Summer POV
Matapos ng klasse dumeretso kaagad ako sa bahay nila mama para kunin si lexi.
"Ma? May sasabihin ako."
"Ano iyon anak?" Nagtataka na tanong niya.
"Hmm. Si liam nagtuturo sa university kung saan ako pumapasok." Paliwanag ko sa kaniya.
"Ha? Pero paano?" Gulat na tanong niya.
"Hindi ko nga alam ma ee, ayoko na makilala siya ng anak ko."
"Anak walang sikretong hindi nabubunyad." Sabi nito.
"Natatakot ako ma. Paano pag kuhanin niya sa akin si Lexi?" Malungkot na tanong ko.
"Hindi naman siguro gagawin ni liam yun anak. Mabait na bata iyon."
"Ma, may pakikiusap sana ako sayo."
"Ano iyon?"
"Pwedeng ikaw na muna ang bahala kay Lexi? Pumunta ka na lang sa bahay tuwing monday-friday. Pag wala ako."
"Osige. Bukas pupunta ako ng maaga sa bahay niyo."
"Thank you ma. Uuwi na po kami.” Paalam ko.
"Bye Lola." Paalam naman ni Lexi kay mama.
Umuwi na kami sa bahay, pumunta kaagad kami sa living area saka kumuha ng miryenda para sa amin dalawa.
"Mommy nasaan po si daddy?" Biglang tanong niya, kaya natigilan ako bigla.
"Hmm. Nasa malayo si daddy para magtrabaho baby" Pagsisinungaling na sabi ko sa kaniya. I’m sorry anak.
"Love niya naman po tayo diba?" Malungkot na tanong niya.
"Oo naman baby. Busy lang talaga si daddy kaya ganon."
"Sana po mommy makita ko na siya." Malungkot na sabi niya.
"Makikita mo rin siya baby pero hindi muna ngayon kasi nasa malayo si daddy para magtrabaho." Sabi ko at niyakap siya.
Mahirap ang ganito lalo na pag hinahanap niya yung daddy niya. Napabugtong hininga ako, makikita mo rin siya baby. Hindi muna ngayon. Maintindihan mo sana si mommy.