NAKASIMANGOT lang ako habang pinapanood si Tray na i-set up ang projector niya sa dingding ng kuwarto niya. Manonood kasi kami ng Star Trek. I'm not a fan of sci-fi so I'm not that thrilled, but I decided to give it a shot because I love my boyfriend. Saka nagtitiyaga siyang manood ng romantic movies with me kaya this time, ako naman ang makikisakay sa trip niya. I want to love the things that he loves, eh. "Bomi, gusto mo ba ng fries..." Natigilan si Tray nang mapansin niyang nakasimangot ako at yakap lang ang mga binti ko habang magkatabi sa sahig. "What's wrong? Why do you look upset?" Humugot ako ng malalim na hininga para sa drama ko, saka ko siya tiningnan ng seryoso. "Tray, let's breakup." Halatang nagulat siya dahil napakurap-kurap lang siya habang nakatingin sa'kin. "Pagod n

