Nagulat si Leslie nang may humalik sa kanya sa pisngi habang kumakain siya sa canteen. Napangiti siya ng mabungaran si Dexter. Umupo naman ito sa tabi nya. "Kumain ka na?" Tanong nya rito. "Makita lang kita, full energy na ko eh!" Nakangiting sabi ni Dexter habang nakatitig sa kanya. "Kayo na ba?" Tanong ni Rhea nang mapansin ang kakaibang sweetness ng dalawa. "Tinatanong ka nila!" Baling ni Dexter kay Leslie nang bigla siyang natahimik. Hinawakan niya ang kamay ni Dexter at tinaas yun ng magkahawak kamay sila. "Wow congrats!" Napapalakpak sa tuwa ang mga kaibigan niya. Dahil sa tuwa ay hinalikan ni Dexter ang kamay nya tsaka siya niyakap. "Dexter maraming nakatingin." Sabi niya ng mapansin na pinagtitinginan sila. "Huwag na kayong mag-usyoso. Kami na ni Leslie!" Baling ni Dexte

