Teaser

1848 Words
Isang matanda ang customer ko ngayong gabi dito sa bar na pinagtatrabahuan ko. Lamas, halik at kung anu-ano pa ang ginagawa niya sa akin. Lahat ay pikit mata kong nilulunok pero hanggang himas at halik lang siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi na tumatayo si manoy niya. Bagay na ikinatuwa ko naman dahil hanggang doon lang siya. Binigyan niya ako ng isang libong puso… para akong dinaganan ng isang drum na tubig sa sobra kong panlulumo. Isang libo kapalit ng aking dignidad? Kulang na kulang pa ito para mabuhay kaming apat. “Reah, gusto mo ba sumama sa amin? May raket kami!” Si Marimar, ang kasamahan kong hostess. “Naku… anong oras na, eh.” “Ano ka ba! Oras lang ‘yan ‘wag mo nang palagpasin ang pagkakataong ito. May limang dayuhan galing sa ibang bansa daw kaya dolyar ang halaga natin ngayong gabi!” Napalunok ako, kung dolyar ibig sabihin ay malaking halaga rin ‘yon. Pero sa mga oras na ‘to ay hinihintay na ako ng mga anak ko. “Oh, sino pang sasama? Bilis na habang wala pang check point makakalusot tayo sa laot!” “Sa Laot?” tanong ko kay Marimar pero agad niya akong hinila sa braso at tumakbo kami. “Kami pa, kap! Kami pa ni Reah!” Mabilis kaming sumakay sa likod ng isang malaking truck kung saan nagkukumpulan na ang iba pang mga babae. Halos walang space para huminga. Nagsisikiskan kami sa amoy pawis na may halong murang pabango ang buong paligid. Bawat isa sa amin, may kanya-kanyang bitbit na takot sa mukha at kapit sa patalim. Magkakaiba man ang istorya ng aming kuwento pero lahat kami ay lumalaban upang mabuhay. Biglang umarangkada ang truck. Sa tindi ng rebahe at sa bilis ng takbo nito biglang gumaod ang gulong sa isang malalim na lubak. "Ayy!" napasigaw ako nang mawalan ako ng balanse. Nahulog ang isa kong paa palabas ng truck! Pakiramdam ko ay katapusan ko na. "Reah!" Bago pa ako tuluyang bumagsak, isang mahigpit at nanginginig na kamay ang sumunggab sa braso ko. Si Marimar! sa tulong ng iba pang mga babae, buong pwersa nila akong hinila pabalik sa loob. Napaupo ako sa sahig ng truck, habol ang hininga, habang ang puso ko ay parang gustong kumawala sa aking dibdib. Kung nahulog ako, paano na ang mga anak ko? "Salamat, Marimar... salamat," naiiyak kong bulong. Tumango lang siya, pero bakas din sa mga mata niya ang takot. Matapos ang halos isang oras na biyahe ay huminto ang truck. Pagbaba namin, sinalubong kami ng amoy ng maalat na dagat at ang ingay ng hampas ng alon. Isang madilim at liblib na pier ang tumambad sa amin. Sa gilid ng pampang, may dalawang malalaking bangka na naghihintay. "Bilis! Walong babae sa bawat bangka, kilos! Bago pa tayo maabutan ng mga coast guard!" utos ng isang lalaking may hawak na flashlight. Kaagad kaming sumakay ni Marimar sa unang bangka kasama ang anim na iba pa. Pagsakay namin, agad na pinaandar ng bangkero ang makina, sapat lang ang lakas para hindi lumikha ng masyadong ingay. Habang tinatahak namin ang madilim at malawak na laot, walang sinuman sa amin ang nagsasalita. Makalipas ang ilang minuto, isang anino ang sumulpot sa gitna ng kadiliman. Isang marangyang barko ang bumungad sa amin. Isa-isa kaming pinasampa sa deck, at halos hindi pa man kami nakakaupo lahat, naramdaman ko na ang marahang pagyanig ng barko. Akala ko sa loob lang kami ng barko magtatrabaho, ngunit habang bumibilis ang takbo nito, unti-unting may natatanaw ako sa abot-tanaw. Nasilayan ko ang isang isla sa gitna ng karagatan na unti-unting nililiwanagan ng mga makukulay na ilaw. Kahit madilim, kitang-kita ang ganda nito, may mga naglalakihang palm tree, puting buhangin na kumikinang sa ilalim ng buwan, at mga modernong resort na nakatayo na parang isang eksklusibong paraiso para sa mga mayayaman. Isang nakatagong isla na tila hiwalay sa totoong mundo. Paraiso kung titingnan... pero ang tanong na lumamon sa isip ko habang papalapit kami. Anong uri ng impyerno ang naghihintay sa akin sa likod ng magandang paraisong ito? “Bilis! Bilis!” Mabilis kaming bumaba at halos basang-basa pa kami dahil hanggang dibdib ang tubig nang pinababa kami hanggang sa nakaahon kami. Pumasok kami sa isang malawak at marangyang silid.Sa gitna ng silid, nakaupo sa isang katad na sopa ang isang lalaki na tila hari sa sarili niyang kaharian. Naka-dekuwato ang mahahabang binti nito, nakasuot ng purong itim na polo na bahagyang nakabukas ang unang tatlong butones, at may hawak na baso ng alak. Awtomatikong napako ang tingin ko sa kanya. Hindi ko napigilang mapasinghap sa isip ko. Napakaguwapo niya. Mayroon siyang matangos na ilong, panga na tila nililok ng isang sining, at perpektong kulay-moreno na lalong nagpadagdag sa kanyang kakisigan. Ngunit ang pinakamakatatawag-pansin sa lahat ay ang kanyang mga mata—mga matang madilim, matatalas, at tila may kakaibang lakas na nanghihigop ng kaluluwa ng sinumang tumingin nang matagal. Nang mag-angat siya ng tingin, diretso itong dumapo sa akin. Pakiramdam ko ay hinubaran niya agad ako gamit ang kanyang mga mata pa lang, dahilan para kilabutan ako at mapalunok ng laway. Mabilis kaming binuod ng isang babaeng mukhang siyang namamahala sa lugar. Mula sa labing-anim na magkakasama sa bangka, lima lang kaming pinili upang maiwan sa silid na iyon, kabilang kami ni Marimar. Ang iba ay agad na pinabalik sa labas. "Makinig kayong lima," seryosong saad ng babaeng may hawak ng clipboard. "Pumasok kayo sa banyo, maligo kayo, magpabango, at isuot ninyo ang mga pulang damit na nakahanda roon. Gawin ninyong kaakit-akit ang mga sarili ninyo dahil isa lang ang pipiliin ni boss." Bahagyang lumapit ang babae sa amin at nagbaba ng boses, ngunit sapat na para marinig ng aming naglalakihang mga mata. "Kung sino ang mapipili ngayong gabi... bibigyan ng dalawang milyong piso. Kapalit lang ng isang gabi." Dalawang milyon? Napanganga ako, halos mabaon ko ang aking mga ngipin sa tindi ng emosyon. Dalawang milyong piso kapalit ng isang gabi? Ang isang libong piso na ibinigay ng matanda kanina sa bar ay walang-wala kumpara sa halagang ito! Ito na ang sagot sa lahat ng hirap ko. Ito na ang susi para matapos ang gabi-gabing pagbebenta ko ng puri sa mga bastos na kustomer sa bar. Pagpasok ko sa loob ng banyo, agad akong sumailalim sa shower. Habang umaagos ang tubig sa aking katawan, pilit kong kinuskos ang aking balat, nais burahin ang amoy ng panis na laway at magaspang na haplos ng matandang kustomer ko kanina. Isinuot ko ang pulang bistida na hapit na hapit sa aking katawan at nag-spray ng mamahaling pabango na nandoon. Habang nakatitig sa salamin, magkayakap ang aking dalawang kamay at nagsimula akong manalangin ng taimtim. Halos lahat ng santo na alam ko ay tinawag ko na. “Diyos ko, Santa Maria, San Jose, Santo Niño... parang awa ninyo na, sana ako ang mapili. Kapag nakuha ko ang dalawang milyong 'yan, magpapakalayo-layo na kaming mag-iina. iiwan ko na ang lungsod na ito, iiwan ko na ang maduming trabahong ito. Mamumuhay na kami ng normal ng mga anak ko. Makakakain na sila ng tatlong beses sa isang araw, makakapag-aral, at hindi ko na kailangang ilako ang katawan ko kailanman.” May pumatak na luha sa aking mata pero mabilis ko itong pinunasan para hindi masira ang kaunting kolorete sa aking mukha. Umiral ang pag-asa sa dibdib ko. Maganda ako, maputi at sexy. Kaya sana ay ako ang mapili! "Lumabas na kayo!" tawag sa amin mula sa labas. Lumabas kaming lima na pare-parehong naka-pulang damit at nakahanay sa harap ng guwapong lalaki na nananatiling nakaupo sa sopa. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, dahan-dahang gumagapang mula sa unang babae. Sumunod ang isa pa at magkakasunod na sila at ako naman ay sumunod kay Marimar. "Take off your clothes," malamig na utos ng lalaki sa tatlo. Nagkatinginan kami ni Marimar. Isa-isang naghubad ang mga kasamahan ko hanggang sa silang tatlo ay nakatayo na nang walang saplot. Naiwan kami ni Marimar na nakatayo, nanginginig ang mga kamay habang hawak ang zipper ng aking pulang damit. Pinasunod ng lalake si Marimar na walang atubiling hinubad ang damit. Sexy si Marimar mabalakang lang siya pero wala siyang dibdib kaya baka ako talaga ang piiliin. Ako ang pinakahuli. Sa bawat segundong lumilipas, ramdam ko ang bigat ng kanyang mga mata na nakatitig sa akin, naghihintay. “You.” Nilunok ko ang natitirang hiya sa aking katawan, sa dami ng lalaking nakakita sa aking katawan hindi ko maintindihan bakit pagdating sa lalaking ito ay hiyang-hiya ako. Ipinikit ang aking mga mata, at dahan-dahang ibinaba ang tela ng damit hanggang sa bumagsak ito sa aking mga paa. Narinig ko ang marahang paghakbang ng kanyang mga sapatos sa sahig. Papalapit siya sa akin. Nakatayo na siya sa mismong harapan ko. Para akong malalasing sa bango niya at ang kanyang presensya ay napakalakas. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at marahang hinawakan ang aking mukha. Hinaplos niya ang aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaki, at sa sandaling iyon, umasa ako. Akala ko, ako na ang mapipili. Akala ko, narito na ang dalawang milyong magliligtas sa aming mag-iina. Subalit nang bumaba ang kanyang tingin sa aking katawan sa aking tiyan at sa aking mga balakang na lantad na lantad na ngayon sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng silid ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Bahagyang kumunot ang kanyang noo at dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kamay sa aking pisngi. Napailing ang lalaki. Isang iling na tila bumasag sa aking buong pagkatao. "Nanganak ka na ba?" malamig niyang boses. Naramdaman ko ang biglang paglamig ng aking mga palad. Tumingin ako sa sarili kong tiyan. Nandoon ang mga mapuputi at kulubot na linya—mga stretch marks na iniwan ng aking pagbubuntis. Ang mga bakas ng pagiging isang ina na minsan kong ipinagmamalaki dahil simbolo iyon ng buhay ng mga anak ko, ngunit ngayon ay tila naging sumpa sa harap ng lalaking ito. "O-Opo..." nanginginig kong sagot. "May tatlo po akong anak… sir,” Kaagad na lumarawan ang labis na pagkadismaya sa mukha ng guwapong lalaki. Tinalikuran niya ako at bumalik sa kaniyang upuan. "Isuot mo ang damit mo at umalis ka na rito," taboy niya sa akin, habang sumasalin muli ng alak sa kanyang baso. Parang mga saksak ng patalim na sunod-sunod na bumaon sa dibdib ko. Ang huling piraso ng dignidad na pinilit kong isalba kanina ay tuluyan nang natapakan at nadurog sa sahig ng silid na iyon. "Ikaw," turo ng lalaki kay Marimar na nakatayo sa gilid. "Ikaw ang mananatili rito." Nanlaki ang mukha ni Marimar sa labis na kagalakan. Halos mapatalon siya sa tuwa habang mabilis na lumalapit sa lalaki. Sobrang saya niya, habang ako naman ay nanginginig na pinulot ang aking pulang damit sa sahig. Hindi ko na nagawang lumingon pa. Isang tauhan ng barko ang marahas na humawak sa aking braso at hinila ako pabalik palabas ng silid. Habang hila-hila ako sa kahabaan ng koridor patungo sa barkong mag-uuwi sa akin, napakagat ako nang napakariin sa aking ibabang labi upang hindi ako makasanhi ng ingay dahil ramdam ko ang panunubig ng aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD