PART 7

1301 Words
KAHIT paano ay nagbalik na ang kasiglaan ni Kim kinaumagahan nang muli siyang pumasok sa trabaho. Pero kung sisilipin kung anong ginawa niya kagabi bago matulog para makamove-on sa ginawa sa kanya ng crush niyang si Jay Novilla ay.... .. ay pinagpupunit lang naman niya ang mga poster ng binata na nakadikit sa kuwarto niya at pinagsusumpa. "Sinusumpa ko! 'Di ka liligaya sa ibang babae! Sama ng ugali mo pala!" aniya habang pinupunit ang mukha sa larawan ng binata. Ta's isho-shoot niya sa basurahan na nasa tabi ng kabinet. "Hindi ka dapat hinahangaan! Dapat sa'yo ginaganito!" sabi rin niyang ngitngit na ngitngit habang kinakalumos naman ang isang poster. Lahat kasi ng poster ni Sir Jay nila sa resort ay lihim siyang nag-uuwi ng isa. Ginawa niyang collection ang larawan ng noo'y crush na crush niyang binata pero ngayon ay hindi na. Ang isa pa ay sinulat-sulatan niya ng ballpen hanggang hindi na makita ang guwapong mukha ni Jay sa larawan. Kung marunong nga lang sana siya sa pangungulam ay baka kinulam na niya pati ang binata. "Yan ang bagay sa 'yo! Binubura sa mundo!" duro niya sa puro itim ng ballpen ng mukha ng binata. 'Yung isa naman ay sinulatan niya ng DYABLO ANG LALAKING ITO tapos drinowingan ng sungay at buntot. Masama! Masamang-masama kasi ang loob niya talaga sa binatang kay tagal niyang hinangaan! Wala naman siyang ginagawang masama pero gusto siyang ipatanggal sa trabaho. As in agad-agad pa! Gawain ba iyon ng matinong lalaki? Hindi! Dahil gawain iyon ng hindi tao kundi ng dyablo! Kung alam lang niya na masama pala ang ugali ng lalaking 'yon. Sana talaga 'ay di na lang niya ito naging crush. "Wow! Ngiting-ngiti tayo, ah? Parang walang pinagdadaanan?" puna sa kanya ni Veron nang nagbibihis sila ng uniform. "Syempre," maliksi niyang sabi. "Parang walang nangyari?" Ngumuso siya. "At least nakita ko agad ang tunay na ugali ng lalaking 'yon." "Sus, if I know drama mo lang 'yan.." Sinusuot na nila ang uniform nila, at inaayos. "Hindi na. 'Di ko na talaga siya crush. Turn off na ako sa kanya," giit niya kasi totoo naman. "Dyablong 'yon! Tse!" "Kasi turn off din siya sa'yo. Rampa pa," giit nga lang din ni Veron tapos humagigik. Pinagtatawanan talaga siya ng bruha. Sarap upakan, eh! "Heh!" nakabusangot niya na lang na saway rito. Nagpatuloy sa pagtawa si Veron kaya inis niya itong iniwan. "Oy, wait. Sabay na tayo," pero habol din naman nito sa kanya. Bahagyang siniko na lang niya ito sa braso at sinimangutan para magtigil sa kakatawa. Nang bigla'y may humarang na kasamahan nila sa kanya at parang may iniindang sakit sa tiyan. "Kim, pasuyo naman ako, oh?" "Anna, bakit?" Imbes na sumagot ay 'yung key card ang inabot sa kanya. "Ano 'to?" "Please, Kim, ikaw muna ang bahala sa paglilinis sa penthouse kasi ang sakit talaga ng tiyan ko, eh. Pasuyo lang, please? Nag-i-LBM kasi ako, eh. Salamat.' At hindi pa man siya pumapayag ay tumalilis na ng alis si Anna. Napakibit-balikat na lang siya na binulsa ang key card ng penthouse. Wala siyang magagawa dahil iyon naman talaga ang trabaho niya rito, ang maging reliever sa mga kasamahan na nagkakasakit o nagdi-day-off o 'yung mga naga-absent. "Paano do'n pala ako?" aniya kay Veron. "Sige, kita na lang tayo sa lunch?" "Okay." Tumalikod na siya sa kaibigan. Kinuha niya ang cart na pang-housekeeping at tinungo agad ang elevator na pang employee. Sa pinakataas kasi ng resort ang penthouse. At kung 'di siya nagkakamali VIP na tao lagi ang umuukupa roon. Sumakay agad siya sa elevator. Agad 'yung nagsara nang may pinindot siya. Kaya hindi na niya nakita ang pagbalik at paghabol bigla sa kanya ni Veron. "Patay!" ngiwing sambit ni Veron dahil naalala nito, naalala nito na ang nakaukopa roon sa penthouse ngayon ay si Sir Jay Novilla nila. Kaya patay si Kim kapag nagkita ulit ang dalawa. "Naku! Bakit ba 'di ko agad kasi naisip!" Pinindot-pindot ni Veron ang button ng elevator. Susundan nito si Kim para balaan. Ngunit sa kamalasang palad ay tinawag ito ng isang personnel at pinapapunta ito sa lobby ng resort. May nagrereklamo raw kasing guest daw roon dahil madumi raw ang room nito. Walang nagawa si Veron kundi ang sumunod sa mataas na personnel na iyon. At hinayaan na lang si Kim. Pinagdasal na lang nito na sana wala ngayon si Sir Jay nila sa penthouse para hindi magkita ulit ang dalawa. Ite-text niya rin sana si Kim kaso naalala nito na wala itong cellphone at lalong wala ring cellphone si Kim. Bawal kasi ang cellphone kapag oras ng trabaho kaya iiniiwan nila sa locker room ang mga cellphone nila. Bahala na si Kim, wala na itong magagawa. Maliksing lumabas naman na sa elevator si Kim. Tulak-tulak niya ang cart na pinaglalagyan ng mga gagamitin niya sa paglilinis. Magaan ang kanyang pakiramdam na naglakad sa hallway patungong pinto ng penthouse. "House keeping po?!" Katok muna siya sa pinto at baka may tao sa loob. "House keeping, sir? Ma'am?" Katok niya ulit. At nang walang sumasagot ay nilabas na niya ang key card. Akmang itatapat na niya ang card nang biglang nagbukas naman na ang pinto. Ang ikinagulat niya au nang iniluwa ng pinto ang guwapong si Sir Jay nila. Lumuwa agad ang mga mata niya at nahintakutan. Whoa! Patay! Lagot! Tigok! Dedbol! "Sabi nga pala ni Sir Ernest ay iwasan mo raw si Sir Jay. Hangga't maaari ay huwag kang magpapakita sa kanya. Iwasan mo siya ng maigi dahil kahit isang hibla man ng buhok mo ay ayaw na ayaw daw niyang makita. Oras na makita ka raw ulit ni Sir Jay ay 'di na siya magdadalawang isip na tanggalin ka sa trabaho," awtomatikong naalala ng isip niya sa sinabing iyon ni Misis Peres sa kanya. "Come in," sabi ng binata na buti na lang ay nakatutok ang pansin sa cellphone na lumabas. May ka-text ang binata. Seryoso. Mabuti na lamang dahil nagawa niya pang tumalikod sa binata at pasimpleng hinablot ang isang bedsheet na puti sa cart at mabilis na ibinalabal sa kanyang ulo para takpan ang kanyang mukha, bago siya`nito makilala. "Ikaw na ang bahala rito," sabi ulit ng binata na tapos nang mag-text. Sinuksok na nito ang cellphone nito sa likod ng bulsa ng maong nitong pantalon. Paalis na rin sana ito nang muli namang lumingon. Napatuwid siya ng tayo. Hawak niya ng mahigpit ang bedsheet na pinantakip niya sa sarili. Ngiwing-ngiwi siya. Nakailang lunok na rin siya. "Lord, help me," usal niya dahil sa pangambang baka makilala siya ng binata. "Miss?! Are you sick? Does anything hurt?" at pansin pa talaga sa kanya ng binata. Ay sus, naman! Umuling siya nang madami. Grabe ang tunog ng matinding kaba sa dibdib niya. 'Pag siya nakilala at nakita at sesesantihin patay sa kanya 'yung Anna na iyon. Susme! "Are you sure? Parang nanlalamig ka, eh?" "O-okay lang po ako, sir. M-may tagyawat kasi ako na malaki sa mukha kaya po tinatakpan ko. Nakakahiya po kasi at nakakadiri," sagot niya na utal-utal. Wish niya lang na 'di siya mabosesan. Jusko! "Okay." Mukhang nandiri nga ang binata kaya iniwan na siya. "Hoh!" Napabuga siya ng hangin sa bunganga nang wala na ang binata sabay alis sa bedsheet na binalabal niya sa mukha. Kinabahan talaga siya ng matindi. Muntik na siyang atakehin sa puso, Gosh!.......... . . . A/N: "Guys, follow me on my f******k Account for a chance to win various prizes every month as my 'Thank You' for supporting my stories here on Dreame or Yugto. (Cash. Load. Gift.) Ad Sesa rin po ang name ko sa sss. Naka-motor ang profile picture. Suporta Niyo, Ibabalik Ko, Salamat po sa inyong lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD