[DECEMBER 2017] "YUNI did that, huh?" malungkot na tanong ko kay Tray. Ikinuwento niya sa'min kung bakit siya na-late ng habang naglalakad kami sa nadaanan naming park pagkaalis namin ng restaurant. Naka-high heels ako kanina pero dahil safe girl ako, nagbaon ako ng flat shoes at cardigan. Suot ko na ang mga 'yon ngayon. Buti nga't hindi na-turn off sa'min si Tray nang makita niyang bukod sa classy sling bag ko ay meron pa kong dalang tote bag. "Is she in love with you?" Hindi na-fluster si Tray sa tanong ko. In-e-expect ko kasi na maibubuga niya ang iniinom niyang coffee. Pero hindi 'yon nangyari. "No, she's not," kalmadong sagot niya, saka niya inayos ang nakasabit na paperbag sa braso niya. Hindi ko alam kung anong laman niyon pero dinala niya 'yon no'ng bumaba kami ng kotse niya kani

