"May nakalimutan pala ko!" Papikit na ng mata si Leslie nang magmulat uli ng marinig ang sinabi ni Dexter. Tinungo siya nito habang nakahiga siya sa kama. Umupo si Dexter sa gilid ng kama. Nagulat siya ng halikan ni Dexter sa labi. "Good night!" Ngumiti ito matapos siyang dampian ng halik sa labi. Inilapit uli nito ang mukha sa kanya para halikan uli siya. Napakapit si Leslie sa batok ni Dexter ng madala siya sa halik nito. Naramdaman niya ang kamay nito sa dibdib niya pero hindi din yun nagtagal. Ilang sandali ng huminto ito sa paghaplos at paghalik sa kanya. "Tama na nga baka hindi na talaga ko makapagpigil eh!" Nakangiti nitong sabi. "Good night!" Hinawakan ni Dexter ang kamay niya. "I love you Leslie!" Namumungay ang mga mata nitong sabi. Nasa mga mata nito na seryoso sa sinasa

