☻TRAY "YOU DIDN'T have to go with me, baby boy," sabi sa'min ni Bomi habang nagta-type siya sa phone niya. Siguradong si Krey Park ang ka-message niya. "I know naman na kailangan mong mag-recharge." "I'm fine," sagot ko naman habang deretso ang tingin sa kalsada. Nagda-drive ako no'n papunta sa condo building kung saan siya nakatira. "I don't need to recharge yet." Well, not after Krey Park called my girlfriend. Sa totoo lang, nauubos na talaga ang energy ko sa pakikipag-socialize sa ibang tao. Gusto ko sanang magkulong lang sa kuwarto at mag-drawing ng comics na madalas kong gawin kapag "me time" ko. Pero hindi naman ako mapapalagay kung alam kong may ibang lalaking kasama si Bomi. I'm not being petty. Wala naman akong problema kung makiki-hang out si Bomi sa ibang lalaki dahil hindi

