Wise men say only fools rush in
but I can't help falling in love with you..
Take my hand, take my whole life too
for I can't help falling in love with you".
Everyone can't take their eyes off to the lovely bride slowly walking down the aisle while singing the song that best describes of how their love story goes. Isang napaka gandang awitin na para bang kay sarap ma inlove nang paulit- ulit.
"hays nakakainlove naman talaga diba? wika ng head organizer nila na kulang nalang lumabas ang puso sa sobrang kilig. Everyone is happy and inspired because of love is truly in the air. Pero hindi ang isang katulad niya na kulang nalang ay masuka nang dahil sa ka ampalayahan . Maghihiwalay din yan! hindi napigilang bulalas ni Summer
Biglang napatingin sa kanya ang mga kasamahan lalo na ang kanilang head organizer na kulang nalang ay matunaw siya sa sama ng tingin nito sa kanya at ng biglang may humpas at nagsalita mula sa likuran niya.
Baklang to! napaka bitter sa buhay palibhasa kasi no boyfriend since birth ka! ayan tuloy hindi mo alam ang salitang pag-ibigggg". Wika naman ng baklang organizer na kasamahan din nila sabay kindat para patuloy na tuksuhin sa ka bitter ran ng buhay niya.
Magsasalita pa sana siya ngunit naisip niya na hindi rin naman siya mananalo sa grupong panay paniwala sa pag-ibig. Nag paalam nalamang siya sabay sabing tsk tsk tsk pag-ibig,pag-ibig nakakabaliw! sabay ngiti sa mga kasamahan niya at agad na siyang tumakbo para lumipat ng pwesto dahil sa kulang nalang eh lumipad ang upuan papunta sa kanya. Maiinlove ka rin! Iiyak ka rin! bruhang to! pahabol na sabi ng isa sa kanila NO NEVER EVERRR! NO WAY! tseee
Ma karma ka sana at maranasan mo ang tamis at pighati ng pag-ibig! hindi na niya pinansin ang mga ito.
Naluha at napangiti na lamang siya mula sa pagbabalik tanaw sa nakaraang buhay niya bago man ang sakuna na dulot ng unang pag-ibig.