parehas pa kayo ng edad." "Hi-Hindi, Sensyo. Hindi ako magpapakasal kay Adlofo. Ikaw lang ang aking mahal!" Hindi nagpatinag si Estelita at isinigaw pa iyon sa harap ng kaniyang Ama. "Mahal! Nagmahal ka nang mas bata sa iyo! Anong klaseng pagmamahal iyan? Para mo na siyang bunsong kapatid!" Isang sigaw na naman ang pinakawalan ng don, "Tingnan natin kung hanggang saan ang pagmamahalan ninyong dalawa." Nanlaki ang mga mata ni Estelita ng itutok ng kaniyang Ama ang baril sa ulo ng lalakeng sinisinta, "Huwag, Ama! Parang awa mo na, Ama! Ama! Palayain na lamang kami ninyo, Ama! Magpapakalayo kami, hindi kami magpapakita rito." "Naririnig mo ba ang iyong sarili, Estelita!" Bago pa man makapagsalita is Estelita, isang nakabibinging putok ng baril ang umalingawngaw sa gitna ng kakahuyan. Kasabay niyon ang sigaw ni Estelita, "Hindi!" Bumulagta sa lupa ang walang kalaban-kalabang binata. Tinamaan siya sa dibdib at nahihirapan nang huminga, "Es-Estelita..." "Sensyo!" Napaluhod na sa lupa ang dalaga habang hindi magkamayaw ang pag-agos ng kaniyang mga luha. "Si-Sinusumpa ko, sa nga-ngalan ng a-aking pag-ibig." Kahit nahihirapan na ay pinilit pa ring magsalita ni Sensyo, "I-Ikaw pa rin ang a-aking ma-mamahalin hanggang sa su-susunod kong bu-buhay." "Hindi! Sensyo!" Napasigaw pa lalo si Estelita nang tuluyan nang pumikit ang mga mata ni Sensyo. "Tayo na!" Utos ng don. Ngunit, kaagad na naagaw ni Estelita ang baril na hawak ng kaniyang ama at mabilis pa sa kidlat na itinutok iyon sa sariling ulo, "Nangako akong sasama sa iyo, aking mahal." Isang putok muli ang lumunod sa katahimikan ng kakahuyan. "Hindi!" Wala nang nagawa ang don. Kaagad namang bumulagta ang katawan ni Estelita sa tabi ni Sensyo. Isang payapang gabi at dalawang pusong nagmamahalan ang nagwakas. Ang kaninang nag-aalab na mga damdamin ay tuluyan nang nanlamig. Dalawang taong nagmamahalan, ngunit kay lupit nang kinahangtungan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD